news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17662 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 509  paminchever4u

    04/09/2011 | 06:22 PM
    asa paligid ligid lang ang karma willie at nalalapit na sya sa u...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 508  tumssmoothies

    04/09/2011 | 06:21 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 507  mango_07

    04/09/2011 | 06:19 PM
    kunwari na mawawala dhil pagiisipan pa daw nya kng babalik p siya...if i know magbabakasyon ka lang willie dhil holyweek na! gusto m lng magpaawa effect sa mga tao.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 506  mango_07

    04/09/2011 | 06:17 PM
    ano daw ba nagawa ni Jim Paredes at Lea Salongga sa Bayan!!! hahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 505  wahahe

    04/09/2011 | 06:16 PM
    yung staff na sumama kay willie sa tv5 eh mukhang magsisisi na... hindi na tatagal c willie sa industriya.. ang pera na pinapamigay mo ay hindi nmn galing sayo pero kung mkpagyabang ka eh over! yang paawa effect mo at feeling matulungin ang pinangbubulag mo sa mga tao... same act kung bkit ka yumaman... kung matulungin ka talaga eh bakit mukhang payaman ka ng payaman? hindi lahat ng mahirap tulad namin eh mauuto mo.. tama na po ang pag gamit sa amin.. masyado na kaming naiinsulto.. bkit hindi mo na lang kami tulungan mag aral ng pag tagal eh hindi na kelangan magpauto sayo para lang magkapera!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 504  jeff466

    04/09/2011 | 06:14 PM
    calling aiza as magpakalalaki ka is a homophobia approach
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 503  popeye5_ksa

    04/09/2011 | 06:13 PM
    Sana wala ng mga street children at pang-aabuso after this incident.....kung talagang may concern ang mga taong involved sa pag-aakusa aksyon agad,okey
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 502  showbizbuddy

    04/09/2011 | 06:13 PM
    See you again hopefully after 2 weeks, pahinga ka muna at masyado ka na-stress sa iskandalo Willie. Totoo naman ang mga sinabi mo kaya lang hindi naman perpekto ang show mo. Nothing is perfect. Move on na- your fans and supporters will still be around after 2 weeks and hopefully everybody learns on this controversy. See you soon Willy!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 501  tumssmoothies

    04/09/2011 | 06:10 PM
    kunyari ka pa magiisip ng two weeks... obvious naman na hindi na tatakbo ang show pag walang sponsors eh .. at malamang ang tottoo suspendido ka...db ganyan din nangyari sa ABS, sabi mo noon magpapahinga ka lang, nung nasa TV 5 ka na, ang kwento mo ang totoo nasuspende ka!!! .... at PWEDE BA WAG KA NA BUMALIK SA TV!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 500  tumssmoothies

    04/09/2011 | 06:03 PM
    hindi ka na nahiya willie sa mga kapwa mo artista! nakakhiya mga sinabi mo sa kanila! wala kang modo talaga kahit kailan!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 499  tumssmoothies

    04/09/2011 | 06:01 PM
    hopeless case na etong si willie!!! MAHIRAP IPAINTINDI ANG ISANG BAGAY SA ISANG TAONG AYAW UMINTINDI!!! ....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 498  tumssmoothies

    04/09/2011 | 05:58 PM
    lahat na ng tao at ahensya may nakitang pagkakamali, pero ikaw willie feeling mo pa din wala kang nagawang pagkakamali, konting humility naman dyan!!! nilayasan ka na nga ng lahat at pinagsabihan ka ng mga tao, YABANG pa din ang nsa isip mo!! basahin mo tong article, mula umpisa hanggang dulo puro KAYABANGAN ka lang! .... lahat ng tulong mo sa tao, lagi mo binobroadcast! kala mo naman sarili mong pera yan!!! .... wala ng pag asa magbago to si willie!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 497  clairey0921

    04/09/2011 | 05:55 PM
    Hay naku, Willie, kung umamin ka na lang na may pagkakamali ka at nag-sorry ka, di na siguro umabot sa ganito ang issue. Ikaw mismo nagsabi nung umiiyak si Jan Jan habang sumasayaw na ayaw nya ginagawa nya pero ginagawa pa rin nya para sa pamilya. Alam mo naman pala eh. Kung sinabi mo na lang "Jan Jan, di mo na kelangang sumayaw ng ganyan, ibibigay ko na lang sa yo yung 10 libo", mas marami pa sana lalong humanga sa yo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 496  tumssmoothies

    04/09/2011 | 05:54 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 495  bus_stop

    04/09/2011 | 05:51 PM
    hay naku talagang puro hangin ang laman ng utak ni willie hindi marunong magisip!sabihan pang walang anak ni Agot Isidro di parang sinabihan nya ng baong si Agot..kaya mabuti pa manahimik kana lang willie lalo lang lumalaki ang gulo habang nagsasalita ka.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 494  Clara Pastor

    04/09/2011 | 05:48 PM
    it means lang willie dumating na karma mo,lagi ka na lng paawa effect pero brutal ka nman magsalita
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 493  silverngold

    04/09/2011 | 05:36 PM
    kahit kailan asal kalye at parang di nakapag-aral pa rin kung maghamon at magbigay ng statement... yan lang naman willie eh, di naman sa pera lang na naibigay mo eh nakatulong ka na sa mahihirap... pwede namang emotional o psychological help... masuwerte ka kasi marami kang pera kaya nakapagbigay ka... pero naisip mo ba na ano ang mangyayari pag naubos ang naibigay mong pera... dapat gabayan mo rin ang mga mahihirap... panandalian naman ang pera eh, malay mo nagdodonate pala ang mga artistang yan sa mga foundations... di lang nila pinapaalam... AT YAN ANG MAS MAGANDANG TULONG WILLIE... KASI DI MO KAILANGANG IPAGMAYABANG ANG TULONG NA GINAWA MO... yan ang kusang loob at galing sa puso na pagtulong, di gaya mo na sinusweldohan ka naman para iabot ang perang tulong mo sa mahihirap... may kapalit yung sa yo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 492  chances2010

    04/09/2011 | 05:26 PM
    maganda ang show ni willie...im not against of his show but im against of willie revillame as a tv host napaka arogante kasi at napakayabang...sana baguhin mo na kasi ugali mo mr revillame kasi yan ang nagpapamalas ng show mo...next time ok be good na!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 491  wise_mico

    04/09/2011 | 05:23 PM
    So ba't pala sya aalis? Dahil paubos na ang sponsor at pakunti na ang perang papasok sa kanya? Ngayon nya ipakita na sincere sya sa pagtulong sa mahihirap na lagi nyang ibinabandera. tuloy nya ang show nya, at pera nya ang ipamudmud nya kung talgang bukas nga sa loob nya ang pagtulong. Or ano to? Mawawala sya for paawa effect para pagbalik ng sponsors saka sya babalik at sasabihing gusto nya talga ang makatulong sa mahihirap... MAHIRAP DIN AKO... PERO DI AKO ... TAN... GA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 490  Janjan20112012

    04/09/2011 | 05:20 PM
    Filipinos are soo overacting, they should pay more attention with the real problems that philippines have...poverty,hunger..etc people are being so negative with Willie, people who hate Willie should look at themselves kung meron silang nagawa sa Pilipinas sige na magdonate nga kaayo at ibigay ninyo and pera mga tao who needs it! kaya walang improvement ang bayan natin kasi pero panglait sa iba bakit hindi nalang mag cooperate and find solution sa problem sa ating bansa. those goverment officials who make sawsaw sa issue, why focus on one issues, there are mo many street children or sick children out there who needs more help!that something you should pay attention....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About