news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17642 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

"Kung suspendihin n'yo kami, suspendihin ninyo lahat 'yan. Hindi po ba tama 'yon?

"Iba ho 'yong tinitingnan ninyo sa tinititigan ninyo. Maging fair kayo.

"Tandaan n'yo po ito, hindi ako titigil sa adhikaing ito. Maaring ito ay eye-opener sa atin, dapat tulungan natin ang mga bata sa kalye. Mga DSWD, kunin ninyo lahat 'yan, bigyan ninyo ng magandang buhay.

"Human Rights chairman, tinitira n'yo ako, hinuhusgahan ninyo ako, ang daming namamatay na OFWs, 'yon ang tulungan natin. Tulungan natin ang mga kababayan natin sa ibang bansa."

Hirit pa ni Willie, "Magsama-sama tayo. Huwag ninyo akong dikdikin. Hindi ako masamang tao. Ang hangad ko lang ay magpasaya at makatulong sa mga mahihirap."

"MGA ARTISTANG NAKISAWSAW." Bukod sa mga grupo at sangay ng gobyerno, hindi rin nakalimutang patutsadahan ni Willie ang mga kapwa niya celebrities na umano'y tumitira sa kanya sa microblogging site na Twitter.

"Maraming artista ang nakisawsaw. Mag-isip muna kayo bago kayo makisawsaw. Ang sakit no'n," sabi ni Willie.

Pagkatapos ay pinangalanan niya ang mga artistang ito: "'Yan si Jim Paredes ng APO, tinira ako sa Twitter. Si Aiza Seguerra, tinira ako sa Twitter. Si Agot Isidro, Lea Salonga, Mylene Dizon...sasabihin ko na lahat. Sino pa? Bianca Gonzales ng SNN.

"Susuportahan n'yo ba ang mga taong iyan? Ano ang nagawa ninyo? Ano ang nagawa ninyo sa sambayanang Pilipino?

"Si Tuesday na kasama ko rito [sa TV5]. Hindi ko maintindihan na kasama kita rito, tinira mo ako. K Brosas, Leah Navarro...sino pa?

"Kapwa tayo artista. Nakagawa ba kayo ng tulong? Nagbigay ba kayo sa Bantay Bata ng P1 million?"

Pagkatapos ay pinaalalahanan sila ni Willie: "Ito, huwag kayong manghusga ng kapwa ninyo artista. Dapat magkakasama tayo. Tulungan ninyo kami kung nagkakamali kami, huwag kayong manghuhusga. Tandaan ninyo, 'yong masang Pilipino ang sumusuporta sa inyo."

Sabay inulit ni Willie, "'Yan pong mga pangalan na 'yan, winasak ang pagkatao ko sa Twitter. Jim Paredes ng APO, Lea Salonga...

"Aiza Seguerra, magpakalalaki ka! Bata ka pa, hindi ba, nagtatrabaho ka na? Hindi ba exploitation 'yon? Mag-isip ka! Tingnan n'yo muna ang sarili niyo bago kayo...

"Agot Isidro, wala ka namang anak, e, bakit mo ako gaganyanin? Alamin mo muna.

« Prev  1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 689  josephineg

    04/10/2011 | 07:44 AM
    hay.. di naman bastos yung sayw nung bata..ang nakakainis lang kung paanu mo sya pinakilala,, talagang akala mo pulubi..pinuri mo nalang sana ang talent nya.. ang sabi mo kasi.. tingnan nyo si janjan dahil sa kahirapan kahit 5 taong gulang nagasasayaw na ng macho dancing para sa pamilya.. anu bayun...tapos sabay bigay ng pera.. nakakapanliit
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 688  dominicguevarra

    04/10/2011 | 07:34 AM
    grabe, ang yabang naman. instead na magpakumbaba kung anu ano ang sinasabi. kung talagang tumutulong ka sa mahihirap. e di mag show ka ng walang sponsors at hindi televised, ipamigay mo na lahat ng pera mo. grabe sa yabang!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 687  ClaireG_08

    04/10/2011 | 07:31 AM
    Wow. Willie Revillame is delusional. He really thinks he can threaten people to shut up on Twitter?! He really sees himself as salvation for the poor by being a TV host? I have never met someone whose sense of grandeur is so off-base - he really thinks he can mobilize the public into boycotting companies enough to hurt their bottom line? This is HILARIOUS! He is the most unrepentant person I have seen on television. He has some serious mental issues and I can imagine it affects his cardiovascular health. It wouldn't surprise me if he dies at an early age. That man needs to take a step back, relax, and live a different but quiet life. National leaders are known to wield their power for their agenda - but I've never heard of a TV host who truly believes he has the power to mobilize a nation. And a host of a game show? SO FUNNY!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 686  love16

