news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17413 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 589  tickle_me

    04/09/2011 | 10:28 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 588  SunGod30

    04/09/2011 | 10:27 PM
    lets face it .... si willy ay produkto lamang whoever made him... and he knows exactly what he wants to say to up his sympathy, viewership, ratings.... ayaaaan .... ang produkto ng mahigit na sampung training na ginawa sa kanya ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 587  abscbn1st

    04/09/2011 | 10:23 PM
    581 SunGod30 --- hindi naman nagmukhang degraded ang mga bata sa Showtime, dahil hindi naman sinabi nila Vice Ganda o nila Vhong Navarro sa mga bata na "Ayos ang giling nyo ha para kayong mga fokfok at macho dancer" wala pong ganon ate at hindi pinaulit-ulit yung sayaw para magmukhang kabaret. unlike kay Willie an pinaulit-ulit with matching sabi na "Ayan kita nyo naman si Jan-Jan, ang bata-bata pa nagmamacho dancing dahil sa kahirapan para makatulong sa pamilya" yun ang nagpamali sa ginawa ni Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 586  SunGod30

    04/09/2011 | 10:20 PM
    they are all birds of the same feather suffers the same fate.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 585  nov_8

    04/09/2011 | 10:20 PM
    Parang Osang lang ang dating.. tumaas sa ulo nila ang kasikatan... Nasan na si Rosanna Roces ng magmalaki, panay ang gatung ni Cristy Fermin na ganun din ang ginagawa kay Willy... What next? halos pareho din ang pinanggalingan nila osang at willie, pareho din kaya ang patutunguhan nila.... mapupunta din pala sa wala ang lahat... In time!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 584  mediaobserver

    04/09/2011 | 10:18 PM
    ang ayoko lang eh, willie is saying para sa pilipino sya, but atch the jan-jan incident the first time he dance after that, watch word for word what willie said to his show and he downgraded and humilate the POOR filipino people. " Kawawa naman si JAN-JAN 6 years old pa lang nagsasayaw na ng ganyan para mabuhay at sa pamilya nya...Oh well watch the you tube incident especially after the first dance. Its not only Jan-jan, buong pilipino especially mahihirap ang downgrade nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 583  SunGod30

    04/09/2011 | 10:18 PM
    dont bite the hand that feeds you ...... ikaw ang nagsabi nyan hindi ako...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 582  SunGod30

    04/09/2011 | 10:16 PM
    yun nga .......... did you ask yourself bakit hindi sila umaalma nuong mas degraded ang mga bata sa Showtime et al?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 581  abscbn1st

    04/09/2011 | 10:16 PM
    577 shruae81 --- dapat lang na magsaya ang Kapamilya Network noh, kaplastikan naman 'pag hindi, kagatin ka ba naman ng asong pinakain mo, syempre sasama ang loob mo. sa totoo lang hopeless na ang Kapamilya kasi mag-Se-September na pero hindi pa rin nila mapahinto ang Willing Willie sa Korte. so talagang blessing in disguise itong nangyari, parang dininig ang panalangin ni Mam Charo. ang bilis ng k.a.r.m.a. kay Willie, kasi sumobra ang kayabangan nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 580  abscbn1st

    04/09/2011 | 10:11 PM
    574 SunGod30 --- Network war? sino ba ang umalma? ABS-CBN ba? hindi ba't DSWD, CHR, UNICEF, CBCP? pano naging involve ang ABS-CBN, aber? at kailan pa naimpluwensyahan ng ABS-CBN ang mga government agencies? di ba't mas maimpluwensya ang may-ari ng TV5 na si MVP na may-ari ng PLDT at SMART?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 579  SunGod30

    04/09/2011 | 10:08 PM
    abscbn1st .... beeh taken its ok ... gusto ko lang ipakita na industry can change pero sana hindi peke....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 578  shruae81

