"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo: Noel Orsal

"Medyo masyadong personal na ayaw nilang maglagay sa isang programang gano'n. 'Yong behavior hindi na maganda."

Pagkatapos nito ay pinasalamatan ni Willie ang Unilever dahil sa pagiging patas daw nito.

Aniya, "Gusto ko lang magpasalamat naman po sa Unilever. Sila po ay nagpaalam sa akin kagabi nang maganda...

"Alam n'yo, ang purpose nito ay magbigay ng saya. Gustong ibalik nila, kapag binibili 'yong produkto.

"Ang sabi, naglabas sila ng statement, 'Willie, aalis kami sa programa mo, pero aalis kami sa lahat ng channel. In fairness sa 'yo, para hindi ka unfair.'"

Para sa iba, ito naman ang naging hamon ni Willie: "Wala pa pong husga, e, wala pa sa kaso, ginawa n'yo na akong kriminal.

"Kayo nga ang lumabas diyan sa gate, magbigay kayo ng pera diyan sa matatanda.

"Bumaba nga kayo diyan sa kanto, bigyan n'yo ang mga mahihirap diyan.

"'Yon ang dapat ginagawa ninyo, hindi 'yong pinupuntirya ninyo ako. 'Yon dapat ang ginagawa ninyo."

Pinaalala rin ni Willie na ang mga manonood ng programa niya at mga sumusunod sa kanya ang ilan sa mga sumusuporta sa produkto ng mga kumpanyang nag-i-sponsor sa show.

Kuwento niya, "Tinawagan ang Technomarine sa Switzerland, tinawagan ang Unilever sa Amerika. Tinawagan lahat, in-email na magbo-boycott sila sa mga produkto kapag ako raw po ay sinuportahan nila.

"Boboykotin ninyo? Ito ngang mga taong sumusuporta na 'to, binabalik lang ng mga sponsors. Sino ba ang consumers? Sino ba ang namimili?

"Kayo po ang bida dito, hindi ang mga sponsors. Kayo, dahil kung hindi kayo bibili ng mga sponsors na ito, kung hindi kayo bibili ng produkto na 'to, walang kita ang lahat ng ito."

 

"TULOY ANG SAYA PARA SA INYO." Sa kabila ng mga pangyayaring ito, lalo na ang pagkawala ng ilan sa kanilang sponsors, nanindigan si Willie na ipagpapatuloy niya ang nasimulang adhikain.

Pagkatapos magbigay paumanhin kay TV5 Chairman Manny Pangilinan at iba pang executives ng network, sinabi ni Willie na hindi mahihinto ang pagbibigay niya ng kasiyahan sa mga tao.

Sabi pa niya, "Basta nangangako po ako, kahit wala po kaming commercials, pagbalik ko, kahit hindi kami suportahan ng kahit na sino...