news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17411 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 429  girdlebun

    04/09/2011 | 01:50 PM
    para kay kokuryu... gugustuhin ko ba ang anak ko sumayaw ng ganun? eh dba nga sino ba ang magtuturo nun sa bata kung hindi ang magulang nya.. nag-iisip ka ba tlga... panoorin mo kaya ang segment... kung ayaw yun ng magulang dapat pinigilan nila at di pa sila ngumiti at natuwa...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 428  girdlebun

    04/09/2011 | 01:47 PM
    para kay kokoryu...Sinabi ba ni Willie na sumayaw sya ng ganun? Bakit di na lang ang bata ang sisihin at ang magulang in the first place? Sila naman ang NAGPALASWA ng show dba? Ang dami niyo pang sinsabi... ang kasalanan lang ni willie ay yung pinauliut nya ulit ung sayaw!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 427  girdlebun

    04/09/2011 | 01:45 PM
    Sinasabi niyong... ginagamit ni Willie ang mahirap... it may be true pero diba walang MANGGAGAMIT kung walang nag PAPAGAMIT?? Ang society natin ang may PROBLEMA at hindi ang game shows na tulad nito... Di kasalanan ni Willie kung may UMAASA sa kanya... ang problema kasi ay yung mga TAO na inaasa na lang nag buhay sa IBANG tao..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 426  kokuryu

    04/09/2011 | 01:45 PM
    ano ang tawag sa kanyang sayaw? di ba macho dancing? eh ang macho dancing, sa tingin mo ba hindi ito malaswa? ang ginawa nya bang macho dancing ay age appropriate? ilang beses ba nagsayaw ang bata? once lang ba? at ilang minutes? ikaw? gusto mo bang gawin yun on national telecvision? kung may anak ka, gusto mo bang maging macho dancer ang anak mo? at pinapakita pa sa tv? at kanino bang show yun? at nung nakita nya, pinahinto ba nya? pakisagot lang OBJECTIVELY...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 425  ilovepep

    04/09/2011 | 01:44 PM
    talaga namang mandamay pa ng ibang show ... WHAT A LOSER
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 424  eilselrules

    04/09/2011 | 01:43 PM
    KUNG MAY PROBLEMA WAG MANDAMAY NG IBA...HARAPIN MO ITO FACE TO FACE....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 423  iloveacting

    04/09/2011 | 01:42 PM
    yang mga nagpasimuno sa pagpuna doon sa march 12 isyu sa willing willie,mga nagmamagaling na ipokrita lang ang mga yan at puro dakdak..lumalabas dito sa pangyayari na ito na si willie pa ang biktima..yung isyu na iyon pwede naman maresolba yon na hindi na aabot sa ganito na lahat ng mga sponsors ng show nag alisan..hate ko kayabangan ni willie pero sa isyung ito,kay willie suporta ko..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 422  chubie_buknoy

    04/09/2011 | 01:41 PM
    hambog ka WILLIE!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 421  mamaluv_02

    04/09/2011 | 01:40 PM
    i said it before, i'm going to say it again...not everyone see eye to eye on this issue and that's a good thing, makes it all interesting and all...but sa mga haters ni Willie di niyo ba alam na da more u talk about this guy, the more popular he becomes... there is no BAD publicity when it comes to the Entertainment industry... gusto nilang pabagsakin pero mahirapan sila kasi marami na siyang pera... he IS playing his card very well...sa mga "mahihirap siya" at if you think about it, most of his viewers probably does not have internet so really they don't know exactly what's going on...and if his supporters followed him to TV5 and only watches their news well-we all know each station protect their own.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 420  girdlebun

    04/09/2011 | 01:38 PM
    In the first place, ang BATA ang sumayaw ng ganun... kung may dapat sisihin ay yung MAGULANG at hindi si WILLIE... Yung paghawak ng bata... yung bata ang humawak dun... yung bata ang nag-initiate lahat ng moves... ginaya lang ni willie... kung may mali si willie it may be the fact na pinaulit nya ulit.. sa totoo lang... ang pagsayaw in the first place ay di kasalanan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 419  girdlebun

