news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17654 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 769  global2010

    04/10/2011 | 02:55 PM
    sabihin nyo nga, kung WALA bang pinamimigay na PERA sa show ni Willie eh manunuod kayo sa kanya? gawin nating patas, dalawa lang options dyan. Manigay si Willie ng pera na galing sa SARILI nyang bulsa at WALANG TV EXPOSURE. o kaya naman mag-show sya ng WALANG PAPREMYO. kaya ba ni Willie yun? may manunuod ba sa kanya?! MAGKAKATOTOO nga kayo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 768  SunGod30

    04/10/2011 | 02:54 PM
    Si Willy po ay easy target because of his street ways attitude, he is billionaire, hes got potential to be a lot bigger, an enemy of a holier than thou station, kalaban ng mga dilaw .... pero mahal siya ng masa... katangian na kailanman ay di makukuha ng mga alcohol-washing community ng Jim, Lea, Agot, et al
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 767  global2010

    04/10/2011 | 02:52 PM
    eh kayo rin namang mga maka-Willie, NAKKASUYA rin kayo! bakit NGAYON nyo RIN LANG kinikewstyon yung GOing Bulilit, atpb?! bakit dati hindi nyo nirereklamo, tapos nung nireklamo ang IDOL nyo, NAISIP NYO IREKLAMO RIN yung IBA PA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 766  SunGod30

    04/10/2011 | 02:49 PM
    alam niyo mga willy haters ang kakapal din ng mga mukha niyo... nung nagsasayaw sa national TV sa Showtime ang mga batang nakahubad with sexual innuendos wala kayong ginawa ... nang tinuturuan ang mga bata sa goin bulilit ok lang ang spoofs .... ok lang senyo ...psychiatrists ba kayo kung ano ang epekto nun sa kanila? ngayong mayroong easy target ...todo bugbog ... nakakasuka KAYO !!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 765  global2010

    04/10/2011 | 02:47 PM
    bakit ba yung mga nagtatanggol kay willie eh kagaya nyang mag-isip? damay damay. hindi amining mali sila, instead naghahanap din ng mali ng iba tapos ico-compare. hindi dahil nagkamali ang iba--kung nagkamali man sila-- eh ibig sabihin tama na ang ginawa ni Willie! gets nyo ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 764  flow246

    04/10/2011 | 02:46 PM
    How on earth Willy knows that Lea S, Lea N, Agot, etc did not extend their hands in helping others. Hindi niya alam dahil hindi naman ugali nang mga taong ito na i-announce kung ano ang mga naitulong nila. My goodness! akala ni Willy, siya lang ang namimigay. For heaven's sake..., stop this guy of pretending that he is only living saint for the poor. Iba talaga ang hangin sa utak ni Willy. Cyclone!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 763  pinkypop_95

    04/10/2011 | 02:44 PM
    Kasalanan ng abs cbn yan, binigyan pa nila ng pagkakataon si willie kahit alam nila na ilan beses na suspinde. para sila nagalaga ng halimaw. ngayon akala nya napaka makapangyarihan nya, so ultimo opinion ng mga tao sa mga maling ginagawa nya eh sisitahin nya. dati pa pala nya napapansin yun sa Going bulilit, di sana noon pa nya nireklamo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 762  pinkypop_95

    04/10/2011 | 02:40 PM
    mga taong masyadong emotional at pikon di dapat binibigyan ng priviledges sa TV.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 761  riafern

    04/10/2011 | 02:40 PM
    No. 598 abscbn1st. Bakit Kay Willie mo lahat pinapasa yung burden to prove his sincerity in helping the poor? Why not asked the billionaire owners and executives of abs cbn? Or the other mega billionaires in the Philippines? Sobrang hatred mo Kay Willie!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 760  flow246

    04/10/2011 | 02:35 PM
    reafern, miscarriage is not an abuse. Maybe, you're talking about abortion which is an abuse of human life. There is a big difference between abortion and miscarriage. Kris Aquino's airtime - don't find any connection with any abusive impact. It's an admission of mistake of a wrong relationship. It might even an admission of guilt. It's a consequences that give a moral lessons for women. Goin' Bulilit - it is more of comical skit for exposing corrupt officials, which I find it amusing and funny. WAKE UP! Join us! Willy is wrong. He might be good in some ways, but he should change his "mayabang" character to the fullest!. And this time, HE IS GUILTY!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 759  urbie24

    04/10/2011 | 02:34 PM
    Some celebrities like Lea Salonga and Jim Paredes are really very vocal about their opinions even sa politics, RH Bill etc. and not only this issue. They take it upon themselves to voice their ideas as part of their RESPONSIBILITY as media people. Kung baga kung hindi naliliwanagan ang ibang sektor ng lipunan and you have the POWER to know and inform then one should use it. The problem is si Willie R - namersonal at dinamay ang gender preference ni Aiza o ang di pagiging ina ni Agot. That is pamemersonal, disrespectful and an unfair way to respond to the issue. These celebrities just stick to the issue and never raised any "personal" aspects on Willie's life.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 758  redsand

