news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17198 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 1069  mwah11

    04/12/2011 | 09:40 AM
    anybody with guts like willie could start a show in his own little way and use the sympathy of the people in dire needs to earn more than what he could give back to them in return, be it cash or what have you. The bottomline is "business" pa rin yan at ang masama pa...... panloloko sa mga tao, pinpaniwala nya ang mga tao na good intentions kuno ang mga tulong nya. Always naman bina brag nya ang lahat ng tulong nya sa mga mahihirap at nangangailangan ng tulong nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1068  mwah11

    04/12/2011 | 09:29 AM
    mr. willie revillame,pls. stop being a hypocrite! kung totoo ang pinagsasabi mo na tumutulong ka sa mahihirap, kailangang gawin yan in such a way na talagang galing sa puso hindi lang sana puro satsat. Kasi kung talagang good intentions lahat, hindi na kasi bina brag pa, you just have to do it, nakikita naman yan ng mga tao kung ano ang totoo at kung ano ang ginagamit lang par mag rate ang show mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1067  perlita66

    04/12/2011 | 09:13 AM
    off-air kayo dyan! Tanggalin na forever ang programang Willing Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1066  perlita66

    04/12/2011 | 09:10 AM
    Mas malaki pa kinikita ni Willie, sa mga mahihirap kesa pinamimigay niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1065  perlita66

    04/12/2011 | 09:09 AM
    Naku! Tanggalin na ang show na Willing Willie. Tigilan na paggamit sa mga mahihirap na Filipino. Sinasamantala lang ng show ang kahinaan ng mga mahihirap.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1064  7100

    04/12/2011 | 08:48 AM
    Intention and act are not one and the same. Hindi lahat ng magandang intention ay nauuwi sa magandang gawain lalo na kung pinapairal ang pride at selfishness. Ganyan ang matagal nang nangyayari kay Willie. Kung ang intention ni WR ay makapagpasaya ng tao sa show nya, sorry to say na maraming tao ang nadismaya sa paulit-ulit na pagpapasayaw nya sa bata ala macho dancer. Dapat lang kay WR mag spiritual retreat. May mali sa kanyang mga values.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1063  lala_mulala2011

    04/12/2011 | 08:31 AM
    mas mabuti nga cguro kung magretire k n. wala k nmn ng maiambag n tama s industry..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1062  msrlyn143

    04/12/2011 | 06:40 AM
    sometimes our intentions to help other people will put us into a big and massive humilation from other people... yes willies intentions is really good but then he has to know his limitations allowin the boy to dance in front of the camera cryin' while the people in the audience seems enjoyin what his doin'... simpre as a mother i didnt like it... i felt bad... di mo rin maalis sa mga iban celebreties to act that way... sacrificial lamp ka willie...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1061  aubautista

    04/12/2011 | 04:18 AM
    Itong si Willie Revillame, lagi na lang siyang inaapi pero bakit halos buong industriya ang umaapi sa kanya? Kawawa naman... pero... bakit sinabayan niyang sumayaw yung bata, bakit hindi siya umiiyak na tulad noong bata? Kasi bastos siya... tuwang tuwa siya dahil kaya niyang gawin yung ginagawa noong bata!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1060  remyr12

    04/12/2011 | 03:32 AM
    I doubt if Willie will ever quit showbiz..eh di nawalan siya ng kikitain. Yes, I know mayaman na siya and he has even a building na, etc. etc. But his show and showbiz are easy to get money. Eh di kapag tumigil siya mababawasan ang pera at power niya..no more power tripping for him..of course dehins papayag itong si Willie and will not give this up!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1059  geri_1602

    04/12/2011 | 01:55 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1058  geri_1602

    04/12/2011 | 01:50 AM
    Just interesting to see if TV5 Management is able to curb Willie's arrogance if they directly request Willie to ask forgiveness for his behaviour.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1057  kibitzer

    04/12/2011 | 01:29 AM
    kung sa tingin ni Willie ay walang masama sa pagsayaw ni Jan-Jan, bakit di niya pasayawin ng macho dancing yung anak niya kay Liz at apo niya kay Merril sa kanyang show habang naghuhulog o nagsasabit ng pera ang mga Willie supporters
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1056  misstoe

