news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17508 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 749  sowhatnow

    04/10/2011 | 01:39 PM
    This is so ridiculous. Ang daming kailangang pagpunan ng pansin pero si WR lang ang nakikita nila. May nagpo-power tripping diyan at they are determined to get him for good. Dito sa US, that's not Willie's responsibility kung choice ng parents i-expose ang anak nila sa national televisionm doing that talent. Dapat, ipasara niyo mga clubs na ganyan uri ng trabaho para walang macho dancing nalalaman ang mga bata. PLZZZZZZ.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 748  riafern

    04/10/2011 | 01:36 PM
    No. 742Abscbn1st Bakit Hindi ikaw ang magsabi ke Willie ng requests mo? Obvious naman na closed ka sa kanya, alam mo lahat properties nya! Pwede ba I'm not a fan of Willie. I'm just trying to put this whole brouhaha over the janjan incident into perspective. Sadly closed minded people like you are incapable of being objective. Gusto mo pang palengkeng discussion! Pwes join the club of Jim Paredes, et al. You all will get along well. Mob mentality. Not a surprise, anti Willie ka talaga, just look at your user name!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 747  jeweltones

    04/10/2011 | 01:26 PM
    ABS CBN, hindi ninyo mapapabagsak si willie. kayo ang gumawa niyan so live with it!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 746  jeweltones

    04/10/2011 | 01:24 PM
    703 davao_fans April 10, 2011 09:31 AM Ang mga supporters ni willie ay ang mga MASA at karamihan hindi marunong mga social networks, even comments sa issue. marami ding supporters c willie at ito ang ikaka-angat ng GMA sa nationwide ratings kasi lilipat n sa kanila. ----- tama. many of the critics have never even bothered to watch the show!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 745  jeweltones

    04/10/2011 | 01:22 PM
    willie may have done some wrong but the criticism is just disproportionate. the people who are trying to shut the show down are the ones who don't even watch the show. i enjoy watching the show and its not even because i've received money from willie. but sa totoo lang, before naman manira sa kapwa ang iba... ano na ba ang nagawa nila? WR is an easy target and people have just chosen to cast the first stone.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 744  abscbn1st

    04/10/2011 | 01:21 PM
    ang TV5 kasi takot pang isuspinde si Willie, kasi nga bago pa lang sila at alam nilang nag-ge-generate pa ng revenues para sa kanila si Willie. kala ko pa naman ay may paninindigan itong si MVP. kaya minsan naiisipan ko ng mag-Globe na lang at itapon na ang Smart sim ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 743  abscbn1st

    04/10/2011 | 01:18 PM
    etong mga avid fans ni Willie masyadong nabubulag. porket kitang kita sa TV na namimigay ng pera sa mahihirap si Willie, eh mabait na. gaano ba kayo kasigurado na sina Jim Paredes, Aisa Seguerra, Agot Ysidro, Lea Salonga ay walang ginawa para sa mga mahihirap? maaaring tumutulong sila na wala sa harap ng CAMERA di tulad ng sinasamba nyong si Willie Revillame. si Lea sure akong nakapagconcerts na sya for the benefit of some charitable institutions like Bantay Bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 742  abscbn1st

    04/10/2011 | 01:15 PM
    740 riafern --- dapat kay Willie mo ipagawa 'yan, tutal 2 weeks naman syang mawawala, why not tell him na patirahin yung mga Street Children sa Mansion nya sa Ayala Heights at yung mga Matatandang pumipila ay patirahin nya sa Mansion nya sa Tagaytay. tapos ipasyal nya yung mga Street Children gamit ang kanyang mga Sports Cars papuntang Enchanted Kingdom at ipasyal na rin nya sa Manila Bay gamit ang Yate nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 741  ordinaryblue

    04/10/2011 | 12:55 PM
    nag LOL na ngayun ang abs.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 740  riafern