    04/09/2011 | 01:36 PM
    Hindi ko IDOL si Willie... and alam kong ginagamit niya ang loob ng MASA para makuha ang loob nila.. ang point ko lang... para sa akin, di child abuse ang nangyari period!!' problema kasi sa inyo masaydo kaung nagmamalinis..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 418  puckerlips143

    04/09/2011 | 01:35 PM
    ganyan talaga ika nga misery loves company naghahanap si Willie ng kasama sa pinagdadaanan Nya ngayun kaya binalikan Nya mga taong bumatikos sa kanya tsk tsk be humble puppy lol. kapag nalusutan mo pa Ito eh ttalaga Lang siguro na malakas ang kapit mo Kay satun.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 417  ongbah

    04/09/2011 | 01:35 PM
    the only thing i can say ii that everybody has his fair share in this society, the cause of all this things is poverty, ginagamit ang mahihirap sa sariling interest, kunyari sasabihin tumutolong sa mahihirap pero meron palang mga hidden agenda para sa pansariling kapakinabangan,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 416  eilselrules

    04/09/2011 | 01:34 PM
    ok lng sana kung isang beses pero nakaapat na beses xang sumayaw ng macho dance at humawak pa sa may isang bagay....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 415  girdlebun

    04/09/2011 | 01:34 PM
    Isa pang halimbawa ay yung kay Adam Lambert... ng nagperform sya sa AMA awards... maraming nagalit kasi MALASWA raw ang ginawa nya... eh kung tutuusin PURE EXPRESSION of the song lang naman ang ginawa niya... at mas marami pang malaswang mga artista ang gumagawa ng ganun... PLASTIC kasi mga tao ngayon... pag IDOLO nila pinagtatanggol nila pero pag HINDI.. dinidiin nila... Di sila nagiging OBJECTIVE...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 414  kokuryu

    04/09/2011 | 01:33 PM
    pa objective objective ka pa dyan. hayan na nga ang issue ho. ineexplain na sau na ganito. eh ikaw fanatic ka ni willie kaya paano maging objective k? pwd.. echoserang palaka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 413  girdlebun

    04/09/2011 | 01:31 PM
    Natuwa lang sya kaya niya pinasayaw ulit... Ang problema kasi sa inyo MASYADO kayong NAGMAMALINIS... Masyadong NAGMAMALINIS ang mga tao ngayon at MAPANGHUSGA... Look at yourself first! Kung mabuti ka bang tao... dahil kung makasalanan ka rin.. wala kang karapatang manghusga... MAs marami pang artista ang kung tutuusin ay MASAMA ang UGALI... Sabi ko nga be OBJECTIVE in your comments!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 412  girdlebun

    04/09/2011 | 01:27 PM
    Sa mga mag cocomment let's STICK with the ISSUE and not with the PERSON! Yan ang hirap sa mga tao eh. Puro SUBJECTIVE comments and hindi OBJECTIVE comments. Ewan!!! Kung galit kayo kay Willie wag kau dito magcomment! ok? punta kayo sa bahay nya ng mabasa niya!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 411  angelafrica18

    04/09/2011 | 01:26 PM
    Walang exploitation? the fact na pinasayaw pa sa gitna na umaakyat na flatform na ewan kasama ang half naked na dancers nya.. pwede naman na hindi na gawin yun. but no he did and it was offensive. mga fans ni willie nakakaloka pano nyo nasasamba ang ganito ang ugali? pati mga kapwa artista na nagbigay ng opinion binatikos. so what they had an opinion..go cry about it! last time i checked we're entitled to our own opinion. magsampa sya ng kaso useless naman... wala naman paninirang puri sa mga tweet sa kanya. ang yabanggg... wag ka na bumalik ok lang! mas maaliwalas ang tv pag wala ka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 410  girdlebun

    04/09/2011 | 01:25 PM
    Porket galit sila kay WILLIE, kaunting galaw lang nya PINUPUNA... Yan ang hirap sa mga Pilipino... ewan ko ba.... Parang sa pagboto rin ng Presidente... porket anak ni Ninoy Aquino.. yun din ang binoto... ako kasi para kay Gordon... Ang mga utak ng mga nag cocomment dito HINDI nag-iisip puro pulitika lang...walang sariling paninindigan.. sunod sa agos.. nagpapabayad.. haaay kaya di aasenso ang Pilipinas kahit kailan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About