news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17651 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 169  starqueen

    04/09/2011 | 07:51 AM
    Wow- his attacks on Agot Isidro and Aiza Seguerra are below the belt. Grabe - just because Agot does not have kids does not mean she cannot be compassionate with this situation. Does he mean that women who have fertility issues do not have the right to be concern as far as children are concerned? And to ridicule Aiza for the choice she made as far as gender issues are concerned - grabe. I never like you Willie - but so far - instead of winning points and correcting the issue - you just opened a new can of worms. Talagang bastos ka. You dare compare yourself with Jim Paredes and Leah Salonga - over what - over your monetary contribution? Kapal mo- when people talk about the entertainment industry - the names of these people are up there on a pedestal. Ikaw - forever nasa kangkungan at nasa basurahan ang pangalan mo. Ang galing mo ring pumili ng kakalabanin - these people wont go down to your level. They have breeding and have more to lose than you do. Willie hindi lahat ng bagay sa mundo masusukat ng pera.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 168  HornBlower

    04/09/2011 | 07:50 AM
    Sa tingin ninyo kaya nagugutom sina Jan Jan para ipagpalit nila ang kanilang dignidad sa sampung libong piso lamang. Ang ama nito meron daw parlor ang damit nila magagara at mukha namang hindi hirap na hirap at naghihikahos sa pamumuhay ang pamilyang ito. Bakit kailangang itolerate ang MALI for 10K? Gamit lang ni Willie ang salitang MAHIRAP at gamit din lang talaga ang MAHIHIRAP to exploit their kahirapan at gamitin sa pansariling kapakanan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 167  strawberry5

    04/09/2011 | 07:50 AM
    Si Willie, hinahabol ng malas. Palibhasa mayabang and uses public service kuno para lang mapagpatuloy niya ang mga kabastusan niya on air. Ang ibang press people naman panay ang defensa sa kaniya, tulad ni Cristy Fermin, kasi may katumbas na datung. Ang magulang ng bata, siyempre pa kampi kay Willie dahil naambunan ng pera. Pero kahit anong gawin ni Willie at ng TV5, overboard ang ginawa nila sa bata! Dapat lang na mag alisan ang mga advertisers! Dapat nga huwag nang bigyan na tv program yang si Willie! Pagbakasyunin na nang tuluyan...para magtanda yan! Imbes na maging humble at mag apologize...pinagtatanggol pa ang ginawa niya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 166  ny_2009

    04/09/2011 | 07:49 AM
    yan ang problema sayo willie, ikaw yata ang manggagamit sa mga manghihirap. ang dami mong excuse, gustong tumulong sa mahihirap, eh di tumulong ka. di kailangan ipagmalaki dyan sa studio mo kng mahihirap talaga ang gusto mong tulungan... did you all notice everytime may ganitong insidenti ang mahihirap ang ginagamit nya? ang problema kay willie hindi marunong magpakumbaba, feeling righteous all the time.. At saka wala na ba talagang rights ang lahat ng tao dyan na pwedeng magsabi sa opinyon nila sa kong anong mali na nagawa nya? hello willie, you know yourself that you are waaaaaaay far than perfect kaya be humble.. Can you all imagine kng sya tatakbo ng presidente? hala kawawa ang pinas nyan, magiging controlling sa lahat ng tao ito... willie you don't even have to think twice kong gusto mo pa ba sa industriya babalik kasi people never think twice to even like you at all.. Halos lahat ayaw na sa iyo kaya mahiya ka naman, magresign ka na forever at wala na maghahanap sa iyo... Bakit hindi ka tumulong sa mga
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 165  ligaw101

    04/09/2011 | 07:37 AM
    D ako mka Willie, pero sobra nman yung mga nkiusap n wag n suportahan c Willie! Khit mayabang cya, marami yN natulungan. Parang akala m nman mabibigay nila ang binbgay n Willie. Khit p magkno lng yun, pag kumkalam n sikmura mo sa GUTOM ok n rin. Mga Tao d2 kla mo mg2ling. D kc nagugutom. Kesyo wag ipagplit dignidad sa 10 libo. Lol! Kayo b kumkalam sikmura??? Bkit kya nyo b mgbgay ng 10 libo sa mahihirap? Maganda lng pkingan. Ipaglban ang tama! D kc tyo ang naghihirap. Yung mga pumipila dun n khit konting grasya lng. O pag asa n mbgo ang buhay nila, ano gagawin nila? Mgtrabaho? Kya nga mrami nag abroad kc wla trabaho sa pilipinas! Sa amerika nga khit tga punas k ng p w e t ok na. Maling umasa sa game show? San k aaasa? Sa presidenteng wala ng inatupag kundi makipag date? Willie is not a hero! Marami cya Mali? Bkit Santo b tayo? Sana lng yung mga Tao, wag feeling malinis!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 164  dadi37

