news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17417 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 389  fluffysasha

    04/09/2011 | 12:43 PM
    kung last time against ako kay willie nung nag banta sya sa abs na mag reresign sya kung hindi aalisin si jojo, ngayon suportahan kita willie, pinagtutulungan ka nila, madami nakikisakay......MABUHAY KA WILLIE!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 388  jezzdoit

    04/09/2011 | 12:42 PM
    EH, KASI NGA SA KAHIRAPAN NANG MGA NAKARARAMING PINOY KAYA TINATANGKILIK NA LANG ANG SHOW NYA. PERO ANG PINAG-UUSAPAN DITO AY ANG BATANG WALANG MALAY NA PINAULIT-ULIT PANG PINASAYAW NA ALAM NAMAN NYANG YUN AY SAYAW NG ISANG MACHO DANCER. PINASAYAW PA SA ISANG TELESCOPIC PLATFORM, KASABAY NG PALAKPAKAN AT TAWANAN SA ISANG MUSMIOS NA BATANG WALA PANG NALALAMAN. HHHAAAAYYYYY, WILLIE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 387  deevaq

    04/09/2011 | 12:40 PM
    lahat ng live game shows hinde na mag sponsors ang Unilever..hahah all networks..buti nga sa ABS
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 386  mckie

    04/09/2011 | 12:40 PM
    MTRCB should show no mercy on this Brainfart "aka" willie !!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 385  jezzdoit

    04/09/2011 | 12:39 PM
    HINDI MGA TAGA-IBANG BANSA ANG MGA NAG-CO-COMMENT DITO. KARAMIHAN AY MGA PINOY NA NASA PINAS AT NAGBABANTAY.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 384  kunana_met

    04/09/2011 | 12:38 PM
    makakabangon din to after a month..hehehe. lam mo n mas maraming needy! kunting drama on cam..kunting papuri...PERA na! hahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 383  jezzdoit

    04/09/2011 | 12:34 PM
    EH KASI NGA ,SADYANG SI WILLIE LANG ANG GANUN, ABUSO, WALANG BREEDING, HINDI NAG-IISIP AT GINAGAMIT ANG SHOW PARA KUMUHA NANG SIMPATYA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 382  kerie02

    04/09/2011 | 12:32 PM
    kung minahal mo trabaho mo hinde sana nagkaka ganito,ang lesson dto wag maging mataas sa kapwa mo,bagkus ay magpakumbaba..wg mong gawin katatawanan ang mahihirap kc jan ka yumaman sa kanila,sila dn magpapabagsak sau pg hinde ka marunong magdala..gudluck sa laban mo ulit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 381  jezzdoit

    04/09/2011 | 12:31 PM
    aminin na natin, TALAGANG WALANG BREEDING SI WILLIE REVILLAME. HINDI NA NATUTO SA MGA EXPERIENCE NIYA. OO, NGA AT MAY MGA NATUTULUNGAN NGA SYA, PERO MERON DIN SIYANG MGA NAAABUSO AT NAPAPAKINABANGAN SA MGA TAO. SADYANG HINDI NAG-IISIP AT WALANG RESPETO, TULAD NA LANG NG GINAWA NIYA KAY JOHN ESTRADA NA HINIYA NIYA SA KANYANG TV-SHOW, WORLDWIDE. SADYANG WALANG BREEDING.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 380  qazx

    04/09/2011 | 12:31 PM
    masyadong binigyan ng pansin ito dahil si willie ang host un lang... hahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 379  srini

    04/09/2011 | 12:26 PM
    dapat kasi nuon pa tinuruan na to ng leksyon si willie. wowowei days palang ang kabastusan at pang eexploit nito sa mga mahihirap. pati ang mga contestant dinadaya sa mga game show diba dapat nuon pa nag boycott na sila lahat para hindi humaba ang sungay ng taong to? bakit ngayon lang nila gainagawa? kaya di ako masyadong belib dyan sa mga nag pullout ng ads na yan. nuon pa ginagawa yan ni willie no pati nga pandaraya sa mga gameshow ginagawa na din nyan mas masaklap pa kakunchaba nya ang management ng abs cbn.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 378  jed_raz8

