news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17420 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 609  sipsip

    04/09/2011 | 11:46 PM
    Willie has everything except HUMILITY
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 608  porkchop

    04/09/2011 | 11:45 PM
    Never liked WR. Pero this issue is blown out of proportion and it is ABS who did it. Notice how this issue got 2 segments on TV Patrol? He's even becoming more popular than their favorite Phil Younghusband who always appear on the news everynight even if what news they have on him is trivial.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 607  kibitzer

    04/09/2011 | 11:42 PM
    The true philanthropists do not brag about how much they give, and if others have given the same amount. They try to remain anonymous. Willie does not belong to this category.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 606  abscbn1st

    04/09/2011 | 11:41 PM
    604 usagurl --- helping others does not give you the license to degrade the dignity of other people, especially the children. hindi naman yung pagtulong ni Willie ang point of contention kundi yung pagpapasayaw nya kay Jan-Jan at paghahalintulad nya sa isang Macho Dancer. 'wag mo na sanang ilihis ang issue.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 605  usagurl

    04/09/2011 | 11:30 PM
    Nakalungkot lang isipin na ang bansang Pilipinas ay napahirap at ito ang mga tao ay puno ng galit at kasiraan para sa isat-isa, ang mga gustong tumulong ay pinapa bagsak at sinisiraan,ano naba ang dignidad sa bansang iyan na pwede na ipamamalaki sa mga dayuhan na nagtrabaho sa ibang bansa. Sad...very sad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 604  abscbn1st

    04/09/2011 | 11:28 PM
    601 usagurl --- i wonder kung nasa USA ka nga, eh dyan sa US napakahigpit ng batas against Child Abuse, ultimong masaway mo lang ang anak mo 'pag may maling nagawa at biglang magsumbong sa pulis, pwede ka ng kwestyonin, eh yung pagsayawin mo 'pa at ihalintulad sa isang Macho Dancer.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 603  abscbn1st

    04/09/2011 | 11:24 PM
    599 jezzdoit --- ewan ko ba sa mga fans ni Willie, fans talaga sila as in die hard. wala na talaga silang makikitang mali dahil parang sinasamba na nila si Willie. masarap nga naman makatanggap ng pera na iniabot lang ni Willie, easy money. pipila ka lang sa studio ni Willie, makakatanggap ka na, walang kahirap hirap basta sabihin mo lang na may money problem ka. bat mo nga naman hindi kagigiliwan si Willie. eh para siyang Santa Claus araw-araw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 602  usagurl

    04/09/2011 | 11:22 PM
    Maging malawak sana ang pag iisip ng mga tao dyan sa Pinas lalo na ang mga tao nasa kina ukulan.Naniniwala kami na hindi abuser si Willie, pwedeng may pakakamali as a person but he is not abuser. Willie is supporting and helping those very poor Filipino people in your country.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 601  abscbn1st

    04/09/2011 | 11:20 PM
    Etong mga fans ni Willie, feeling na mala-Mother Teresa si Willie sa pagtulong. eh lahat naman dinadaan lang ni Willie sa pera-pera, para saan, para maka-attract din ng viewers! yun lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 600  jezzdoit

    04/09/2011 | 11:18 PM
    ANG GALING MO "abscbn1st'..TAMA KA SA MGA COMMENT MO. SADYANG MARAMI PA TALAGANG MGA PINOY NA MAKITID ANG UTAK, AT ANG LIDER NILA AY SI WILLIE. BAKIT KAILANGAN KUTYAIN NI WILLIE SILA AIZA, AGOT, AT LEA?, SA SARLING SHOW NYA. GINAGAMIT NITYA ANG TV5 PARA MAGSALITA NANG HINDI MAGANDA,. TV5 AT MTRCB'..ITS REALLY ABOUT TIME TO GIVE THE ULTIMATE DISCIPLINARY ACTION TO THIS BASTARD.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 599  abscbn1st

