news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17271 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 309  malaya2007

    04/09/2011 | 10:43 AM
    humility shows the amount of knowledge one has on himself.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 308  cris1979

    04/09/2011 | 10:41 AM
    Willie sarado na utak mo dahil ang taas ng tingin u sa sarili u! lahat ng criticism sayo gamitin mo how to improve urself!!! wag kang PIKON....haler!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 307  machuraka

    04/09/2011 | 10:41 AM
    Dun sa nagtanong kung nakatulong na kami ang sagot ko ay yes, may natulungan na kami at patuloy na tinutulungan. I know it's not right to brag about this but since you've asked about it, i was compelled to answer your question. My donations are being deducted automatically from my paycheck and or checking account monthly at yun ay nakakatulong sa mga batang malnourished sa third world countries tulad ng pilipinas. Hindi ko na kailangan ipagsigawan na ako'y tumutulong sa kanino man, got it?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 306  malaya2007

    04/09/2011 | 10:40 AM
    willie needs all the money he can get, after all these sino pa ang tatayo sa tabi nya. he needs all the money to keep his so called friends. Baka pag naubos ang pera nya baka kahit aso di magtitiis bilang kaibigan nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 305  cris1979

    04/09/2011 | 10:40 AM
    sabi ni Willie hindi ko na dapat to sinasabi pero sinasabi ang lahat!!!madakdak na tao tapos namersonal pa sa mga artistang nagbigay lamang ng pansarili nilang opinyon...walang masamang mag bigay opinyon at dun ka kumuha ng idea kung sino ka at anu dapat baguhin sa pag uugali mo!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 304  TFCViewer

    04/09/2011 | 10:39 AM
    Ang hirap sa taong ito hindi matanggap ang pagkakamali....lagi na lang ibang tao ang may kasalanan. Hindi rin humble, habang yumayaman, yumayabang. Wala ring breeding. Kitang-kita sa personal attacks niya sa kapwa artista. Ayaw niyang pinupuna ang mga kilos niya kahit mali na. He doesn't want to take any responsibility sa maling nangyari sa show niya. He's a very bad example ng isang malaking showbiz personality. Sana matuto siyang tumapak sa lupa at totoong maging humble...hindi pakunwari lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 303  kokuryu

    04/09/2011 | 10:38 AM
    ok ka lang ba nguso? una ba't ko naman ipamimigay ang perang di sa akin? hindi ako magnanakaw. anong akala mo sa akin, si robin hood? hahaha. at second, di ba di nga nya pera yun? eh parang kung umasta siya ay galing sa bulsa niya yun, at pinagsisigawan pa on air at sa lahat na siya ang parang pag asa ng bayan? hello ok lang ba ang pag iisip mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 302  cris1979

    04/09/2011 | 10:38 AM
    ang isang WILLIE REVILLAME gusto ilevel ang sarili sa mga royalty people pero hindi naman siya bagay kasi ugaling ewan nman siya!!!kaloka...wag na yan payagan bumalik ng TV kc nagiging hambog at mataas ang tingin sa sarili!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 301  neophyte

    04/09/2011 | 10:37 AM
    Malapit na ang Holy Week-kaya mayroon nang ipinapako sa krus.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 300  cris1979

    04/09/2011 | 10:36 AM
    sabi niya nakaaway niya si joy de leon pero ngayon mag friends na sila ulit ay naku para kay Joy De leon hindi ka niya ka level kasi utak talangka ka!!!hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 299  manunuri1000

    04/09/2011 | 10:36 AM
    Going bulilit may sense kaya tapos makikita mo walng exploitation .. yong ginagwang pasayaw ng paulit ulit tapos meron pang salita na nakakaofend .. ihambing mo nga e compre ect .. kumg magaling ka...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 298  cris1979

    04/09/2011 | 10:35 AM
    inisa isa ni Willie ang mga tinulong nya nakakatawa siya masyadong hambog! kung taos puso kang tumulong wag na ipangalandakan dahil ang mga itinulong u ay galing naman sa mga ng suport ng sayo! kaloka ka! ka lalakeng tao madakdak!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 297  cris1979

    04/09/2011 | 10:33 AM
    Mr. Willie Revillame super hambog mo at ang taas ng tingin mo sa sarili mo! sa tingin mo galing sa bulsa mo lahat ang pinapamudmod mo sa mga tao ang true galing sa mga advertisement!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 296  SpeedOfLight

    04/09/2011 | 10:31 AM
    nguso, kung gagawa ka man ng kabutihan, di na bino-broadcast yun. mga taong ganun, nag-hahanap ng recognition sa mata ng publiko.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 295  luvtaz

    04/09/2011 | 10:30 AM
    marami po kaming namamahal kay willie, yung iba illiterate lang po sa FB, Twetter or computer
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 294  kangusoGMA7

    04/09/2011 | 10:27 AM
    KOKURYU agree ako dyan hindi niya pera ang pinamimigay..........IKAW NAKAGAWA KA NA BA NG PARAAN PARA MAKATULONG SA MGA MAHIHIRAP KAHIT HINDI MO PERA??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 293  zama_jap

    04/09/2011 | 10:26 AM
    sabi nga ni garry valenciano..Di na natutoo..same old thing pa rin ang ginagawa..tsk! tsk! tsk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 292  jacko143

    04/09/2011 | 10:25 AM
    kahit ano sabihin nyo mabuhay si willie revillame
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 291  luvtaz

    04/09/2011 | 10:25 AM
    mga sawsawero sawsawera maging happy nalang kayo sa fame at wealth ni willie kasi nakakatulong naman sya..lalo na sa mga katulad kong mahirap, bitterness sa buhay alis dyan..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 290  xxxhelishaxxx

    04/09/2011 | 10:23 AM
    I agree with you malaya2007. Feeling ko yung pananakot ni willie na yon, naka-apekto sa kanya at decision ng sponsors nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About