news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17199 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 649  camcam123

    04/10/2011 | 02:53 AM
    imbes na ipagtanggol ni cristy fermint ang alaga nyang si wili ang ginawa nya nililihis nya ang issue , pinagawayaway nya si jobert kris at john para lang maiba ang issue pero hindi nagtagumpay si cristty fermint dahil hindi na trapped si Kris Aquino sa kanyang maitim na bitag.....hindi pinatulan ni kris ang issue . ang sabi ni kris END OF ISSUE PERIOD.....Cristy Fermint bakt di na lang kayo mag people power kasama si MO, SHALALA, GORGY RULA, JOJO gABIneTE, ANABIL, DAISY, RICO PUNO, ANA FELICIANO, MONTELIBANO, ALEX, IC, DOLI,,ISAMA mo na rin si pinlac, lalin, camo at si LOLITA SOLIS at aGA mUCHLACH,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 648  skyward

    04/10/2011 | 02:40 AM
    ang abscbn talaga gagawin ang lahat para ibagsak si wellie panu nawalan na kasi si mam charot ng viewers lumipat na sa tv5 dahil kay wellie, at dahil nagsasalita na nmn si wellie sa mga masamang ginawa ng abs lalo pa silang mababaon sa nationwide ratings.. aangat ang tv5, babagsak ang abs at lalong mamayagpag ang kapuso nationwide..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 647  am_not_a_princess

    04/10/2011 | 02:37 AM
    willie lacked the foresight na pangit tingnan ang performance ni janjan. it was wrong! and the parents made a bigger mistake. cla ang nag start sa pag exploit sa bata, even before he appeared in that show. gusto kasi easy money. but then again, willie got the flak bcoz he has been under he microscope for quite sometime now. whatever willie does makes big news. at sake distorted talaga ang sense of humor natin mga pinoy. 'di ba even before sa movies , lalo na pag comedy, the star always had a sidekick who is being made the laughing stock? mahilig din tayo mga pinoy gawing object of ridicule ang mga marginalized persons in our society. persons with physical, mental and other defects. sa ibang country its a big no no to do this. i hope we all learn some lesson from this.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 646  cbd2

    04/10/2011 | 02:07 AM
    Tumutulong ka kamo sa mahihirap pero ginagamit mo din sila para atakihin ang mga taong pumupuna sayo? Kung gaano kadami ka mamudmod ng pera, eh ganun din kalaki ang inaasahan mong utang na loob ng masa sayo para kunsintihin ka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 645  global2010

    04/10/2011 | 02:00 AM
    hay naku, kung talagang tutulong si Willie, edi tumulong sya, kahit off the air ang show nya. bakit nya pa ginagamit yung show? eh kasi kumikita sya dun. sa 10k na papremyo nya, 1M ang kanya. eh ano nga naman kung yumakap sya ng mga mahihirap at mababaho eh milyones naman ang katapat?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 644  cbd2

    04/10/2011 | 01:57 AM
    To those defending Willie. Consider the following 1. You can't buy your way to heaven. Translation hindi purkit namumudmod ka ng pera sa mahihirap pwede mo nang ipairal ang kababuyan mo sa TV. 2. Hindi purkit namimigay ka ng pera pwede mo nang i-brain wash ang mga hindi nakapag aral na mahihirap para kunsintihin ang kababuyan mo. 3. Hindi lahat ng magulang ay may well-formed conscience o judgement, therefore, hindi rin dapat ma "exploit" ang sino man JUST BECAUSE PERA lang naman ang katapat ng dangal ng tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 643  kibitzer

    04/10/2011 | 01:40 AM
    kahit may pumalit kay Willie, pwedeng ipagpatuloy ang pag-tulong sa mga mahihirap na contestant, hindi na kailangan maging arogante para tumulong....ng taos puso
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 642  offshore

    04/10/2011 | 01:25 AM
    o ngayon na mawawala si willie pansamantala, matutulungan nyo ba yung mga taong natutulungan nya sa pamamagitan ng kanyang show? pag humingi ba ng tulong yun sa inyo bibigyan nyo ba? puro kayo salita wala naman kayong ginagawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 641  kangusoGMA7

