news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17427 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 469  gareen

    04/09/2011 | 03:51 PM
    palubog ka na willie. u r a user at isa kang bakla para tumira below the belt sa mga artistang nagbigay lamang ng kanilang opinyon. gusto mo palagi kang pinupura at hindi dapat punahin. may hangganan din ang lahat at ito'y malapit na. show without commercials? owsss? tingnan natin kung hanggang kelan ka tatagal. napakasinungaling mo talaga. stop using the poor for ur own interest.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 468  BERNARD2010

    04/09/2011 | 03:49 PM
    Hindi ko maintindihan kung bakit masyado nilang dinidikdik si Willie samantalang wala naman itong ginagawang masama sa tao.Bakit si Willy?Sya ba ang magulang nang bata?Sya ba ang tiyo?Bakit sa kanya ibinuhos ang kasalanan?Ano ba ang child abuse duon?At kung may child abuse eh tama si Willy about Aiza.Bakit lumaki si Aiza sa industry?Bakit may Nino Muhlach?Bakit may Jillian Ward?I dont watch Willing Willy but i watch the controversial video on You tube.Hindi ko favorite si Willy pero sana naman wag natin syang masyadong diinin.Marami syang natutulungan.Hindi sya nagdadamot kung anong meron sya.Huwag naman sanang maging baluktot ang utak natin bagkus pagtuunan natin ng pansin ang mas maraming problema sa ating bansa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 467  mamaluv_02

    04/09/2011 | 03:43 PM
    may nagsasabing sumayaw yung bata a flatform kasami ang dancer and willing willie sa phnoy at youtube wala akong nakita. meron bang link yon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 466  ziahcare

    04/09/2011 | 03:41 PM
    NAGPAKATOTOO LANG SI WILLIE! KAHIT KAYO SIGURO LUMAGAY SA POSISYON NYA, MAGSASALITA NA RIN KAYO. YUNG MGA SUMAWSAW AY MGA KSP AT LAOS NA. ITONG SI JIM PAREDES, STRUGGLING POWER TRIPPER...LAOS KA NA HOY!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 465  mariaCritica

    04/09/2011 | 03:34 PM
    dahil sa bunganga ni willie lumalaki ang issue...i bet mas lalong lalaki ito dahil sa mga tira nya sa mga artistang nagbgay lang ng opinyon..sabihin ba naman kay aiza s. na "magpakalalaki", agot "may anak ka ba?"para na rin nyang sinabi na wag kang makialam baog!!hay willie just shot ur dirty mouth!!ikaw ang magpakalalaki..harapin mo ang issue ng mahinahon at maniwala sau ung tao..hnd galit at pangiinsulto sa sa ibat ibang artista at institusyon..kng talagang mahal mo ang masa then continue ur show using ur own money as papremyo..sa lagay na yan eh nag stop ka kc ayaw mo malugi ang sarili mong invstmnts at pera..total mayaman ka rin eh go!go!go!---
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 464  cocojam27

    04/09/2011 | 03:31 PM
    willie, noong una masamang tao ang tingin ko sa yo dahil sa mga nababasa ko at naririnig...last month dumalaw sa programa mo ang nanay ko at mga kababayan namin sa laguna. nagpunta doon ang nanay ko para humingi ng tulong sa programa para sa ate ko na may malubhang sakit. hindi namin inaasahan na isa sa mga dancer niya na ang kukuha ng pangalan ng ate ko at tinulungan ang ate ko. ngayon ko napatunayan na kahit sino ka pa na nangangailangan ng tulong, handa si willie na tumulong sa mga taong nangangailangan...maraming salamat willie sa pagtulong mo sa ate ko...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 463  ordinaryblue

    04/09/2011 | 03:22 PM
    di ako supporter ni willie or fan, di rin ako nanonood ng show nya. Point ko lang, napaka kitid na ng utak ng ating gobyerno, sa kaliit na bagay pinapalaki ang isyo. Dami na ngang problema sa pinas ba't pa rin yang jan jan ang pinagkakaabalahan. Ang problema kasi sa ting mga pinoy, masyado tayung OA, wala na sa lugar, react lang tayu ng react... kaya nga ayaw ko ng bumalik ng pinas! masyadong OA ang bansa natin, pero critics...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 462  anekatri

    04/09/2011 | 03:20 PM
    Hay naku... nag si self destruct na yata si Willie. at parang hinahatak pa ang mga supporters nya na mag alsa masa sa mga artistang naging critiko sa kanya. palubog ka na willie at nakakalungkot ka. You did it to yourself.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 461  california

