news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17221 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 529  redsand

    04/09/2011 | 07:17 PM
    HINDI kaya ang mga Alipores ni Willy ang may problema? Sumbong sila ng sumbong kay Will na ganito nabasa nila sa News, Twitter, etc. kaya mas lalong UMINIT ang ulo ni Will. In short, wla din HUMILITY ang mga Alipores nya. KAYA, buti nga sabay sabay kayong magpahinga! hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 528  redsand

    04/09/2011 | 07:09 PM
    hahaha sobra ang HANGIN sa ULO ni Willy! Natawa ako dun...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 527  flow246

    04/09/2011 | 07:06 PM
    Willy, hinding-hindi ako mayaman, hindi din ako poor dahil may trabaho ang husband ko, pero hindi ko type the way magsalita ka dahil puro ikaw palagi ang bida. Lahat na ginagawa mo, binibida mo, pag ikaw magsalita, feeling mo ikaw ang sinasamba, ikaw ang tama, ikaw..ikaw..ikaw. Totally, mayabang na mayabang ka. Yan ang personalidad mo na ayaw na ayaw ko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 526  haynaku2010

    04/09/2011 | 06:56 PM
    Success cannot be measured only in achievements, but in lessons learned, lives touched and moments shared along the way. Do you consider yourself successful Mr. Revillame after what happened, after all what happened???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 525  california

    04/09/2011 | 06:53 PM
    One thing more, nakakahinayang din ang popularity ng tv5. When they started getting big talents like ruffa , goma, lucy and many more, umaagaw na sila sa rating. But when wllie came in parang as a viewer nagdalawang isip ako kc knowing willies' credibility alam ko dodominahin n naman nya mga nakakataas sa kanya. At di nga ako nagkamali. On air nagssugest sya kung ano ang gagawin sa show. Parang laging dry run. Walang concrete na plano. Bastos pa din sa mga kadamahan nya. I think i need a good show na pwde ko irekomenda sa mga anak ko na may matututuhan sila. Sayang ang chance ni willie, he blew it.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 524  haynaku2010

    04/09/2011 | 06:53 PM
    Aanhin pa ang isang milyong piso kung ipapangalandakan naman. Doon na ako sa sampung piso, barya man sa tingin, may sinseridad naman!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 523  purong_kapamilya

    04/09/2011 | 06:52 PM
    Hamunin mo rin si MVP ikaw o si tuesday vargas.hahahahahahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 522  california

    04/09/2011 | 06:43 PM
    The problem with wllie is his being impulsive puts him in big trouble. It happened so many times thats y you cannot blame the people if they say he is hard to manage and get along with.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 521  jamnyah_16

    04/09/2011 | 06:39 PM
    kawawa ka willie... masyado mo dinedepensahan ang sarili mo... wag mo siraan yang sila jim paredes, leah salonga, aiza, bianca gonzales... dahil lahat yang mga yan eh matatalino at world class talents... eh ikaw? wala ka ng ginawa kundi gawin panangga ang mga audience mo na nauuto mo! humihingi ka ng simpatya sa tao... hindi lahat ng tao mabibilog mo! umalis ka na sa ere! dahil pag andyan ka panira ka lang sa industriya! kapag wala ka for sure aayos ang takbo ng showbiz! at hindi ka kawalan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 520  bruha_ako

    04/09/2011 | 06:38 PM
    Ang pwede LNG magpatigil dto s mayabang na Ito e tv5. Heeeellloooo mga bossing ng tv5 GISINg!!!!! Wg nyo nmng itolerate ang kasamaan ng ugali ng talent nyong super hambog..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 519  HornBlower

    04/09/2011 | 06:37 PM
    Dakdak jasi ng dakdak ayaw munang mag-isip kaya napapahamak. Ayaw kasing magpakalalake nitong si Willie Revilliame kaya puro dakdak lang ang alam...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 518  babyshy

    04/09/2011 | 06:35 PM
    jim paredes was very instrumental in making cory a president, thereby restoring democracy. lea salonga is the only filipina to have won the the tony and laurence olivier awards. aiza seguerra is a child wonder, a best selling pop artist in other asian countries. agot isidro, aside from her successful albums, is a prolific stage actress. IKAW WILLIE, ANO KA? magbago ka na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 517  tumssmoothies

    04/09/2011 | 06:33 PM
    korek sa sobrang KAYABANGAN ni willie, yung mga sinabi sa kanya sa twitter ay hindi nya nakuhang intindihin ...pati kung baket nagpullout mga sponsors at nagbigay ng statments ang mga ibat ibang ahensya ay hindi nya naiintindihan ang situasyon .... hindi muna kasi magisip bago dumakdak! ...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 516  paminchever4u

    04/09/2011 | 06:30 PM
    paano na kaya un mga dancer at staff chuva nya sa show nyang malapit na maglaho na sumunod pa sa kanya sa paglipat at iniwan ang dos... ngayon sakop na din sila sa tinatawag na karma...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 515  filoz

    04/09/2011 | 06:27 PM
    Eat a humble pie Willie, hindi yung tinitira mo lahat ng pumuna sa iyo. May mga artista ka nabanggit na tinira ka pero di mo ata napanood o napakinggan ang pahayag nila ng buong buo. sa kayabangan mo, bumalik ka man daratiing ka uli sa isang panibagong problema kasi sobra ang hangin mo sa ulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 514  tumssmoothies

    04/09/2011 | 06:26 PM
    mahiya ka willie sa sinabi mo kay aiza seguerra at agot isidro! below the belt ka dun!!! ....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 513  wahahe

    04/09/2011 | 06:26 PM
    inexample mo pa ang going bulilit ha. lol ang goin' bulilit eh isang show kung san ang mga bata eh artista, alam nila na ginagawa nila ito dahil umaarte lang sila at the same time ineenjoy ang mga role na binibigay sa kanila.. kahit ilang beses nating panoorin yung mga bata sa goin' bulilit makikita na masaya sila sa ginagawa nila, wla tlang malisya dhil nakakatuwa silang panoorin.. kahit pareho ng sayaw kung iba ang emosyon eh yun ang problema... yun ang abuso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 512  HornBlower

    04/09/2011 | 06:24 PM
    Adios Patria Adorada!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 511  HornBlower

    04/09/2011 | 06:23 PM
    Hindi kaya dapat si Willie ang magpakalalaki? Lalake bang matatawag ang mga patutsada niya sa mga kapwa daw niya artista?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 510  mango_07

    04/09/2011 | 06:22 PM
    kung humingi ka na lang ng TAWAD at ngpaka-HUMBLE sa tv instead na nagpasarin ka ng kung ino-sino baka maawa at naintindihan k pa ng mga tao. pero wale eh, KAYABANGAN pa rin ang pnairal mo!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About