news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17495 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 709  starqueen

    04/10/2011 | 10:01 AM
    At tama ang sabi ng marami dito - sobrang bagal ng MTRCB in getting their act together. The saying goes- when you point a g un on someone - make sure you are ready to pull the trigger. Una unahan lang iyan. Naunahan kayo sa MTRCB - hayun- you look ridiculous and may I borrow hornblower's comment - natutulog na naman sa pancitan. As usual nasa kangkungan na naman po ang bayan natin. Ningas cogon again wins. Puro umpisa - pero hindi alam kung paano tatapusin at tutuwirin. Cut the read tape, forget being pleasant, burn bridges if you must - pero stand your ground and finish what you have to do - NOW. Your indecisiveness makes your organization weak and toothless to impose any sanctions. If you want people to respect and fear the power it holds - impose it with swift determination.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 708  mariamendoza

    04/10/2011 | 10:00 AM
    Double standard ang mga kritiko ni Willie with regard to JanJan issue. Walang malaswa sa ginawa ni Willie on that incident. Sa mga kritiko niya na gustong pabagsakin si Willie, antayin ninyo sya na talagang magkamali, saka ninyo siya kuyugin. I hated Willie, stampede days pa. Dapat na suspend na siya doon pero masyadong malaking pera ang mawawala sa kapamilya that time. Pero para masira ang career nya with this JanJan issue, napaka babaw naman nito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 707  velocity1084

    04/10/2011 | 09:54 AM
    eh di sna hindi nalang nagnegosyo si MVP...pamigay nlang nya ng deretso ang pera nya sa mahihirap...wag nang idaan sayo at baka angkinin mo na nman na galing sayo at mula sa puso mo?! ahahahahaaaa.....utak pulbura ka tlaga!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 706  velocity1084

    04/10/2011 | 09:52 AM
    ahahahaaaa...sa palagay mo papi papayag c MVP na malugi cya at ipamimigay lng pera nya pra sayo??! ano kah? anak nya? pano nlang ang ROI ng kompanya? gamitin mo naman minsan ang utak-brain mo?! heheheheeeee.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 705  starqueen

    04/10/2011 | 09:49 AM
    You are correct - hornblower on 663 -inunahan nila Willie ang MTRCB para on record - they were not suspended. MTRCB should still suspend the program after its 2 weeks hiatus. The proper punishment should be served to this program. His 2 weeks self imposed break should not be considered as part of such. Ayaw lang nilang malagay on record that they were suspended. Hence, they had to resort to a pre-emptive measure aka off air muna kami for two weeks. Pero take note - off the air under their terms and not any regulatory board. And yes, again tama ka - it will make Willie and company look like the smart cookie with this whole drama. Kaya dapat if they deserve any suspension it has to be served under the terms of the regulating body. Those agencies were created to police the industry. People in the industry should learn to respect it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 704  tineetinee

    04/10/2011 | 09:46 AM
    See you in two weeks, Willy! These sponsors are still after their businesses. Whether we like it or not, babalik at babalik ito sa Willing Willie to advertise their products and services. Nag-aakyat ng malaking income ang show sa companies nila, and that's the sad truth! Pupusta ako,walang isang buwan, andyan na naman ang cebuana, mang inasal, P and G products. Bat naman ako mag aadvertise sa show na isa or dalawa lang ang nanonood?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 703  davao_fans

    04/10/2011 | 09:31 AM
    Ang mga supporters ni willie ay ang mga MASA at karamihan hindi marunong mga social networks, even comments sa issue. marami ding supporters c willie at ito ang ikaka-angat ng GMA sa nationwide ratings kasi lilipat n sa kanila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 702  HornBlower

    04/10/2011 | 09:28 AM
    MTRCB...Ang bagal ninyo, sige kayo tatakbo na si Willie sa Amerika bago pa kayo magbaba ng hatol ng kinauukulan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 701  davao_fans

    04/10/2011 | 09:28 AM
    Basta sa tingin ko ang maapiktohan nitong issue na to ay ang ABS kasi iisipin talaga ng mga tao na ang pakana nito ay ang ABS..at lalong aangat sa rating ang GMA dito cla ang makikinabang sa issue nita, iingay din ang TV5..babagsak ang ABS dahil sa issue nito at lilipat ang mga supporters ni willie sa GMA..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 700  freemind24

    04/10/2011 | 09:24 AM
    how dare you?! below the belt ang tira kay agot isidro nung sinabing -bakit may anak ka ba? hirap na yung taong magkaanak tapos sabihan ng ganun...relevant ba sa issue? tinira ba nila yung pagiging babaero mo or whatever na related sa character mo? ang tinira yung ginawa mo kay janjan bakit ikaw personal ang tira mo? and to mention each one for the purpose of paninira eh kakaiba yan willie, you just proved na wala ka talagang kwenta, bastos! ms. lea salonga has helped the country in her own way, by putting us on the map with regard to musical theater. she changed how british look at pinoys, dati tsimay lang tayo, nung nanalo si lea ng tony at lawrence olivier awards, nagiba ang paningin nila satin....tapos ganyan ang sasabihin mo! malay mo kung tumutulong sila in their own way, bakit pamumudmod lang ba ng pera ang pantulong. actually di mabuti ginagawa mo, kse umaasa sa yo ang ibang mahihirap, imbes na magtrabaho. binibigyan mo sila ng isda imbes na turuan mo silang mangisda. may demokrasya sa bansa nati
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 699  HornBlower