    04/10/2011 | 02:33 PM
    No.755 How can you compare Kris Aquino and Ethel Booba sa isang 6 y.o. na Janjan? Kaya naging controversial ang issue nato dahil MINOR ang nasangkot. Kung 40 y.o. lang sana si Janjan wala sanang ISSUE ngayon. Mahirap bang ma gets yon?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 757  abscbn1st

    04/10/2011 | 02:32 PM
    755 riafern --- alam mo napaghahalataan ka. yung kay Ethel, hindi ko napanood. pero yung kay Kris, saan ba ipinalabas 'yun? hindi ba sa TV Patrol? news yun, totoong nangyari, hindi katuwaan, Rated PG pa. at si Kris ay hindi bata. vs sa Show ni Willie, pinagsayaw yung bata ng maraming beses at sinabihan pang "Tingnan nyo si Janjan, nagmamacho dancer, ang bata-bata dahil sa kahirapan para makatulong sa magulang" isang 6 years old inihalintulad sa macho dancer, tapos paulit-ulit pa, pinasakay pa sa hydraulic stage habang papalapit ang mga dancers na tuwang tuwa, nagmukhang gaybar.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 756  urbie24

    04/10/2011 | 02:29 PM
    The advent of social media - twitter and facebook and even pep forums such as this one made it easier for celebrities and non celebrities alike to voice their opinion. Nakita ko ang mga tweets ng celebrities na binanggit ni Willie R and they are mere "opinions" and "criticisms". As a celebrity dapat HINDI PIKON si Willie sa mga batikos na ito. Someone mentioned about Kris Aquino interview noon. Kung may twitter lang noon at facebook siguradong public outrage din ang nangyari kay Kris at naringgan din natin ng opinyon ang ibang celebrities that time.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 755  riafern

    04/10/2011 | 02:15 PM
    I agree with you No. 749. Walang consistencies ang mga taong tumitira ngayon Kay Willie. Can someone please explain to me why Ethel Booba was given airtime to announced to the whole world on how she suffered a miscarriage, her child with her lived- in boyfriend? Or why the 6 pm news was cut to give way to Kris Aquino's tearful announcement of the disease she had courtesy of her then married boyfriend? May nag- protesta ba? Nasan si Jim Paredes?aisa Seguerra? Agot Ysidro? MTRCB? Yan ang mga dapat nyong I-ban sa TV. Even those child actors in Going Bulilit - portraying adult situational comedies. They're made to act as husbands and wives, gays, misbehaving police officer, law men and women. They don't bring the kind of innocent fun kids get from watching Sesame Street, Nickeledeon. May sumisita ba sa mga yan? Wala kasi either takot mawalan ng work from abscbn or wala masyadong media exposure kaya quiet Lang yung mga sobrang maiingay ngayon!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 754  redsand

    04/10/2011 | 01:59 PM
    HINDI mababaw ang issue nato sa mga taong nag uphold ng good moral values... yon lang yon!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 753  redsand

    04/10/2011 | 01:57 PM
    Walang gustong magpabagsak kay Willy! SIYA ang nagbagsak sa sarili nya which is bagsak na Moral, bagsak na Values, bagsak na Show! hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 752  abscbn1st

    04/10/2011 | 01:54 PM
    ang ipinapakita lang dito kaya napag-uusapan sina Willie, PGMA ay kung yung malalaking tao na nagpapakita ng hindi mabuting halimbawa sa bayan ay makakaligtas sa kanilang Kayabangan at pagiging Insensitive, edi mas lalo na dapat nating paligtasin yung mga maliliit na tao, debah? if we set example by giving sanctions to people like Willie and PGMA, then the whole nation will say, ah may rule of law pala talaga sa Pilipinas na dapat sundin, keh maimpluwensya ka o mahirap, 'pag may nilabag na batas o custom ay may karampatang parusa o warning.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 751  abscbn1st

    04/10/2011 | 01:49 PM
    anong sinasabi ng iba na disproportionate??? Willie is a Superstar so ang influence nya sa masa ay malakas, kaya yung mga simpleng tweets at comments ay sapat lang para ipaalala sa kanya na may Responsibilidad sya sa mga TV Viewers na magbigay ng mabuting halimbawa. gaya sya ni Gloria Macapagal, na kinakalampag din dahil malaking isda. alanganamang sina Aling Puring na nang-iwan ng anak o si Mang Tasyo na namalo ng anak ang pag-usapan? sila ay pwedeng pag-usapan lang sa Barangay Level. pero si Willie na napapanood sa National TV is part of a National Issue because of his bad behavior. kung nagbehave lang sana sya, may magtu-tweet pa kaya?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 750  indiahenretta

    04/10/2011 | 01:48 PM
    Mr. Revillame, I know you have children, it is hard too rise them in this world, all of us have a DUTY TO PROTECT THE YOUNG AND THE INNOCENT. CHILDREN are GIFTS from heaven. This children are helpless.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About