news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17218 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 629  bait_ko

    04/10/2011 | 12:22 AM
    mas madali talagang magbigay ng pera......lalong lalo na kung hindi ikaw ang may ari ng pera na yaon..........ibebenta ba ni willie ang jet at mga yacht niya para ibigay sa mahihirap?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 628  kcprettyangel

    04/10/2011 | 12:22 AM
    Ang makitid ang utak, limitado talaga ang maiintindihan. Ang usaping ito hindi na dapat pinahahaba. Mas marami pa ang mas importanting bagay kaysa dito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 627  jagjof

    04/10/2011 | 12:22 AM
    usagurl, papaano munang nagka-Yate ang isang Willie kung hindi nya nagamit ang mga mahihirap na niyayakap nya kuno.....saan ba nanggaling ang kayamanan nya di ba sa mahihirap na ginagamit nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 626  jagjof

    04/10/2011 | 12:20 AM
    usagurl, kung ayaw mo ng ugali ng mga pinoy, fine! hindi naman ikakawala ng bansang Pinas ang isang taong katulad mo na nakatuntong lang ng konti sa USA eh akala mo kung sino na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 625  bait_ko

    04/10/2011 | 12:20 AM
    kailangan ba nasa Pilipinas ka para maipakita mo na concern ka sa bansa mo? naitanong ko laang............kasi kung yaan ang usapan paano na laang ang mga OFW natin?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 624  usagurl

    04/10/2011 | 12:20 AM
    Sino ba ang makikita mo na nagmay-ari na ng Yatch, jet mga mamahaling bagay na ka yakap yakap pa ang mga matatanda na mahihirap.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 623  jagjof

    04/10/2011 | 12:18 AM
    papaanong pure intention ang ginagawa ni willie na pagtulong kung mismong siya ang MAS nakikinabang sa pagtulong nya kunwari...Dapat kung tutulungan ka eh mas makikinabang ang taong tinulungan mo at hindi ikaw...Gaya ng sabi ko si Mother Theresa, Rosa Rosal at iba pang pilantropo eh mga taong may busilak na puso sa pagtulogn sa kapwa nila, dahil NEVER silang naghingi ng kapalit....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 622  bostongirl

    04/10/2011 | 12:18 AM
    Ito lang ang masasabi ko sa isyung ito" MAS MADALING MAGBITIW AT MAGLABAS NG PANGHUHUSGA SA KAPWA KESA MAGBITIW AT MAGLABAS NG PERA PARA SA MGA MAHIHIRAP"!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 621  bait_ko

    04/10/2011 | 12:17 AM
    post 608 sipsip I AGREE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 620  meemay

    04/10/2011 | 12:16 AM
    Puso nasa Mahihirap. mFINE!! Magpatayo ka ng SCHOOL na Libre at HOspital na LIbre sa MAhihirap. Mayaman ka di ba?!!! Eat you money.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 619  jagjof

    04/10/2011 | 12:15 AM
    Si Mother Theresa or Rosa Rosal tumutulong sila sa mahhirap na walang kapalit at never nilang pingalandakan ang pagtulong nila tulad ng ginagawa ni Willie. Hindi komot naghihirap ang Pilipinas or mas may malaking problema kaysa sa issue eh dapat nang hayaan ang ginawang pagkakamali ni Willie. Napakaling pagkakamali naman ata na hayaan na lang ang isang batang inabuso tulad ni janjan na isantabi.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 618  meemay

    04/10/2011 | 12:15 AM
    NOTHINGS NEW!! KAILANGA ba lahat on AIR. Ang dami na, simula kay John Estrada,kay Pres. Cory,ngayon sila Aiza,Agot etc..those are uncalled for. Maleducado .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 617  usagurl

    04/10/2011 | 12:14 AM
    Sa dami ng pera ni Willie he can live like a king hindi na nya kailangan na mag trabaho ng sobra -sobra from Monday to Saturday? sa haba ng programa na Willing Willie nakaka pagod masyado yon,at sigurado ako ang baho pa ng ibang contestant doon na yumayakap sa kanya dahil ilang oras yon naka pila sa labas, kaya ako naniwala ako na pure ang intention ni Willie na maka tulong dahil ako hindi ko kaya gawin ang ginagawa ni Willie, sobrang amoy siguro ng iba nakayakap at pawis na pawis pa. Kaya humahanga talaga ako sa kanya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 616  redlips35

    04/10/2011 | 12:08 AM
    sana kahit wala sa ere ang WW eh ipagpatuloy nya ang pamimigay ng salapi sa mga mahihirap. puntahan nya yung mga nasa lugar na kailangan talaga ng tulong kahit walang camera or audience. mas bibilib ako kung ganun ang gagawin nya. pwede naman yun, di ba? since yun naman ang point ng show nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 615  semsem

    04/10/2011 | 12:04 AM
    wala na, namersonal na naman si mr yabang sa mga artistang nagpahayag ng kanilang opinyon.pinagyayabang pa na siya lang ang tumutulong sa mahihirap..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 614  kibitzer

    04/10/2011 | 12:03 AM
    Nakakahiya talaga si Willie!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 613  usagurl

    04/09/2011 | 11:58 PM
    Ang isa pang panget na ugali ng mga pinoy kung ano yong maganda at mabuti hindi nila pinapansin at binibigyan ng attention pero kung ano yong pagkakamali ng isang tao yon ang pinagfiestahan at binibigayan mahabang oras at attention. Kakahiya talaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 612  kibitzer

    04/09/2011 | 11:56 PM
    It is the parents responsibility to teach values to their children, but if you exploit the parents wrongdoings, you are more guilty than they are.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 611  usagurl

    04/09/2011 | 11:49 PM
    Ang totoong apektado sa lahat ng ito ay ang mga magulang ni Janjan maawa naman kayo sa magulang ng bata wag nyo sila alisan ng karapatan, makita naman na mapagmahal silang magulang pati na ang mga kamaganak. Dahil lang sa interest magpakita ng talent ang bata binaliktad na at hinuhusgahan na abused. Ako naniniwala ako sa mga magulang at kay janjan at hindi sa mga maling commento at sinasabi ng iba dahil kung ako I don't allow anybody to put words to my mouth at pangungunahan ng ibang tao ang karapatan ko at karapatan ng pamilya at anak ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 610  porkchop

    04/09/2011 | 11:48 PM
    Also, it is janjan's parents who should get the bulk of the public's ire. Why did they ever allow their child to dance like that on National TV? So that he'd be more popular and get more attention to get more money. Shouldn't they be working harder for him rather than let him join such contests and making a fool out of himself? What happened is just and after effect we must not be distracted from the real problem and that is how most Filipinos Parents are becoming more irresponsible.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About