    04/09/2011 | 11:17 PM
    595 usagurl --- kung talagang matulungin si Willie, bakit hindi nya patirahin sa Mansion nya yung mga nasunugan sa Cubao... 'pag nagawa nya iyon, maniniwala pa akong sincere talaga sya sa pagtulong nang walang kapalit na Ratings!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 598  jezzdoit

    04/09/2011 | 11:12 PM
    ordinaryong tao lang rin po ako at walang yaman sa buhay. pero ang pinag-uusapan po dito ay ang pinagawa ni willie' ng pauluit-ulit na pagpapasayaw ng macho-dancing aNG MUSMOS NA BATA. iyan po ang topic dito, hindi po kung ano at sino ang natutulungan. SADYANG WALANG BREEDING SI WILLIE'. WALANG MODO, WALANG PAGPAPAKUMBABA,AT SADYANG MAY KAYABANGAN. BAKIT KAYA?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 597  abscbn1st

    04/09/2011 | 11:12 PM
    594 usagurl --- iba naman yung klase ng pagtulong ni Willie. Maniniwala pa ako sa isang factory worker na kapag sumahod ay mamimigay sa mga mahihirap, kaysa sa isang TV Host na namimigay ng pera in front of the cameras for the sake of his show's ratings and for the sake of his own image. at isa pa, sa mga Advertisers naman galing yung mga pinapamigay ni Willie, at ang sahod nya ay makikita mo na pinambili nya ng mga mamahaling Sports Cars, Mansion at Yacht. so nasaan ang genuine at sincere na pakikiramay nya sa mga mahihirap kung sarili nyang mga luho sa buhay ay di nya matiis na huwag bilhin?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 596  usagurl

    04/09/2011 | 11:10 PM
    Mag isip isip kayong mabuti sa mga binibitiwan nyo salita laban sa isang tao na tumutulong dahil si Willie simulang nag simula ang ang programa na Willing Willie marami na ang pamilya na natulongan pinakamahirap na mga PIlipino naging Milyonaryo dahil sa programa nyang Willing Willie, kayong mga galit kay Willie at naghusga na abuser si Willie may kapitbahay ba kayong nabigyan man lang ng ulam at kanin pagnagugutom?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 595  usagurl

    04/09/2011 | 11:01 PM
    Nagbabaga ang mga comments dito, but I agree that Willie will stand til the end, The more na gusto nyo bumagsak si Willie lalo syang pinalakas at pinatibay at pinapayam dahil ang taong tumutulong ay hindi na uubusan at pinagpapala at ang taong mapanira ay kinakain ang palagi ang sariling salita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 594  amethystblues

    04/09/2011 | 10:37 PM
    tv5 has made a mistake in taking him. sukang suka na ang mga tao sa style ni willie...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 593  SunGod30

    04/09/2011 | 10:33 PM
    anyway... Good night... basbasan na lang ng panginoon ang bayan natin kung saan ito patutungo ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 592  abscbn1st

    04/09/2011 | 10:33 PM
    587 SunGod30 --- ano ka ba, Diyos ang gumawa sa Tao, at ang Tao ay binigyan Nya ng Free Will para gumawa ng sarili nyang mga desisyon. Kung sinasabi mong ang ABS-CBN ang gumawa at kumontrol kay Willie, then bakit mismong ABS-CBN ay binangga nya? debah? Si Willie ay may sariling mga paniniwala, na ultimong ABS-CBN ay di kinayang pakialaman at baguhin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 591  SunGod30

    04/09/2011 | 10:31 PM
    oo tutuo nga yun na wala siyang sinabing ganun .... kasi mas malala pa nga dun kung minsan .... yung may compilation ng Showtime review it .... maraming foul duon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 590  abscbn1st

    04/09/2011 | 10:29 PM
    meron po kasing dance na for the sake of dance step lang like "Ocho-Ocho" at "Spaghetting Pababa", yung tugtog jolly at wala namang nagsasabi na, ay parang kumakan--- talagang for the sake of fun lang. eh yung kay Jan-Jan, specific talaga Macho Dancing tapos may hydraulic stage pa, habang lumalapit yung mga Dancers na parang nasa kabaret talaga, wawang Jan-Jan, ampunin na lang kita.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About