    04/10/2011 | 01:09 AM
    MUFASA MAGING FAIR KA TIRAHIN MO RIN SILA JOEY DE LEON, VIC SOTTO AT TITO SOTTO DAHIL ANG SHOW NILA 30 YRS NG INAASAHAN NG MGA MAHIHIRAP KAYA MGA FILIPINO MGA TAMAD GAYA NG SABI MO
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 640  kangusoGMA7

    04/10/2011 | 01:05 AM
    MUFASA bakit mga host sa ibang channel na ginagawa ring TAMAD mga filipino hindi mo tinitira............KUNG TUTUUSIN MAS MARAMI SILANG BINIBIGAY NG PREMYO SA MGA MAHIHIRAP KAYA KAGAYA NG SABI MO NAGIGING TAMAD SILA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 639  kangusoGMA7

    04/10/2011 | 01:02 AM
    MUFASA...........sigurado ka?? punta ka sa BANTAY-BATA VILLAGE sa laguna at sa tabi noon may village para sa mga SPECIAL CHILDREN kang makikita at tanungin mo kung sino nagpatayo noon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 638  kangusoGMA7

    04/10/2011 | 12:57 AM
    ang mga FILIPINO talaga may issue lang sa isang taong hindi nila gusto PINAPALAKI ng husto kaya wala ng ASENSO ang pilipinas dahil sa mga ugali niyo.......INTRIGA ANG BUHAY NG BAWAT FILIPINO SA PILIPINAS KAYA WALA NG PAG ASANG UMUNLAD ITO DAHIL SA MGA MAKIKITID NIYONG UTAK....kagaya na lang nangyari sa 3 pilipino na binitay sa china malupit ang batas sa china pero ANG BATAS AY BATAS.....lumabag sa batas ng china ang 3 pilipino kaya dapat magbayad sila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 637  sexydulce

    04/10/2011 | 12:50 AM
    nakakaloka, ang daming comments! tigilan na nga ito! wala bang bago?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 636  Mufasa

    04/10/2011 | 12:49 AM
    Simple lng ito... Alam ng lahat na si Willie ay Hindi Gumagawa ng pag tulong OFFCAM... Kailngan pa bang sabihin na nag donate siya ng 1 million pesos sa bantay bata??? Kailngan pa bang i broadcast ito? Wag nating turuan na maging tamad ang mga pilipino. Wag nating sobrang paasahin... Kesyo sya daw ay tumutulong lng.. sus...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 635  Mufasa

    04/10/2011 | 12:43 AM
    Sino ang mukang pera at walang kredebilidad??? The likes of Annablle Rama, Christy Fermin, Lolit Solis or the likes of Jim Paredes, Aiza, Leah Salonga, Agot Isidro or Bianca Gonzales? Kau mag judge... Kung Mababasa nyo iyong mga tweets nila its more of a personal opinion sa mga nangyari... And everybody is entitled for their own opinion.... Si willie kasi para namang di natin siya kilala... Sus
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 634  usagurl

    04/10/2011 | 12:39 AM
    sabi nga wag mong ibigay ang gold sa mga swine at hindi nila ito pahalagaan makaalis na nga. marami swine na dito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 633  redlips35

    04/10/2011 | 12:37 AM
    korek ka jan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 632  usagurl

    04/10/2011 | 12:33 AM
    I will always stand the rights and interest of the parents good intention for thier kids and family at hindi ko hayaan na panghimasukan ng iba yon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 631  jagjof

    04/10/2011 | 12:30 AM
    kung yung mga politiko ko nga panay ang akap sa mga mahihirap at karga-karga parati ang mga bata tuwing eleksyon . kasi dahil alam nilang magagamit nila ang mga mahihirap...ganundin ang sitwasyon kay willie nagagamit nya ang mga mahihirap kaya panay ang yakap nya sa mga ito.....nagkaroon nga siya ng yate dahil sa kanila di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 630  kibitzer

    04/10/2011 | 12:28 AM
    kita nyo naman kung sino ang mga kaibigan ni Willie...sina Cristy, Anabel, Lolit...I would rather associate myself with Lea Salonga, Jim Paredes, etc.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About