    04/12/2011 | 12:25 AM
    Number 1055 MOM-IN-NY Tama po kayo diyan, parang sobrang nakakasakit at sobrang personal ang insulto niya kay Agot. Malay ba niya na Agot is baog ang can't have kids..hindi naman personal ang so-called attack sa kanya ng mga artista pero balik niya sobrang personal...atsaka yung sabi niya kay Aiza..magpaka-lalaki ka???? Sobrang below the belt naman iyan, dahil ba Tomboy si Aiza???? Willie is despicable, sobrang yabang ang God-like ang ugali...sabi nga nila the higher and mightier you are the harder you will fall...sana ma-realize iyan ni Willie before it's too late.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1055  mom_in_ny

    04/11/2011 | 11:53 PM
    Willie is self-destructing. His arrogance is not helping him any. He never learns from his mistakes. Does he think he's God, beyond all reproach and criticism? Wake up, dude! Also, his attack on Agot is just plain foul. Just because one doesn't have any kids doesn't mean you can't express your opinion on child welfare. Kung may mali, punahin ang mali. At kung nagkamali ka, aminin mo na nagkamali ka. Willi's arrogance is ridiculous. Sobrang ibang klaseng level! I probably would have sympathized with him a bit if he admitted he was wrong in making Jan-jan dance repeatedly despite his tears and for saying that he's like a little macho dancer. Siguro nga walang malisya sa kanya yun but that still doesnt make it right. I hope Willie realizes that his image is taking a hit, not because ABS-CBN is doing everything in their power to destroy him, but because he never learns from his mistakes. Enough of the arrogance... baka maawa pa mga tao sa kanya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1054  misstoe

    04/11/2011 | 11:02 PM
    Hay bakit kaya naalis yung comment ko wala namang masama..hmmmp..ano ba yan.. KARMA iyan Willie..kasi ikaw kahit ilang beses magkamali hindi ka nagiging humble..parang Diyos ang tingin mo sa sarili mo..na perfect at hindi nagkakamali...tse..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1053  jezzdoit

    04/11/2011 | 10:43 PM
    TAMA KA LIBRA, WALANG MAKIKITANG PAGPAPAKUMBABA SA TAONG YAN NA SI WILLIE. NANLALAIT PA RIN NG MGA TAO NA NAGBIBIOGAY NG OPINION SA NAKITA KAY JAN-JAN,. TULAD NG PANLALAIIT NYA KINA AIZA, LEA, AT AGOT. GINAMIT ANG PROGRAMA PARA BANATAN ANG PAGKATAO NG IBA. MTRCB, DOJ, TV5...PABABAYAAN NYO BA ETO. TV5, PAPAYAG BA KAYO NA MAY GANYANG TAO SA PODER NINYO. GUMISING KA MANNY PANGILINAN.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1052  libra1466

    04/11/2011 | 10:31 PM
    instead of humbling himself, lalo pa nyang itinataas ang sarili nya. how can people lift you uu when you're busy lifting yourself up. people can't reach you anymore. ikaw ang di marunong ng lumaban ng patas Willie, ginagamit mo lagi ang mga mahihirap na tao. Sumagot ka wala kang modo. Parang di ka naturuan ng mabuti ng nanay mo. Kahit ano naman ang gawin mo, di mo makuha ang respeto ng tao sa yo. Yun na lang mga taong nabibili mo at nakikinabang sa yo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1051  dating_kapamilya

    04/11/2011 | 10:28 PM
    Track record ni Willie..... puro kapalpakan, kadayaan, pangaabuso.... remember the Ultra Stamapede.... the Two Million scam...... etc.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1050  dating_kapamilya

    04/11/2011 | 10:27 PM
    Hanggang may mag papa-uto nandyan si Willie. Hanggang may maaabuso nandyan si Willie. Sa mga taong sumasama kay Willie, don't play with fire or you'll get burned.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About