    04/09/2011 | 10:07 PM
    ANG NEWS DAPAT IPINAPAKITA KUNG ANO ANG REAL STORY HINDI PURO EDIT NG EDIT NA NAWAWALA ANG PAGIGING IMPARTIAL, KASI KAPUNA-PUNA ANG ABS-CBN NEWS PAGDATING SA ISSUE ABOUT KAY WILLIE LAGING MAY CUT PINAPAKITA LANG NILA NG PART NG INTERVIEW NA PABOR SA KANILA NA MAS MAIPAPAKITA NILA NA WALANG UTANG NA LOOB SI WILLIE,,, KAYA ANG PINAKA-MASAYA SA LAHAT NG NANGYAYARI NGAYON KAPAMILYA NETWORK.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 577  SunGod30

    04/09/2011 | 10:04 PM
    sa mga willie haters .... panoorin niyo ang past shows ng channel niyo at kung malinis kayo ....... masusuka kayo ...... to lawyers of TV5 and the yellow army of JIM and LEAH and LEAH and AGOT and AIZA etc ..........REVIEW niyo po ang past shows ng Showtime its a virtual goldmine of your crusade .....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 576  abscbn1st

    04/09/2011 | 10:04 PM
    570 SunGod30 --- oo nga favorite namin, sorry ka na lang dahil ngayon lang kayo nagreklamo, malas mo at si Willie ang napag-initan, beh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 575  SunGod30

    04/09/2011 | 10:01 PM
    Si Willy ay pawn of a multi billion war of network empires and akala niyo ba may concern sila kay Jan Jan ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 574  abscbn1st

    04/09/2011 | 10:00 PM
    Sorry mga Fans ni Willie, 'wag kayong gumawa ng division between mahirap at mayaman. Hindi lahat ng mahihirap ay agree kay Willie. Simple lang naman ang Argument... Tama ba o Mali na pinasayaw ng Macho Dancing si Jan-Jan ng maraming beses, habang naluluha at sinabihan pa ni Willie na dahil sa kahirapan kaya napipilitan si Jan-Jan na mag-macho dancing para makatulong sa mga magulang. Yun ang issue. 'wag na kayong lumayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 573  SunGod30

    04/09/2011 | 09:57 PM
    Whos gonna stop Dr. Jekyll? Wala po kasi ang impluensya niya ay nasa buong gobyerno na .......
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 572  outlander

    04/09/2011 | 09:57 PM
    Jim Paredes? concerned sa Filipinos? so what is he doing here in Australia?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 571  SunGod30

    04/09/2011 | 09:55 PM
    nakita niyo ba sa TV ang ang mga nakahubad na young teen agers sa SHOWTIME at may mga sexual innuendos with one of the hosts? wala, yung mga pagpapahiya sa mga talunang groups of kids?.... walaaaaaaaaaaa ....... kase peborit niyo iyon.....yun yon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 570  shruae81

    04/09/2011 | 09:52 PM
    HELLO MGA WILLIE HATERS,,,, REMINDING YOU ONLY NA ANG MGA FANS NG WILLING WILLIE KARAMIHAN SA KANILA WALANG ACCOUNT SA FACEBOOK AT TWITTER AT MAS NANAISIN NA IPANGBILI NA LANG NG PAGKAIN ANG IPANGBABAYAD SA INTERNET KAYA ANG MGA WILLIE HATERS FOR SURE SILA ANG MGA SINASABI NI RUFFA G NA AB CLASS OF THE PHILS.,, NA KUNG TUTUUSIN MAS SINUSUPORTAHAN NILA ANG MGA FOREIGN TV SHOWS KAYA TINGIN NILA SA ISANG WW SHOW EH POOR QUALITY,, DARE TO ASK YUNG MGA ARTIST NA TINITIRA ANG WW KUNG ANO PINAPANOOD NILA FOR SURE CNN, GOSSIP GIRLS, ET, HOLLYWOOD FILMS O MAS BUSY SILANG ISIPIN KUNG ANO NEXT CUSTOME NA ISUSUOT NILA O SANG DOCTOR PUPUNTA PARA LALO SILANG GUMANDA,,, TAPOS KUNG MANGHUSGA PA NG KAPWA NILA ARTISTA GANUN NA LANG,, OBVIOUSLY LAHAT HALOS NG ARTIST MGA ABS-CBN NA MGA SIPSIP KAYA NAKAKITA SILA NG RASON PARA TALAGANG IBAON NG BUHAY SI WILLIE,,, SA WW TEAM AND TV5 KEEP GOING....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About