news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17287 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 289  kokuryu

    04/09/2011 | 10:22 AM
    ikaw may natulungan ka na ba? at binibilang mo ba ang tinulong mo? at sinusumbat mo ba ang tinulong mo? i may not be as rich as willie, but at least i do give my share at di me nang aapak ng tao. at hello, di niya pera ang binibigay niya dun sa show niya, sa advertisers. at hello, he earns 3 million a day. magkano ba ang binibigay niya sa mga contestants? at magkano dun galing sa sarili niyang bulsa?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 288  kangusoGMA7

    04/09/2011 | 10:20 AM
    BOSSING AKO............. alam ang pagkakaiba ng INTENTION at ACCIDENT???? kasi mukhang hindi hahahaahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 287  alingpaz

    04/09/2011 | 10:20 AM
    Wag nyo namang husgahan si Kuya Willie. Sya na yata ang isa sa pinaka pilantropo at pinakadakilang tao dito sa Pilipinas. Yung mga walang naitulong dyan sa kapwa, magsitigil kayo sa paninira sa kanya. Inngit lang kayo sa mga kotse at yate ng Kuya Willie ko. Kahit kelan hindi kayo magkakaroon nun, noh? hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 286  machuraka

    04/09/2011 | 10:19 AM
    hay nako, itong si willie, tumatanda pero walang pinagkakatandaan. Mas lalo lang niyang pinararami ang kaaway niya dahil sa kakitiran ng utak niya eh. Marami naman dyan na mababa lang ang pinag-aralan pero hindi naman tulad niya na arrogant, tackless at hambog.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 285  kangusoGMA7

    04/09/2011 | 10:19 AM
    i wonder kung ang situation ay nangyari sa EAT BALUGA??? hahahaahahaahahahaaha alam ko na isasagot ng EAT BALUGA fans hinding hindi mangyayari yan sa show nila..........THATS HOW FILIPINO ANSWER A QUESTION...........INDIRECTLY hahahaahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 284  xxxhelishaxxx

    04/09/2011 | 10:18 AM
    Ang Eat Bulaga nagbibigay din ng pera pero bakit hindi sila katulad mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 283  goFight123

    04/09/2011 | 10:17 AM
    hala bakit mga ganun kayo mga critics ni wellie insecure ba kayo or what???bakit mali lang ni wellie nakikita nyo why not seeing those good things he had done..... manood po kayo ng willing wellie everyday para makita nyo mga mahihirap na nangangailangan sa kanya...... kung ayaw nyo naman sa kanya magtigil na lang kayo..mind your own life...ask ko lang po may natulungan na ba kayo???THINK...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 282  franzky73

    04/09/2011 | 10:16 AM
    Dapat palitan na si Willie.. Si aga na Lang o si richard Lol... Paging tv5...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 281  bossing_ako

    04/09/2011 | 10:16 AM
    tanong ko lang po...ano kaya kung sa WOWOWEE at nasa channel 2 pa si Willie at nangyari ang JAN-JAN incident na eto..?? Tingin nyo ba aabot din sa ganitong sitwasyon?? Kasi hanggang ngayon wala man lang NANAGOT sa ULTRA STAMPEDE gayong 71 ang namatay...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 280  SpeedOfLight

    04/09/2011 | 10:15 AM
    pag-balik ng willing willie, sa hating gabi na timeslot. haha....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 279  kangusoGMA7

    04/09/2011 | 10:14 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 278  malaya2007

    04/09/2011 | 10:14 AM
    i dont think na umalis ang advertisers dahil lang sa e-mail at tawag sa main branch nila. Nakatulong din dyan yung paghamon ni willie sa kanila na pag nagpull out sila iboboycott sila ng fans on live tv. Bussiness wise di mo dapat ginagawa ang mga bagay na yan lalo na sa harap ng consumers nagmumukhang weak ang brand.Probabaly kung hindi nya ginawa yun kahit isang milyon pa ang tawag at e mail na yan di sya iiwan ng advertisers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 277  kokuryu

    04/09/2011 | 10:14 AM
    oo nga parang mga pangkanto lang... hahaha... really, kung if you really think this over, maling mali si willie in so many levels. kaya lang kung fanatic k, kahit ano pa ang gawin at sabihin ng idolo mo, eh go lang ng go. hello, my fans nga si hitler at charles manson, si willie pa kaya? hehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 276  nagpapakatotoolang

    04/09/2011 | 10:10 AM
    kakatawa depensa ng mga bayarang fans ni Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 275  mpemason

    04/09/2011 | 10:08 AM
    stick to the issue willie. nagpakawala ka na naman ng mga statements na di mo pinag iisipan, ginawa mo na namang obvious ang pagkabobo mo. pinersonal mo naman yung mga artistang nag share ng opinion nila. kahit tomboy si aiza, walang anak si agot, etc. etc. my respect still goes with them kasi alam pa rin nila ang tama at mali. ikaw naku wala kang ganun, ang meron ka yabang at sobrang bilib sa sarili na feeling di na dapat punahin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 274  kangusoGMA7

    04/09/2011 | 10:05 AM
    2002 ng saibihin ni JOEY DE LEON ang word na FELLATIO meaning suk my peeeniiss sa isang contest ng mga bata at sa harap pa ng TV nita sinabi ito...walang nagagalit at walang tumitira kay joey at wala ring imbestigasyon na nagyari from MTRCB.. namimili ba mga filipino kung sino dapat tinitira??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 273  princeton_nj

    04/09/2011 | 10:05 AM
    sana hindi na maulit..na mangyayari lang kung tuluyan na di babalik si willie sa tv..ngayon ko lang napanood si jan-jan - unmiiyak habang pinagtatawanan at nilalait ni willie revillame live...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 272  nagpapakatotoolang

    04/09/2011 | 10:03 AM
    madaming magulang, tito at tita na ignorante at di nila alam na exploited na mga anak nila. The state should watch out for the rights of the child if the relatives are intelectualy incapable of protecting the child. Problema sa mga ganyang magulang, bigyan mo lang ng 10K eh kahit anong pagawa mo sa anak nila ay ok lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 271  xxxhelishaxxx

    04/09/2011 | 10:01 AM
    OO may naitulong kami sa kapwa namin...pero di naman namin kailangan gamitin ang mahihirap para lang magpayaman at kumuha ng simpatya ng tao. Sa totoo lang ha, mas malaki ang bnigay na pera ng mahihirap k willie kesa sa naibigay nya sa mga mahihirap na sinasabi nya. User itong willie atlaging pinagmamalaki yung natulungan nya. Ang yabang sobra! Puro pera ang nasa utak! Walang moralidad!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 270  teenette16

    04/09/2011 | 10:01 AM
    at ikaw ano nagawa mo. dahil sa pagakit mo sa mga tao sa pera pera mo, maraming namatay sa stampede, yan ang pinakamatinding impact na nagawa mo at magagawa mo pa kung di ka titigil sa kalokohan mo. you are manipulating peoples emotions to keep your audience na pareho mo rin ang mentality, thrash kind of entertainment. kung tinitira ka ng mga respected artist ng bayan e magisip isip ka na nga....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About