    04/09/2011 | 03:10 PM
    It is the auditioners fault to begin with. Sa live show dapat naka standby sa paligid ang staff lalo na kung c wllie ang host. Dapat may nag senyas ng foul yun. Eh puro nag eenjoy silang lahat, they became insensitive. Di nila namalayan yung mga viewers at mga critics. Dapat maging wholesome mula sa host hanggang sa mga kasama nya. this is the result. Too bad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 460  eklatbelat

    04/09/2011 | 02:58 PM
    May preconceive idea na agad ang mga tao dito lalo na kung involved si willie. Malaswa at abuso ang kaso na binabato. Pero kung ihaharap mo sa korte ito.. nasaan ang abuso at ang mahalay? Sa isip - nandon lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 459  coco23

    04/09/2011 | 02:57 PM
    medyo sukdulan na ang galit ng tao kay willie medyo di na tama para manghusga di naman tyo perpekto pra ganunin ang tao kung maalis man ang show niya may mababago ba sa buhay natin nakakapekto ba talaga sa inyo si willie?pabayaan na natin sa mga matatanda ang show na yan di ako nanonood ng willie pero kung may napapasaya man siya sila na lang yun kung mayabang man siya problema na niya yun yayaman ba kayo kung sisiraan nyo siya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 458  simplymeh

    04/09/2011 | 02:46 PM
    Iused to like Willie.... dati pa naman talaga siyang matulongin sa tao eh. lalo na sa mahihirap. Kasi galing din naman sya duon. Pero i really dont know kung ano na ngyari sa kanya??? Simula pa dun sa ABS.... the way he handle or yung paraan nya mag salita. if he sees something wrong dapat na ba nyang e broadcast on TV???? if its about management dapat pinag usapan yan sa loob ng room. ngayun naman kailangan ba nya talagang e broadcast yung galit nya sa mga artista na nag bigay lng ng opinion? I think Will, sumobra na ang yabang mo. hindi porket malaki na ang na e contribute mo sa mahihirap e dapat mo na yan ipagmayabang. tumulong ka hanggat kaya mong tumulong pero dapat wag kang manhinggi ng kapalit nito. D mo na kailangan e announce sa lahat ng tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 457  bruha_ako

    04/09/2011 | 02:46 PM
    wow bat biglang dumami nga alipores ni willie halimaw??!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 456  iloveacting

    04/09/2011 | 02:44 PM
    hindi naman magkakaroon ng maraming followers si willie kung malamya personality nyan..kaya nga naging isa sa most influencial na tao yan sa pilipinas dahil sa personality nyang yan..mahirap imaginin na makaya ng isang pangit na katulad nya na magdala ng isang show at mapataas ang rating nitoh..tanggapin na lang ng mga detractors nya na magaling na leader si willie para hindi na nila namimiss-interpret as kayabangan yong galing ni willieng mag influencia ng tao..wag nyo ng siraan yung taong walang namang ginagawang masama..hindi porket malakas yung dating ng personality ng tao eh mayabang na..kikitid ng utak..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 455  djoshgomez

    04/09/2011 | 02:43 PM
    Buti naman... Shame on you Willie!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 454  jay_vi09

    04/09/2011 | 02:39 PM
    Kung ibang host ang involved dito walang makikisawsaw cgurado.Pinoy nga naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 453  eklatbelat

    04/09/2011 | 02:36 PM
    Kailangan sa mga paghuhusga ng mga bagay - ay factual at hindi subjective. Ang ginawa kay jan jan at sa willing willie ay subjective lang.. pin point exactly kung ano ang malaswa? bakit malaswa? ano ang mahalay na ginawa ng bata? bakit naging mahalay? naghubad ba ang bata habang nagsasayaw? hindi yata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 452  matoy_babyron

    04/09/2011 | 02:32 PM
    Agree...may mali pero di sapat para hatulan yung buong show..I don't like Willie personally pero to judge him as pedophile at child abuser parang sobra...yung mga nakihalong artista din pweh! kadiri kau....ang problema sa mga pinoy masyadong matatalino pero di kayang mag-verify bago dumakdak...ang napanood ng karamihan ung splice video dapat nag-tsek muna bago nag-comment..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 451  JohnnyThor

    04/09/2011 | 02:31 PM
    Dumami bigla ang pala ni deviliame dito...mga kampon ng nanay niyang si Cristy,,,mga halang ang .....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 450  starqueen

    04/09/2011 | 02:27 PM
    puckerlips143 on 417 - natawa akong bigla especially the last part. Haay naku - this man has nine lives. Mala pusa talaga. Siguro we should start counting - kung nakaka-ilan na to get the tally.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About