    04/09/2011 | 07:35 AM
    at this point in time, willie should show humility and remorse, pero hindi pa rin. Instead pointing fingers pa, remember willie one finger is pointed towards other the rest of your fingers is pointed at you... magretire ka na lang willie...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 163  GreenPepper27

    04/09/2011 | 07:33 AM
    kakainis!Anu ba yan pag nagcomment ka against sa kanya bawal? Wala na bang rights ang ibang artista para mag comment against him? kakainis talaga..imbis na magsorry sya, nangangaway pa..sana magpahinga ka na lng FOREVER sa showbiz....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 162  humandynamics

    04/09/2011 | 07:25 AM
    you dont have abs cbn to blame anymore.. knowing willie gusto lang magbakasyon niyan, lol..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 161  kardashians

    04/09/2011 | 07:25 AM
    Willie will probably go down in history as one of the MOST HATED TV PERSONALITY in Philippine History! He is so despised everythere!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 160  yesdonut

    04/09/2011 | 07:24 AM
    daming bulag kay Willie. buti hindi ako isa don. siguro nga walang alam c willie about sa gagawin ni jan-jan pero ung mga staff nia sa audition process for sure, alam nila un. eto nmn si willie, instead of pagalitan ang staff nia tinolerate pa nia ung act ni jan-jan. lagi naman siya nggalit sa mga staff nia ON AIR pero bakit hindi siya nagalit nung sumayaw si Jan-jan. Ibig sabhin OK lang sa kanya ang naging act nung bata.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 159  hiramukha

    04/09/2011 | 07:24 AM
    ang aking sa y sa issue na ito ay ang Newtons THird Law na nagsasabing "For Every Action there is an EQUAL or OPPOSITE reaction...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 158  brentmania69

    04/09/2011 | 07:16 AM
    this time, tama c Willie..INAAPI sya talaga this tym around..napanood ko ang entire episode of that segment sa show nya..indeed, nung unang magsayaw ang bata, naluluha sya..nervous tears perhaps? pero after his dance, Willie, perhaps sensing that the child was nervous, was even making him at ease..then knowing Willie's knack at making the contestants at ease, after that, ok na ang bata, and everytime na may tugtog na, sumasayaw na sya without any prodding..in fact, as the segment progressed, nag-iintroduce na nga sya ng ibang steps ng sayaw nya, like yung gumiling pa sya sa isang part ng set..so, the audience and the viewers were naturally having fun, and were laughing..and the child, at that point in tym, was already having fun, hence, his extended exposure sa segment..and if d issue is that-the dance step is malaswa--oh my, i have seen a lot lot lot lot worse steps on tv, being danced by minors, in the context of malswa..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 157  kardashians

    04/09/2011 | 07:14 AM
    119 Televiewers won't miss this despicable man, I assure you. Many are hoping he won't ever comeback.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 156  shaun_buggy

    04/09/2011 | 07:12 AM
    go willie go.....go willie go......go away!...and thou shall not come back!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 155  tili_2death

    04/09/2011 | 07:06 AM
    The adults in this scenario failed to PROTECT the child!! PERIOD! Namingly the parents, relatives, Willie and others. Child abuse takes all forms and this is one of them. They failed JanJan miserably for their own benefit.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 154  showbizdak

    04/09/2011 | 07:05 AM
    naiintindihan ko yung mentality ni willie na galing sa hirap at nakatikim ng yaman at pak! nalunod agad sa tagumpay. walang masyadong pinag-aralan kaya insecure at hindi sophisticated mag-isip. ang alam lang sa pakikipaglaban ay yung lalong pagmamatigas at pagmamayabang imbes na mag-isip ng strategy para mahulog ang loob, mapalambot at makipag-usap para makamit ang gusto nyang mangyari. good luck sa yo willie. hindi ako sasama sa alon ng bumabatikos sa yo coz you also have your good side as well as bad like everyone else. sana maayos lahat sa pakikipag-usap.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 153  beattyful

    04/09/2011 | 07:02 AM
    Willie sana wag Lang 2 weeks ka wala sa tv! Make it forever kasi you are such an ugly person in and out...grabe ka,you blame other peolple for the wrong thing you did! I've watched show at you tolerate such dance by the little boy coz you signaled sa nag play ng music to keep on doing it again...you never change and Will Not....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 152  HornBlower

    04/09/2011 | 07:00 AM
    Sa madaling salita pinalalabas na naman ni Willie Revillame na inapi siya. Kaya gamit na naman niya ang MAHIHIRAP para kampihan siya at maawa na naman sa kanya. Lumang tugtugin na kaya iyan Willie...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 151  kardashians

    04/09/2011 | 06:59 AM
    The REAL VICTIM here in this disgusting incident is JanJan, the 6 year old innocent child and the Filipino at HINDI si Willie! Muntik na akong nasuka sa mga posts ng mga paid hacks ni Willie dito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 150  aiveec

    04/09/2011 | 06:59 AM
    Ang daming inggit sa pera at sa kasikatan ni Willie... Lol!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About