    04/10/2011 | 06:50 AM
    cont..magtayo ka ng WILLIE NON PROFIT INSTITUTION ..yung sarili mong pera ang pang tutulong mo..sabi mo sa ABS noon ayaw mo ng TAPE show ..o eh ngayon bakit ka nag tape ng show mo..it just mean na theres something wrong talaga sa nangyari sa show mo..and this is the right time for you to think kasi mahal na araw..kay as for my opinion JANJAN was used as an INSTRUMENT for your show para ipaalala sayo na may mali ang ginagawa mo..THINK WILLIE ..gamitin mo sa tama ang mga panahon ng HOLY WEEK para ayusin ang utak mo..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 685  hatekapuso

    04/10/2011 | 06:45 AM
    usagurl, we're not talking about helping the poor. We are discussing about how u'r idol making fun of the boy and kept asking to dance again and again while telling nationwide that because of "kahirapan kaya pati ang bata ay nagma macho dancer na"??? Pls use u'r common sense!!! Besides, don't be so rude about mahihirap na amoy pawis . What do u think of yourself?? Don't brag that u'r in US and can't take the smell of this people. WTF!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 684  love16

    04/10/2011 | 06:45 AM
    alam mo willie you always mention na ikaw ang ginagamit na instrumento para tulungan ang mag mahihirap..wal yata akong alam na ginagamit na instrumento ni 'BRO' na milyones ang bayad..trabaho mo yan at may control ka as an artist..I think si Janjan ang ginawang instrumento para gumising sa mga pinagagawa mo..wala ka rin naman or ang show mismo pinag iba sa mga illegal recruiters na pinaaasa ang mga mahihirap..ang Showtime ay Talent Show ang Going bulilit ay Kids show na may waiver mismo ang mga magulang,ikaw game show at bakit ba palagin mong sinsama ang ABS CBN sa nangyari sa show mo tungkol kay Janjan,,sila ba ang nag ok sa pagsayaw ng bata..kungmay mga opinyon ang mag artista at nagkataon na mag taga abs cbn well just accept it katulad dito sa PEP we all have our opinions siguro naman may FREEDOM of speech ang internet..WAKE UP WILLIE,,JAJAN IS THE INSTRUMENT HERE TO FOR YOU STOP and ABUSE these poor people mind para pumila sa show mo..TUMULONG KA NG TAMA.may Talent fee ka sa show mo..mag tayo ka kaya ng
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 683  HornBlower

    04/10/2011 | 06:39 AM
    To Willie Revilliame....Adios Patria Adorada!!! Hopefully ito na ang kanyang huling paalam sa TV ng hindi na makapaghasik ng maling halimbawa sa kapwa at ng mabigyan muli ng normal na pamumuhay at DIGNIDAD ang mga kapuspalad nating kababayan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 682  bob_da_builder

    04/10/2011 | 06:22 AM
    salamat at di na makikita si willie sa TV. sana forever na to. Happy days.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 681  HornBlower

    04/10/2011 | 06:03 AM
    Aksidente man o hindi may obligasyon ka pa rin sa iyong nagawa. Sabi nga nila ang aksidente ay naiiwasan kung may kaukulang pag-iingat. Sino ba naman ang may gusto ng aksidente, kaya nga aksidente ang tawag dahil hindi sinasadya. Dahil kung sinadya iyan hindi na aksidente. May tinatawag tayong pag-iingat para iwas aksidente. Pag naka-aksidente ka may pananagutan ka. Dahil kung walang pananagutan ang aksidente siguro halos banggaan na lang sa kalye ang makikita mo sa mga drivers ng anumang sasakyansa daan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 680  say_cutie

    04/10/2011 | 06:02 AM
    I remember when the Ultra incident happened, at the very few minutes na na announced na may namatay, he insist to continue the show kasi daw para sa mga tao na pumunta doon at ma aliw.. I really hate him for that, and now lalabas at lalabas talaga ang kasamaan ng tao... he doesnt have moral values, its all about him.. pakitang tao at hindi karapat dapat ng respeto.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 679  bob_da_builder

    04/10/2011 | 06:00 AM
    Willie, walanghiya ka talaga. para kang satanas na tumatawa habang ang paslit ay umiiyak. sana di maranasan nang apo mo ang sakit at hiya na dinaan ni jan-jan. sana ito na ang katapusan nang career mo and may you have a peaceful end of career life.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 678  HornBlower

