news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17423 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 329  regalbaby

    04/09/2011 | 11:06 AM
    salamat naman sa mga advertisers na nag pull out sa mga ads nila sa Willing Willie. Sana sumunod na po un iba. Tama ang ginawa ng mang inasal, Procter and gamble at uniliver. Naku palagi pa nman ako bumibili ng CDO carne norte, parang ayoko na bumili ulit kc di nila pinull-out ads nila sa willing willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 328  cris1979

    04/09/2011 | 11:05 AM
    ipinamukha pa ni Willie kina JIM paredes at Lea Salonga at sa iba na siya tumutulong ang mga artista hindi! kaloka eh sila matagal na nila inaangat ang bansa natin at maraming pinoy ang proud sa kanila eh sa kanya ewan...mag isip ka muna Willie bago ka magdakdak....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 327  lhes2004

    04/09/2011 | 11:03 AM
    naku! wag kana mgpapaawa pa! BISTADO NA ANG UGALI MO!..NAKAILANG ULIT KA NA BA HUMINGI NG TAWAD SA MGA TAO AT SA MGA NANINIWALA SAU? MAY SILBI BA? WALA DBA?..HIHINGI KA NG TAWAD NGAYON PERO BUKAS GAGAWIN MO ULI!..SANA NGA MAWALA KANA SA SHOWBIZ! HINDI KA NMN MAGANDANG HALIMBAWA SA MGA NANUOD NG SHOW!.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 326  candidness

    04/09/2011 | 11:03 AM
    siguraduhin mo lang mapapanindigan mo yang sinabi mo willie na ung sweldo mo ang ipapam premyo mo. kung nais mo lang talaga makatulong, sana matagal mo na ginawa yan at di mo na iniasa sa mga sponsors. saka kesa andyan ka sa malamig na studio nagpapamudmod ng pera mo, lumabas ka dyan. imbis ikaw ang dinadayo ng tao, ikaw ang pumunta sa mga tao. pumunta ka sa payatas, sa tondo, sa mga rural areas. dun ka mamigay ng pera. wag mo na gamitin ang tv. magpakain ka ng mga nagugutom. magpaaral ka ng mga bata. total naman napakadakila mong mamamayan gaya ng gusto mong ipaniwala samin. wag mo hanapin mga naitulong ng iba. kung bukal sa puso mo pagtulong, wag mo kumpara sarili mo sa kanila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 325  cris1979

    04/09/2011 | 11:01 AM
    sana pag aralan din ng ating gobyerno ang limitasyon sa pagbibigay premyo at padulas sa mga pacontes para nman hindi masyadong umaasa ang iba, para nman lahat ng tao eh malaman kung gaano kahirap kumita at para rin mag sumikap....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 324  cris1979

    04/09/2011 | 10:58 AM
    Willi Revillame, ang isang GINA LOPEZ nga naghihikayat na tumulong sa mga mahihirap tsaka linisin ang ilog pasig tsaka maraming kawang gawa hindi ngyayabang ikaw pa na kelan ka lang yumaman!!! sabi nga ni Aga Muchlac dati nghihiram ka s kanila sasakyan pero ngayon tingin u super taas u na kesa sa kanila...hay naku DONG wag masyado mataas ang lipad kc pag bumagsak ka masyadong masakit....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 323  kokuryu

    04/09/2011 | 10:58 AM
    at eto na lang. ibig mo bang sabihin ok lang na mang bastos ng bata at maging magaspang ang ugali kasi tumutlong naman ako sa mahihirap, kahit na di mo naman talaga pera mo yun at di nanggaling sa sariling mong bulsa ang ipinamimigay mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 322  cris1979

    04/09/2011 | 10:55 AM
    ginagamit ang mga mahihirap na gusto daw siya at siya ang iniidolo bakit kami ay mga mahihirap din nman bakit hindi ka nmin type!!! hahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 321  cris1979

    04/09/2011 | 10:54 AM
    Willie magpahinga ka muna tapos after 10 years bumalik ka sa TV ok na yun pero ang gawin mo muna ay bumalik eskwela para matutunan u ang tamang asal at ihubog u muna sarili u sa mga mgandang pag uugali!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 320  bondat30

    04/09/2011 | 10:54 AM
    mayabang k kasi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 319  yaralei