    04/09/2011 | 12:23 PM
    offshore, kapuso k kc kya gnyan ka.. ikaw ang makitid ang utak. ok lng n pasayawin mo ung bata kung un tlga ang talent nya kso ung paulet ulet n pasayawin xa ng gnun habang 2wang 2wa ang audience at host eh ibang usapan n yan. haizz.. cguro kung sa ABS p rin identified yan c wili eh kuntodo paninira n ggwin mo sa ABS... hahahaha... dmi p rin tlgang nbubulagan d2..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 377  Qtpnay08

    04/09/2011 | 12:20 PM
    kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo Willie...para kang langaw na nakaapak sa likod ng kalabaw na ang tingin sa sarili ay mas malaki pa sa kalabaw..hoy! gising!!! langaw ka parin..yun nga lang naging aroganteng langaw...hahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 376  dahlagi

    04/09/2011 | 12:20 PM
    mogao, don't worry because majority of the people commenting here are from abraod. tingnan mo pablikbalik ang mga names which made you thnik at first ang dami nag post. wala sila sa pilipinas para tignan ang totoong tao nag nagmamahal kay willie. no matter what we post here, babalik at makakatayo pa rin si willie weather we like it or not.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 375  deevaq

    04/09/2011 | 12:19 PM
    buti nga..pati shows nila hinde namag i-sponsor ang unilever..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 374  kokuryu

    04/09/2011 | 12:18 PM
    bata- ma, gusto kong magballet dancing para maging ballet dancer. 2nd bata- ako gusto magballroom dancing para maging ballroom dancer... 3rd bata- pa, tita, tito, gusto magmacho dancing para maging macho dancer... tama ba ito?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 373  usbfre07

    04/09/2011 | 12:14 PM
    TV5 and Willie are planning to sue blogger John Silva for allegedly calling Revillame and TV5 officials as "pedophiles"...ngayon palang magiipon-ipon kana ng pera pangbayad sa lawyer mo...hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 372  chessgame2002

    04/09/2011 | 12:13 PM
    Kahit sinasayaw yan nung bata sa ibat ibang lugar. Iba pa rin pag nakikita sa TV kasi ginagaya yan ng karamihan. Ang pag sayaw ng Macho Dancer ng isang bata ay considered na child abuse pinilit man sumayaw or hindi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 371  mogao

    04/09/2011 | 12:12 PM
    ngek bakit nawawala comment q? maging patas naman tau wag burahin mag comment, mga negatibong comment lang ba ang pwidi d2? wag nga tau puro inggit at siraan. WAG TAU MAGPAKA CRAB MENTALITY. TOTOO NAMAN NA GINAGAMIT NG MGA BUMABATIKOS KAY WILIE C JAN JAN PARA PABAGSAKIN XA, YAN ANG HIDDEN MOTIVE NILA KAYA HUSGA CILA NG HUSGA E SA SARILI KAYA NILA BAKIT DI NILA TANUNGIN KUNG OK BA GAWA NILA. SOS NAMAN TAU OO, MGA PINOY TLAGA MAHILIG MAKISAWSAW NA WALA SA LUGAW. PWIDI NAMNG PAG USAPAN YAN NG MATINO AT CLOSED DOORS KUNG SINCERELY CILA NA GUSTONG TULUNGAN ANG BATA DAHIL INIISIP NILA NA NAABUSO. SA GINAGAWA NATIN NA PAG EXPOSED KAY JAN JAN SA INTERNET DUN SA VIDEO NYA NA UMIIYAK E MATO TRAUMA UN A KASI UN LANG IN UPLOAD SA INTERNET, DAPAT E UPLOAD NILA MULA UMPISA NA IN INTERVIEW GANG SA MATAPOS MAGSAYAW AT MAGSALITA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 370  itnok

    04/09/2011 | 12:12 PM
    hahaha natawa naman ako kay willie, in fairness totoo mga sinabi niya, yang mga binanggit niyang artista na yan mga holier than thou ang mga yan lalo na yang si jim paredes akala mo kung sinong intellectual -- isa din yan sa mga propagandist ng mga aquino kaya yan tuloy we're stuck with the st00pid president. si lea naman naturingang world class artist kahilig hilig makisawsaw like dun sa away ni kris at ruffa. tapos noon kakatungtong lang ng london nagka british accent na bigla. plastication!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About