    04/10/2011 | 09:22 AM
    Walang masasabi si Bong dito sanggang dikit yata ang dalawang iyan...hehehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 698  davao_fans

    04/10/2011 | 09:20 AM
    Naghahanap talaga ang ABS ng mali para ibato kay willie, tama ka 648 kahit mali mn c willie marami yang supporters kaya lalong magagalit ang supporters ni willie sa ABS kaya lilipat n yan sa GMA lalong babagsak ang ABS... Pati ang sumisira kay willie sa twitter babagsak din yan kasabay ang ABS..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 697  HornBlower

    04/10/2011 | 09:17 AM
    Ano kaya kung ilagay sa PLAZA at batuhin ng bulok na kamatis? Huwag sayang naman ang kamatis...lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 696  kibitzer

    04/10/2011 | 09:16 AM
    ano kaya ang say ni Senator Bong dito? bakit tahimik siya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 695  HornBlower

    04/10/2011 | 09:08 AM
    Hindi maganga iyan Willie! Huwag mong laruin ang kahirapan ng mga MAHIHIRAP dahil hindi naman pinaglalaruan ng mga MAHIHIRAP ang tulad mong MAYAMAN. Tulungan mo na lang kung gusto mong tulungan hindi iyong pagtatawanan mo pa ang kanilang kahirapan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 694  camcam123

    04/10/2011 | 08:52 AM
    its time for wilis friends to rally for him...bakit hindi mag people power sina Cristy Fermint, MO, Alex, Shalala,IC, Roppa, Dolly,Lalin,Pinlac,Pumaloy, ANABIL, DAISY, RICO PUNO, CAMO, MONTELIBANO, ana feliciano, yong mga mahihirap na ginagamit ni wili , si janjan at mga magulang nya, tyahin ni janjan, si SHALANI at si MANNY VILLAR etc bakit di kayo mag people power sa EDSA baka sakaling pakinggan kayo ng advertisers.. PARA maka attract ng tao pasayawin uli si JanJan ng macho dancing baka maramin magbibigay ng cuarta aside from wili....Hala sugod na mga KAPATID SA EDSA5.....sA YAMAN ni willi kaya kayong pakainin kahit isang linggo pa kayo sa kalye.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 693  pinaylicious

    04/10/2011 | 08:42 AM
    Don sa ibang taong nagsasabing mayabang si Wellie kasi mayaman na...kahit noon namang wala pa yang napatunayan mayabang na yan eh, kumbaga likas na sa kanya ang kayabangan, laking hirap kaya ganun ang asta. Kung tutuusin kahit naman mayabang sya marami syang tulong na personal na abot na hindi nya na rin naman pinangalandakan. Ayoko kay wellie but yong video is sobrang na sensationalize. Hindi naman si Wellie nagpa ulit2 kundi every time inuulit yong sayaw, umuulit ang bata, until such time na yong facial expression ng bata natatawa na rin sa sarili nya. Kaya yong iba alisin nyo yong gaalit sa puso nyo at tingnan ulit ang video diba wala namang malisya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 692  nov_8

    04/10/2011 | 08:37 AM
    ay naku... may child abuse man o wala... yun approach ni willie ang pinagiinitan sa palagay ko. wala raw malisya pero diniin pa ni willie kung anong klaseng sayaw yun, may side comment pa comparing sa burles queen.. sinabayan pa niya ng sayaw,obviously may malisya, di ba. He knew what going on, as a host on national tv, may responsibilidad siya, buti sana kung sa maliit na gathering lang yun, kesehodang magtawanan ang iba, at mangilam ang iba kung hindi gusto ang nakikita... pano mangingilam ang iba dun eh may host nga at on national tv... The mere fact na ikaw ang host nasa iyo ang responsibilidad na hindi ituloy at wag niyang paulit ulitin kasi nga may malisya na yun eh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 691  Gabong_ilong

    04/10/2011 | 08:30 AM
    I don't know the legal definition of child abuse in the Philippines so I could not say if there's an abuse of not. Unlike here in the U.S. we have a clear definition of child abuse. People are encouraged to call the hotline and report any perceived child abuse. Social workers will investigate the validity of the complaints. There even were times that the complains would be dropped because the social workers did not find any solid legal grounds to pursue a case. Maybe let's not get too emotional about this issue. Let's just wait for the outcome of their investigation.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 690  kadabarkads

    04/10/2011 | 07:48 AM
    sabi ni Kiko Pangilinan, idemanda din daw sya dahil sa comments nya sa twitter. So ano pang hinihintay ni wellieboy?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About