    04/10/2011 | 05:55 AM
    Ay wala sa kamay natin iyang pagpapatigil ng SHOWS ng mga TV networks kamo. Hindi naman tayo ang nagmamay-ari ng mga iyan at lalong wala tayong awtoridad na ipasara ang mga iyan. Regarding sa mga magulang na nag chi-child abuse palagay ko naman ay napapatawan ng kaparusahan ang mga iyan. Sa dami siguro na rin nila kaya nahihirapan ang ating ahensiya kaso dumadagdag pa man din itong si Willie Revillame sa karamihan nila na dapat siya ang maging magandang ehemplo dahil siya ang napapanood sa TV nationwide. Kaya kung hindi mabibigyan ng kaukulang parusa ito ibig lang sabihin tino-tolerate ang maling gawaing gaya nga ng sinasabi mong child abuse. Si Willie ang nakikita sa TV at hindi ang mga ibang magulang na nag chi-child abuse. Meron pa ngang dito nabalita sa TV na namatay ang anak dahil pinalo ang bata at natamaan ito sa ulo at namatay. Nakulong ang magulang sa insidenteng iyon, so ibig lang sabihin sa lahat ang kaparusahan hindi lang kay Willie. Hindi pa nga napaparusahan si Willie nagpro-protesta ka na agad.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 677  kangusoGMA7

    04/10/2011 | 05:44 AM
    HORNBLOWER kung INTENTION ni WILLIE REVILLAME pumatay ng 71 na katao sa ULTRA ako na mismo magsasabi ng dapat PATAYIN si WILLIE REVILLAME ....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 676  kangusoGMA7

    04/10/2011 | 05:39 AM
    HORNBLOWER...........im asking you again do you the difference between INTENTION and ACCIDENT???
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 675  kangusoGMA7

    04/10/2011 | 05:38 AM
    DI LANG SI WILLIE REVILLAME ANG GUILTY RITO PATI MGA MAGULANG NIYO AT MGA KAMAG ANAK ANG NAGKASALA NG CHILD ABUSE DAHIL PINAGTATRABAHO NILA MGA BATA NILANG ANAK
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 674  HornBlower

    04/10/2011 | 05:35 AM
    So Mali pala iyung panawagan ni Willie na pumila para sa kanyang anniversaryo ng show na mabigyan ng pag-asang mabuhay ang mga tumatangkilik sa kanya? Ay sadya nga palang MALI dahil nagkagulo nga pala instead na pag-asang mabuhay lalo pa yatang napahamak. Pero OK na iyon kung talagang lahat ng nabiktima ng stampede na iyon ay nagkaroon ng bahay at napag-aral ni Willie Revilliame ang mga naulila diyan pa man din sa USA nag-aaral kamo, so OK na iyon. Iyan ay kung lahat ng nabiktima ay natulungan niya na sa tingin ko ay karapat-dapat lang namang. So wala ng problema sa STAMPEDE dahil tinutulungan naman pala ng Willie Revillame.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 673  kangusoGMA7

    04/10/2011 | 05:34 AM
    para wala ng INTRIGA itigil na ang mga show para sa mga bata sa lahat ng TV NETWORK dahil lahat sila ay gumawa ng CHILD ABUSE....lahat ng mga magulang na ginagamit mga bata nilang anak para kumita ay dapat parusahan ng CHILD ABUSE...lahat ng magulang na pinagtatrabaho ang mga bata nilang anak ay ikulong ng CHILD ABUSE........HUWAG LANG SI WILLIE REVILLAME TIRAHIN NIYO LAHAT NG MAGULANG SA PILIPINAS NA GUMAWA NG GANITONG CHILD ABUSE AY DAPAT PARUSAHAN
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 672  kangusoGMA7

    04/10/2011 | 05:15 AM
    HORNBLOWER dyan ka mali dahil ang gusto talaga ni WILLIE R. gawin ang FIRST ANNIVERSARY ng WOWOWEE ay sa QUIRINO GRANDSTAND dahil malawak ito at maluwang...........mayor lang ng PASIG at ABS-CBN gusto gawin sa ULTRA ang celebration......problema niyo kasing mga filipino ONE SIDE lang pinapakinggan niyo at ito ang INTRIGA SIDE..........how about have an OPEN MIND and be intellectual
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 671  kangusoGMA7

    04/10/2011 | 05:11 AM
    BAKIT ANG SHOW SA ISANG CHANNEL LANG TINITIRA NIYO TUNGKOL SA CHILD ABUSE??? marami ng contest sa EAT BALUGA para sa mga bata mula pa noong early 90's na kitang kita na palaging may CHILD ABUSE na nangyayari pero wala kayong sinasabi...may sinabi pa si JOEY DE LEON noong 2002 sa isang bata na word FELLATIO meaning SUC MY PEEENIIISSS pero ni minsan wala kayong sinabi tungkol dito....sa SHOWTIME marami na akong nakitang batang umiiyak sa harap ng STAGE at tinatawanan ng mga audience pero WALA KAYONG SINASABI??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 670  HornBlower

    04/10/2011 | 05:10 AM
    Ganoon ba? eh di TAMA lang naman na tulungan niya ng lubos ang mga BIKTIMA ng stampede, si Willie rin naman ang may gawa nito eh. Sabi nga nila para bang binigyan nila ng pag-asang mabuhay ang mga ito kaya pumila sa kahabaan ng kanyang show.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About