news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17643 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 269  malaya2007

    04/09/2011 | 10:00 AM
    di ba ang isang animal pag nasusukol na lahat sinusugod para lang masurvive. Ayan si willie inaaway na lahat advertisers, artista,sa tingin nyo kahit makasurvive si willie dito ano pa ang meron sya bukod sa pera at bagay at kaibigan na nabibili ng pera.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 268  manunuri1000

    04/09/2011 | 10:00 AM
    Dapat sa kanya wag namg bigyan ng show kasi hi ndi na nadala tinira pa pati mga artista naku po... walang modo tong taong to
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 267  lilac0808

    04/09/2011 | 09:59 AM
    ang saya kaya ng idol ko kanina... hahaha kung nakita mo lang kung gaano siya ka alive maghost.. naku sasabihen mong walang pinagdadaanan si idol. hehehh kaya nga cool lang mga supporters niya kasi alam nilang kaya ni willie.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 266  jezzdoit

    04/09/2011 | 09:59 AM
    wala talagang breeding, kulang pa sa kaalaman. tignan nyio na lang yung ginawa nya jay john estrada. kumukuha sya nang simpatya ng viewers nya,habang nanlalait sa kanyang show.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 265  burberry03

    04/09/2011 | 09:58 AM
    naku naman mga teh at kuya im not willie supporter, have u seen the whole episode po ba? natakot yung bata kay balingit and siguro naman nabasa nyo naman yung pahayag nung parents and ung tito and tita nya diba...u should watch goin bulilit mas malala pa yung mga pinag-gagawa ng mga bata dun..dapat talaga maging fair ang lahat...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 264  manunuri1000

    04/09/2011 | 09:58 AM
    Ang masasabi ko lang kasi hambog ka masyado mong ipagkalandakan sa boung munda na tumutolong ka sa mahihirap pera na naman yan nag mag sponsor di nag kita nakikita napumupunta sa home for the aged o kaya sa mga batang na nasa orphanage. Gusto mo tutulong pag meron spotlight na nagpapatunay na hambog ka wellie. ito na yong downfull kasi masyado kang hambog dont make mahihirap an excuses kasi maraming mahihirap na hate sayo kasi sa mga ginagawa mo sa TV na talagang walang kang. Bakit naman maiinggit ang mga artista sayo sino ka ba para ka ingitan you sick wellie nakakahiya ka umayos ka nga dapat nagbago kana kasi lesson learn mo na sa ABS pang ilang chance mo na at sa TV5 new beginning na sana kaso may mali naman di kana nadala hay naku kung wala kang di mo sana pina ulit2x pa tana man yong 2 basis ayan tuloy an daming nagreact syempre napapangita sila sa pinapaood nila parang exploitation kita mo nahihiya na yong bata kaya umiiyak. Magbago ka na aminin mo ang mga pagkakamali mo di yong feeling mo na hari ka
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 263  jacko143

    04/09/2011 | 09:57 AM
    tuloy pa rin ang sweldo ni willie sa two weeks kasi naka taped na sila hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 262  sipsip

    04/09/2011 | 09:56 AM
    nah,boring na dito. balik na lang ako after 2 weeks para mamikon. doon na ako sa pinoy exchange. exciting doon. Umiyak ba si idol mo kanina.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 261  jacko143

    04/09/2011 | 09:54 AM
    akala ko mawawala ng dalawang linggo yun pala hindi lang live ng dalawang lingo eh di hindi pa rin mawawala mas maganda itong ginawa ni willie kaysa masuspende sya ng mtrcb mautak talaga si willie
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 260  susee12

    04/09/2011 | 09:54 AM
    ang bastos na nilalang talaga naman! nang mag-shower ng breeding ang langit, natutulog ang isang willie revillame sa kangkungan. ang mga inatakeng artista at celebs ay mga taong may mga napatunayan na at mga may mga pinag-aralan pa. advertisers please mamili naman kayo ng paglalagyan nyo ng intong ads! grabe! hmp ang puso ko! Diyos mio!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 259  lilac0808

    04/09/2011 | 09:52 AM
    Round one sana talo kaagad si Willie, nasupalpal lang iyong 3 board member ... hehehe galing galing ni attorney, di nakapagsalita iyong presiding officer.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 258  sipsip

    04/09/2011 | 09:51 AM
    tralalala- And now, the end is here And so I face the final curtain . . tralala. . My friends I'll say it clear I'll state my case of which I'm certain. tralalala
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 257  lilac0808

    04/09/2011 | 09:50 AM
    good at least napasaya ka ni Willie sipsip... hehehe. After two weeks tataas na naman blood pressure mo kay Willie... hehehe!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 256  kibitzer

    04/09/2011 | 09:50 AM
    Willie supporters - Cristy, Anabel, Lolit, DJ Mo,, what good do you expect?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 255  mpemason

    04/09/2011 | 09:49 AM
    willie's morals are so low, or i should say wala siya non, so don't expect that he will recognized his mistake. bilis mong magsalita, mabagal kang mag-isip, wala ka kasing isip eh. tol di mo naman pera yung pinamimigay mo, feeling mo naman ikaw ang nagbibigay. YABANG MO TALAGA!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 254  Cloud_7

    04/09/2011 | 09:48 AM
    OMG, ang haba ng sinabi mo. Why do you keep on ranting, Mr. Revillame? Bakit ba kailangan ipagsabi sa buong mundo ang pagtulog mo? Ako kahit di milyonaryo or bilyonaryo , alam ng Diyos kung ano ang ginagawa kong tulong sa kapwa tao, hindi man sa financial na paraan kasi wala naman akong yaman na gaya mo, pero it is between my God and me na lang yon. Di ko na ipaalam pa sa buong mundo. I dare you to donate all the money, I mean ALL, that you received from the time you started hosting a variety show....plus all the future earnings to all the people that need help. Baka magpasalamat pa ako sa 'yo. Stop ranting, nakakasuya na ang monologue mo. It sounds like the voice of a man in great distress, desparate ka na talaga.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 253  kokuryu

    04/09/2011 | 09:47 AM
    di na nakapagtataka na ang mga supporters nya ay kagay rin ng ugali nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 252  sipsip

    04/09/2011 | 09:47 AM
    lilac dear, hatol o wala, ang saya saya ko na. tingnan mo na lang ang pics sa taas, yong mukha nya parang natatae na
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 251  lilac0808

    04/09/2011 | 09:45 AM
    at saka , tukoy na ng tv5 si john Silva, in truth tinawagan na siya at kinuha ang panig niya, hinde siya fictitious na account.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 250  lilac0808

    04/09/2011 | 09:41 AM
    huwag kang mag alala may paraan para ma trace up ang sino mang gumagamit ng account pag may libel case... madaming expert diyan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About