news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17498 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 189  jagjof

    04/09/2011 | 08:16 AM
    Ano kamo Willie magpakalalaki si Aiza? Bakit homophobic ka ba? Para sa iyong information mas nagpakaka-lalaki sa iyo si Aiza! May lakas ng loob siyang lumaban sa isang BULAANG PROPETA na tulad mo!!!!..................................... Tinanong mo pa ang ilang artista na kung may nagawa sila sa mahihirap...Oo maaring wala silang nagawa, pero atleast hindi sila nanloloko ng mahihirap na tulad mo para sa sarili nilang kapakanan!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 188  sadik1

    04/09/2011 | 08:13 AM
    looks who's talking,ginagamit ni willie ang show niya para ipagtanngol ang show niya parang hindi parehas.saan ba naggaling ang pera ni willie kundi sa mga mahihirap,barya lang ang ibinabahagi niya,kayong mga mahihirap na sinasabi niya ang naging kasangkapan njya. magsigising kayo,kaya lang nakapagsasalita si willie ng ganyan dahil may pera siyang pambayad sa abogado,history repeat itself,masa huwag kayong magpagamit kay willie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 187  boloboy1000_diva

    04/09/2011 | 08:12 AM
    Buti nga syo, mayabang k kc... akala mo lht kyan mong lusutan. Tama yun isa d2 ky nga tao matanda s bata ay para ipaalam s bata qn alin ang tama at mali... Ala nmn masama qn yun ang talent but does he need to asked d kid to do it over and over again, at tumatawa kp..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 186  nadriamez

    04/09/2011 | 08:12 AM
    Willie, why look at the past mishaps and achievements? Stick to the issue at hand. People who bashed you on Twitter are all well-educated people. That is the big difference between them and you. Like you entitled to freedom of expression on National TV, same freedom applies to all, in any medium. Stop this GOD COMPLEX of yours. You better quit showbiz.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  dadi37

    04/09/2011 | 08:09 AM
    proud and arrogant...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  HornBlower

    04/09/2011 | 08:07 AM
    At hindi mo rin ba nakikita na ginagamit lang ni Willie ang MAHIHITAP para siya magkaroon ng milyones? Business wise, sabi nga nila mas magandang magtayo ng tindahan sa mga may mga tao na ang pamumuhay ay nasa average or below average lamang dahil nariyan daw ang malaking kita. So namumuhan din lang si Willie Revillame na ang gamit na puhunan ay ang mga kapuspalad nating mga kababayan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 183  dadi37

    04/09/2011 | 08:07 AM
    the most hypocrite person in the world...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182  starqueen

    04/09/2011 | 08:06 AM
    cont - constantly claimed to be helping. Willie - gising na gising na ang bayan sa style mo. Luma na iyan. Spare this country of your trash - marami ka ng pera - please retire permanently from the industry.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 181  strawberry5

    04/09/2011 | 08:06 AM
    TV 5's picking up the cudgels for Willie is a wrong move! It just shows that this station is bent on tolerating Willie's antics to the point of forgetting that a station has the moral obligation towards its viewers! Ban Willie for good---that should have been the right reaction! After all, Willie is not the only one who can run a variety show. Remove that name Willie from the title and take in another host to run the show! If TV 5 will do this, it can earn back the trust and patronage of a lot of people! If this is tolerated, Willie is bound to commit other bigger blunders since he never learns from his past shenanigans!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 180  dadi37

    04/09/2011 | 08:06 AM
    puso daw nya nasa mahihirap....lame
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 179  galore

    04/09/2011 | 08:05 AM
    tumulong ka na ikaw lang ang nakakaalam at ang Diyos. hindi sa harap ng kamera o sa harap ng maraming tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 178  MrSuperxxx73

    04/09/2011 | 08:05 AM
    May PUNTO rin si WILLIE about sa GOIN BULILIT. May mga situation minsan doon na very adult yung topic. Its should be done by adults only. Dapat FAIR lahat para walang masabi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 177  182395

    04/09/2011 | 08:02 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 176  HornBlower

