news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17412 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 409  xxxhelishaxxx

    04/09/2011 | 01:22 PM
    sabi nga nila...a charity is not a charity when you brag about it! Kung alam mong nasa tama ka, hindi mo kailangan sabihin kung anong nagawa mo para sa ibang tao. Lumalabas kumukuha ka ng simpatiya o nagyayabang ka. Wag mong kwestiyunin kung anong tulong ang naibigay ng iba para sa kapwa, you'll never know baka mas marami pang nagawang mabuti mabuti kesa sayo. Hindi lang nila broadcast katulad mo. Dapat mong matutunan ang magpa'humble' at tangalin mo ang pagka 'hambog'.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 408  eilselrules

    04/09/2011 | 01:22 PM
    WOW TALENT DAW OH...OMG....NAPAKACLOSE- MINDED MO...pareho kau ni willie...is macho dance a talent????may napanood knb na ganun sa pgt o talentado....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 407  girdlebun

    04/09/2011 | 01:22 PM
    Hindi ako PRO- Willie... pero let's be OBJECTIVE and not SUBJECTIVE... kung hindi si willie ang host... kakasuhan ba ito ng MTRCB???? Para sa akin walang mali dun sa segment na iyon... Ang mga TAO kasi ngaun SARADO ang utak... Yung GALIT ang ginagamit inmbis na ISIP...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 406  susanboyle

    04/09/2011 | 01:19 PM
    nandito na ang karma........... ano ma say niyo john and randy?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 405  girdlebun

    04/09/2011 | 01:19 PM
    Di ko kinakampihan si WILLIE pero anu ba ang child abuse? Child abuse is when may pinapagawa ka sa bata na AYAW ng bata dba? Masyadong DINIIN si willie sa segment na ito, in the first place, di lang naman si WILLIE and natuwa kundi LAHAT ng nasa LOOB ng studio.. lahat sila dapat din kasuhan ngh CHILD ABUSE.. Masyadong UNFAIR mag JUDGE and tao nowadays.. maraming SHOWS na mas MALASWA at BASTOS pa dito may it be BATA, MATANDA, BABAE, LALAKI... pare parehas lang naman lahat yun! Ang child abuse ay ang mga batang nasa lansangan na pinagtratrabaho ng mga magulang... ang mga minor de edad na nagbebenta ng katawan... Wag sana MAGING PLASTIK ang mga MAPANGHUSGA... dahil mas MARAMI namang MALASWA pa dito na PALABAS!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 404  malaya2007

    04/09/2011 | 01:16 PM
    sisihin nyo si willie di naman yan basta basta iiwan ng advertisers dahil lang dun ke jan jan.Ilang beses na ba nasita at nasuspinde ang show nyan, iniwan ba sya ng advertisers? di ba hindi? ngayon lang. sinabayan kasi ng pagmamataas ni willie e akala nya advertisers are like ABS na kaya nya . ayan sige lumipad sya ng mataas
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 403  minch

    04/09/2011 | 01:16 PM
    Wag ka ng maraming drama Willy at wag ka nang manisi ng ibang channels! Umalis kna lang sa showbiz industry at manahimik kna!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 402  girdlebun

    04/09/2011 | 01:15 PM
    i just want to say THIS NOT AN EXPLOITATION, the dance number was just a SHWOCASE OF TALENT. Willie DID NOT TELL the child to DANCE like a MACHO DANCER. If there's someone to BLAME it would be the PARENTS and not WILLIE. Natuwa lang si willie dahil BIBBO and bata at GAME. Kung uniyak man ang bata it's because of NERVOUSNESS or PRESSURE from PARENTS. Walang MALI DITO si WILLIE. and hindi ito CHILD ABUSE! masyadong pinapalaki ang issue!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 401  eilselrules

    04/09/2011 | 01:11 PM
    sa mga pro-willie...magkasing ugali kau ni willie...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 400  offshore

    04/09/2011 | 01:06 PM
    try nyo nga i-compare si jan-jan doing his macho dancing na nakita nyo sa willieng-willie while fully clothed and the little girls in tube and short-shorts doing spaghetti ng sex bomb girls. anu ba diperensiya nun? mga moralistang ewan ko sa inyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 399  eilselrules

    04/09/2011 | 01:04 PM
    the issue here is the macho dance of jan jan...wag po nating ilihis sa ibang issue na tapos na 2lad ng ultra stampede na nasa korte pa din...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 398  jaydeen

    04/09/2011 | 01:00 PM
    SISIHIN NYO UNG MAGULANG NG BATA, TINGNAN NIYO ANG VIDEO NA ININTERVIEW NI WILLIE LALO NA ANG TATAY MASYADONG PA DISCOVER AT SIYA PA ANG NGPIPILIT NA PASAYAWIN ANG ANAK NYA...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 397  antonia_jpy

    04/09/2011 | 12:59 PM
    teka ask ko lang pera nya b un pinamimigay nya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 396  paminchever4u

    04/09/2011 | 12:58 PM
    un mga pro-willie dyan for sure ala din kayo galang sa nanay nyo katulad ng idol nyo... un lang!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 395  jaydeen

    04/09/2011 | 12:57 PM
    BAKIT DI NYO TINGNAN ANG IBANG SHOWS? SHOWTIME DIBA MARAMING BATA NA ANG IIKLI NG DAMIT? MAXADO KASI KAUNG THREATENED KAY WILLIE LALO NA ANG ABS....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 394  eilselrules

    04/09/2011 | 12:54 PM
    sa mga ngbubulag bulagan p din...isipin u n lng n pno kya kung ung mga anak u kung meron man ang nsa kalagayan ni jan jan nun...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 393  SpeedOfLight

    04/09/2011 | 12:50 PM
    oo nga, balaimbing na jedraz yan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 392  offshore

    04/09/2011 | 12:48 PM
    377 jed_raz8 April 9, 2011 12:23 PM offshore, kapuso k kc kya gnyan ka.. ikaw ang makitid ang utak. ok lng n pasayawin mo ung bata kung un tlga ang talent nya kso ung paulet ulet n pasayawin xa ng gnun habang 2wang 2wa ang audience at host eh ibang usapan n yan. haizz.. cguro kung sa ABS p rin identified yan c wili eh kuntodo paninira n ggwin mo sa ABS... hahahaha... dmi p rin tlgang nbubulagan d2.. ----------------------nung wowowee pa naalala kita nu puro papuri ka kay willie kahit na nga nangyari yung sa ultra at yung dos-zero controversy. hahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 391  eilselrules

    04/09/2011 | 12:44 PM
    "don't give a person a fish but teach him how to catch fish"....yan dapat ang motto ni willie...wag niyang ipagmayabang n tinutulungan nia ang mahihirap..pano cla aangat kung puro bigay xa ng bigay na parang santa claus...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 390  deevaq

    04/09/2011 | 12:43 PM
    ang galing talaga ng mga abogado ni willie..isa lng to sa mga move nila.next few weeks abangan lng nila..mas lalong maasar ang ABS..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About