    04/10/2011 | 12:43 PM
    Much ado over nothing! Obvious naman na isa Lang ang agenda ng lahat ng nagsalita sa issue - media mileage gain! There are far more worst abuses being done every second to a lot of children in the Philippines yet no Jim Paredes, Aisa Seguerra, Agot Ysidro, Lea Salonga ever came out in their defense. Araw-araw nakikita nila sa kalye ang mga batang nag papa-limos may sinabi ba sila? Kesa aksayahin nyong laway at panahon nyo kay Willie, gawan nyo ng paraan na maalis sa kalye ang mga batang nagpa-palimos at ipa-kulong lahat ng magulang na pinagta-trabaho ang mga batang anak nila. Dami nyong satsat, lahat naman kayo biling-bili ang mga jokes pinoy style. Dyan lang pwedeng pagtawanan ang disabilities ng Tao. Just look at Dagul, Mahal. Dyan Lang pwedeng sumikat ang isang Pwitni Houston. So sa lahat ng tumitira Kay Willie ngayon, you are nothing to me but hypocrites, each with personal agenda. Ngayon lang kayo nag- i-ingay kasi you'll get something from it!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 739  writ

    04/10/2011 | 12:42 PM
    ayan nagaaccount na si willie sa mga nai-donate niya..hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 738  mycomment

    04/10/2011 | 12:32 PM
    s tingin ko po, ung pag-donate ni WR ng 1M s Bantay Bata at "pagmamahal s mahihirap", d un dhilan pra mgkaroon n sya ng krapatan n tanungin ang iba kung ano ang nagawa nila. lahat tyo may kanya2ng contribution s bansa natin even s smallest thing. look at Lea Salonga. pinatunayan nya s mundo ang kalidad ng isang pilipino. tama c jim paredes, WR, ikaw ang sumisira s sarili mo at hndi sila. nagbigay lang sila ng opinyon nila, gaya ng ginawa mo s show mo last time..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 737  just_saying

    04/10/2011 | 12:32 PM
    kakawalang gana ang TV5! walang respeto sa kapwa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 736  francesdeniel

    04/10/2011 | 12:25 PM
    Vamos Willie! Pray! Eat! Make love!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 735  francesdeniel

    04/10/2011 | 12:19 PM
    Go Willie! Kaya mo yan! Magpalamig ka muna!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 734  indiahenretta

    04/10/2011 | 12:13 PM
    Mr. Revillame, your critics are not your enemy, LOOK AT YOURSELF IN THE MIRROR, YOU YOURSELF IS THE ENEMY. MR. REVILLAME AGAINST MR. REVILLAME. YOU created a MONSTER out of YOURSELF, so STOP BLAMING OTHER PEOPLE. YOU had the POWER and the MONEY to STOP this MACHO DANCING of JAN JAN, YOU had a CHOICE and a DECISION, but no YOU still went ON and ON and ON. So now where did it get you?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 733  camcam123

    04/10/2011 | 12:01 PM
    ano pa ba ang esuspend ng mtcrb eh naunahan na sila dahil nag leak ang ang kanilang suspension order....lumalabas na kusang loob na off the air si willi.......mahusay talaga sa strategy at surveilance ang mga abogado ni willi ...walang sinabi si sherlock homes.........but in fairness and in all honesty lahat ng nasa mtcrb ngayon ay mga matatalino at broad minded...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 732  indiahenretta

    04/10/2011 | 12:00 PM
    Mr. Revillame, cover up after cover up, enough is enough. STOP PUBLIC HUMILIATION and to RIDICULE THE POOR.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 731  urbie24

    04/10/2011 | 11:44 AM
    Nabasa ko sa twitter - From an insider source Manny Pangilinan "not happy" about Willie's live statement and ranting. Reportedly reprimanded TV5 management. TAMA YAN MVP. And for you to save TV5's image, you and your management should really MAKE A TOUGH stand on this. Sina Willie Revillame and Cristy Fermin ay pampasira sa magandang simulain ng TV5. Sa dami ng kaaway ng mga ito baka dumating ang panahon na wala ng gustong umappear sa network ninyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 730  marimaris8

    04/10/2011 | 11:35 AM
    uy, nawalis ang comment ko. sinabi ko lang na mautak din pala si willie na b--- at inunahan nya ang mtrcb sa pag-announce ng kaniyang bakasyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About