    04/09/2011 | 08:01 AM
    161 kung mag comment ka sa mahihirap nating kapwa ay para bagang lahat ng MAHIHIRAP ay inaasa na lang sa gameshow ang pag-unlad ng kanilang buhay. Nadamay pa man din si presidente dito. Ang ibig lang sabihin kasi dito pag MALI ang BATA dapat itinaTAMA ng mga MATATANDA. Kaya nga tayo nagkakaMALI dahil hindi nga tayo SANTO kaya nga may BATAS na dapat sundin kapag nagkaMALI tayo. Kung SANTO tayong lahat eh di hindi na natin kailangan ng BATAS para iTAMA tayo dahil nga SANTO tayo na hindi na nagkakaMALI.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 175  starqueen

    04/09/2011 | 08:00 AM
    Once and for all - someone with the right size of b alls should finish off the career of this man. Tama na - the country does not deserve to suffer and go through all these everytime he does something wrong. I can compare Willie with the bomba pictures era of the industry. When it came out - every adult was interested and enjoyed it. Producers loved it - because it was bringing in money. Pero when they banned and removed it - di ba the very best movies from the industry came out in the 70s and 80s - think Lino B, Ishmael Bernal,etc. What I am saying is - the industry will survive and even do better without this man. Truly - is there anyone from the bomba pic era whom we miss-talent wise? Ganyan din - when Willie and his brand of TV entertainment would end. Surely giving away money to the needy can be done someone who has more scruples than this man. Sabi ko nga noon pa - maski poste pupuntahan ng tao kung lumuluwa ito ng pera.You dont need a man who constantly insults the very people he has always claimed to
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 174  galore

    04/09/2011 | 07:59 AM
    isa ka sa dahilan kaya marami ang naghihirap sa Pilipinas. bakit kailangan mo idahilan ang mahihirap sa Pilipinas alam namin na alam mo na mas malaki ang pakinabang mo. nagkakamal ka ng milyon at sa ngayon ipinagyayabang ng mga tao sa paligid mo na bilyon ang pera mo. hindi mo ito ginagawa ng libre at ang inaabot mo sa tao ay hindi galing sayo ito kundi sa mga advertiser na nagbabayad sayo para sa promotion ng kanilang produkto. binibili mo ang loyalty ng mga mahihirap sa kakaunting barya na inaabot mo. ipinagyayabang mo ang inabot mo sa mahihirap na hindi naman galing sa yo. imbes na turuan mo ang mga tao na maghanapbuhay at paunlarin ang pamumuhay. ang itinuturo mo ay pumila sa labas ng studio mo at manghingi. tinuturan mo ang mga mahihirap na maging pulubi at umasa sa karampot na barya na pwede nilang makuha sa kapag sila ay pumalakpak sayo at makihiyaw sa mga sinasabi maging tama man ito o mali. at sa pagkakataong ito mali ka. matuto ka tumangap na marami ka nang pagkakamali at kami ay napipika na. ayaw
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 173  littlemarie

    04/09/2011 | 07:59 AM
    Ay KARMA talaga! SUPER YABANG ksi!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 172  Neverhearty88

    04/09/2011 | 07:58 AM
    kung makikita nyo bahay nyan sa qc. hindi kayo maaawa jan. sangkaterba kotse nya! aanhin nya kaya un? yung mga supporters niya pumunta kayo sa subdivision nila. customer kasi namin kapitbahay nila. yung may ari ng baliwag transit grabe nakahilera mga luxury vehicles sa paligid ng bahay my god!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 171  4lifeakoabs

    04/09/2011 | 07:56 AM
    bitter naman willie na ito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 170  strawberry5

    04/09/2011 | 07:54 AM
    Ang itinutulong kuno ni Willie, hindi galing sa bulsa niya. Ang binibigyan niya nang sariling pera niya ay ang mga press people na kumakapit dahil binibiyayaan niya. Kung titigilan ni Willie ang pag bibigay ng pera sa mga press people na kampi sa kaniya, sa tingin ba ninyo, ipagtatanggo pa siya? Natural hindi! Kahit noong mahirap pa sa daga si Willie, mayabang na, ngayon pa kaya na may pera na siya? Tumutulong yan pero may kapalit...ang tumutulong, di na kailangang ianunsiyo...tumulong na lang ng tahimik! Walang breeding si Willie sa totoo lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About