news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17370 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 249  nagpapakatotoolang

    04/09/2011 | 09:40 AM
    Walang problema kung sumayaw yung bata ng macho dancer pero yung paulit-ulit na pinasayaw at sinabihan pa ng 'yan si Jan Jan bata palang marunong na kumita ng pera'. So nag-pro-promote siya ng prostitution? Nakakapanood ako ng mga batang medyo malaswa sumayaw sa TV pero never akong nakakita ng pinagmukhang macho dancer at BINAYARAN pa! WOW!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 248  jagjof

    04/09/2011 | 09:40 AM
    sana isang araw magising na din si willie revillame na yung binigay sa kanyang kapangyarihan eh temporary lang. dumating sana ang panahon na makilala nya ang Diyos at gamitin ang binigay sa kanyang talento sa pagtulong sa kapwa na may sinseridad at pagpupuri sa Diyos.....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 247  SpeedOfLight

    04/09/2011 | 09:38 AM
    john silva, another ficticious character and account. haha....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 246  lilac0808

    04/09/2011 | 09:35 AM
    sipsip huwag ka munang matuwa wala pang hatol ..hehe kahapon sana kung naging fair lang iyong 3 board member di sana may party na kayo, kaso nabuking kaya ayun na delay tuloy ang party mo. At saka, 2 weeks lang ang saya niyo kasi babalik pa naman si Willie ..hehehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 245  jagjof

    04/09/2011 | 09:33 AM
    kita mo ang katuwiran ng iba dito na bulag na taga-sunod ni Willie, dahil naghihirap na daw ang ating bansa eh dapat huwag nang pansinin ang ginawang mali ni Willie....ganitong-ganito ang mga katwiran ng mga umiidolo sa isang kulto. hindi makita ang kamalian ng kanilang propeta. ibig sabihn kahit pa anong gawing kasalanan ni willie eh hindi dapat pansinin at ibunton sa iba ang kasalanan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 244  lilac0808

    04/09/2011 | 09:33 AM
    Sample pa lang si John Silva sa kakasuhan lets see kung anong mangyayari dito. Ngayon pa lang siguro na narinig niyang kakasuhan siya ay sumakit na ang ulo... hahaha ... time, effort, money kailangan ngayon ni Silva sana matulungan niyo siya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 243  sipsip

    04/09/2011 | 09:32 AM
    psst, lilac0808... musta na ang puso mo. di ba sabi mo babalikan mo ako. ako na ang bumalik sa iyo. Sabi nga wag magsalita ng patapos kasi bumabalik yan sa iyo. gusto kitang pasayahin kaya mag I LUV you willie na lang ako kasama ang rolling eyes LOL. E blowout kita ng mang inasal
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 242  nagpapakatotoolang

    04/09/2011 | 09:32 AM
    Yang ang problem kay Revillame, walang pagpapakumbaba. Kung sa umpisa palang ay humingi na siya ng paumanhin, sana di na lumaki ang issue. Sobra na kasing yabang ng taong ito, lahat naman ng audience niya ay habol lang ang pinamumudmod niyang pera. tanggalin niya ang mga segment niya na nagbibigay siya ng pera, tignan natin kung may manonood pa ng show niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 241  tweeniecinco

    04/09/2011 | 09:31 AM
    Hay naku willie there's nothing wrong helping the poor...what's wrong is your attitude.admittedly lahat tayo nagkakamali but since you're on TV and thousands of people are watching you, dapat lang na maging careful ka a lahat ng pinaggagawa at pinagsasabi mo.the media is a very powerful medium, it can educate and miseducate.tawagin mo ba namang burlesk king ang isang 6-year old na bata at paulit ulit pa ang pagpapasayaw sa kanya?you have control over the show my goodness!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 240  red_radiance

    04/09/2011 | 09:31 AM
    sana mawala na ng tuluyan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 239  SpeedOfLight

    04/09/2011 | 09:31 AM
    tatakbong senador yan sa 2013. lagot ang abs-cbn. lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 238  Gabong_ilong

    04/09/2011 | 09:29 AM
    We have seen this over and over again. We should not expect Willie to be remorseful. His reactions are very typical for a person who is under fire. This is a very good lesson learned for all of us. As a Christian, I would just probably give him time to think things over and to weigh things out. I will leave everything to our Lord. He would get his comeuppance for his misbehavior in God's time.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 237  juaning1975

    04/09/2011 | 09:28 AM
    wala na itong taong ito..di na alam ang salitang pagpapakumbaba at respeto. masyado nang nalunod sa dami ng pera..lahat ng sinabi nya baluktot eh. tama na ang paggagamit sa mahihirap please..di pa rin nya naiisip na kung nalulusutan nya yung mga pagkakamali nya nung una yun ay dahil alam ng Diyos na pwede pa rin syang magbago..eto na sana ang pagkakataon na magmuni-muni sya..di na nya alam kung ano ang tama at mali eh..yung paulit-ulit na pasayawin yung bata ng malaswa sobrang foul na yun. sana payuhan sya ng kanyang advisers ng tama at hinde para lalong gatungan pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 236  matty29

    04/09/2011 | 09:26 AM
    Fill me in please, kala ko everything is good with Willie now... Am I missing something here?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 235  matty29

    04/09/2011 | 09:25 AM
    What is all this fuss about? I'm confused!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 234  starqueen

    04/09/2011 | 09:25 AM
    camcam123 on 223 - I think dito malalaman ni Willie kung sino ang tunay na mga kaibigan niya. Pero before these people come rushing in and expressing their devotion and loyalty - they need to think if being associated with him is worth the mud that comes with it. They all chose to be public figures - in politics and show business. Their credibility and reputation is defined by the public's perception. Sa ngayon - I dont think Willie has that positive pull with him. Those sponsors are in it for the money their products bring in. Clearly - napulsuhan nila ang sentiments ng tao - kaya hayun - abandon ship ang dating. Cant blame them - its just business and Willie is not the only one there is who can peddle their products.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 233  kokuryu

    04/09/2011 | 09:25 AM
    hahaha kung ipakulong niya lahat ng mga taong nagsasabi sa kanya ng masasama, baka hindi makakayanan ng mga jails dito. hehehe. whoa marcos ikaw ba yan? nabuhay sa katauhan ni willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 232  maldita_79

    04/09/2011 | 09:24 AM
    tama c willie..naghihirap na ang ating bansa, willing-willie pa ang binibigyan ng pansin ng mga taong ito. so funny!!! maraming naiinggit kc kay wil kaya gumagawa ng story ung iba jan., makisawsaw pa yung iba para umingay ang mga pangalan..ano ba yan? Go willie,,maraming kaming supporters mo, di ka nga-iisa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 231  4lifeakoabs

    04/09/2011 | 09:23 AM
    why not just accept your fault. kita naman sa video na pinagtawanan at pinaglaruan ang bata. ilan beses mo sya pinasayaw and pinasayaw pa sa center stage na umaangat ang floor with matching girls na nakapalibot sa bata na parang mga nasa club at di magkan ugaga. yung halakhak mo lang and the people around the boy ay very much insulting na... wag maging mayabang.. Just be humble and you will be simple.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 230  dakilangina

    04/09/2011 | 09:20 AM
    Kakatuwa naman....... dami negative..... at dami names..... pero it seems na isang tao lang ito. Kahit anong gawin ninyo, marami pa ring nagmamahal ke WR at ang kasiyahang ibinibigay niya hindi ninyo kayang tapatan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About