    04/09/2011 | 10:54 AM
    284 kotse kamo? hindi sa nagmamayabang pero i am still young pero 3x na akong nagpalit ng kotse..dito pangkaraniwan lang as in kahit mower ng lawm mo naka van sila...mga nannies naka kotse eh bakit naman kami naiinggit sa hambog na yan eh nasusunog na ang kaluluwa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 318  cris1979

    04/09/2011 | 10:50 AM
    Willie Revillame...isang taong pikon!!!hambog at mahangin....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 317  cris1979

    04/09/2011 | 10:50 AM
    Willie Revillame wag na wag u pag initan ang ABS dahil hindi ka kawalan sa kanila kaya dont blame them!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 316  puckerlips143

    04/09/2011 | 10:49 AM
    tsk tsk ginamit na Naman ang mahihirap at nagpapaawa effect na Naman dapat Lang siguro bigyan ka ng leksyon ng kahit papano eh tumino ka then pag matino ka na pwede ka ng lumabas sa tv ulit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 315  kunana_met

    04/09/2011 | 10:48 AM
    natural lng n tumulong ka sa bantay bata gaya ng sabi mo willie kasi ABS ang nagbigay sayu ng pera..saka bakit kailangan nilang sabihin kung may naitulong sila sa mga mahihirap..gaya mo b sila n hambog? kung ang sinasabi mo nmn ay ang pagsasayaw ng mga bata sa GOIN BULILIT napakalayu nun sa ginawa mo ke janjan..un sa GB nagsasayaw un bata dahil gusto nila at un ke janjan nagsasayaw nga sya naiyak n un bata pinagtatawanan nyo pa.. haist
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 314  candidness

    04/09/2011 | 10:47 AM
    ang kapal ng muka ni willie sobra! ibang level sa kakapalan. ginagamit ung show sa paglabas ng personal na galit sa mga tao at grupo na pumuna sa kanya. hindi nalang aminin ung kasalanan at magsorry. kung napagtutulungan ka ng maraming tao, magisip ka baka ibig sabihin meron talagang mali sa utak mo. hindi naiinggit ang mga taong un sayo. sino ka ba para kainggitan? kung makatira ka kay agot isidro ng personal na buhay tungkol sa anak kala mo naman napaka dakila mong magulang. pweh! e di ba kaya ka nga dinivorce nung huli mong asawa kasi 1 year old palang ung bata ginugulpi mo na kaya nga nagpalabas sya ng restraining order para di mo sila malapitan kasi monster ka! anong sinasabi mong ung mga nanonood mo ang sumusuporta ng mga produkto, hoy sa tingin mo ba nakakabili ng technomarine ang mga audience mo na lagi mong tinatawag na mahihirap. ang mga produktong yan, wala pa wowowee at willing willie, baka nga hindi ka pa buhay, established na at ginagamit na ng mga tao. walang mawawala sa mundo kung iboboycott k
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 313  kapamilyaito

    04/09/2011 | 10:47 AM
    tsk tsk tsk! this is really sad. less talk less mistake willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 312  machuraka

    04/09/2011 | 10:47 AM
    No 285 alingpaz, hello, dito sa u.s. pangkaraniwan lang ang may kotse anoh? Baka masabihan lang akong mayabang pag sinabi ko sa yo kung ilan ang sasakyan namin dito, lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 311  dahlagi

    04/09/2011 | 10:46 AM
    Mali yata si Christy Fermin when she announced on air that Willie earned 88,000 dollars per day or 2.2 million dollars a month more or less. Ayan madami na ang nakikisawsaw. The typical crab mentality of Filipinos. The masa felt sad but not the high society "kuno" or pretending to be in the AB crowd. MTRCB should resolve this case asap. Whatever happen, masaya ang showbiz news. I bet, Willie's come back will be another big news. Sana may iba naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 310  trubiz2010

    04/09/2011 | 10:45 AM
    hindi ako maka willie pero bakit sobrang bongga ang pagsira sa kanya sa isang bagay na pure katuwaan lamang at ginagawa din sa ibang station but in different forms? Inggit at gusto lang ng publicity? Chaka sinabi lang ni willie na may natutulungan sya hindi kahambugan yon, totoo nga naman, yung iba ba naglalabas ng yaman nila kahit hindi kanila ang pera para makatulong? Move on and work out more serious issues.Ang mali lang ng network siguro di muna tinanong kung ano specifically ang gagawin ng bata sa talent portion. Baka sinabi lang na sasayaw. Pure katuwaan na ginagawa ng Filipino adults sa mga nakakatuwang talent ng bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About