news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17649 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 149  aiveec

    04/09/2011 | 06:58 AM
    Totoo naman ang sinabi ni Willie na mas malala pa ang ibang tv shows sa mga pinapalabas nila sa mga bata... Since mas sikat si Willie, aminin man o hindi, siya ang nakita... Ang mga mahilig sumawsaw, magpunta na lang kayo sa EDSA, sa Recto, sa mga palengke, etc., doon, isang tambak ang child abuse.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 148  kardashians

    04/09/2011 | 06:57 AM
    It's TIME for this jerk to take RESPONSIBLITY for his own ACTIONS! Why is he always laying the BLAME on EVERYONE except HIMSELF! He is a SERIAL OFFENDER sa pagiging BASTOS at WALANG RESPETO sa ibang tao! What an unpleasant and awful person!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 147  pmat28

    04/09/2011 | 06:51 AM
    142, tumpak
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 146  gemmacapuso

    04/09/2011 | 06:49 AM
    persecutory delusions- sa paniniwala ni WR sa lahat nang ito wala siyang ginawa at inaapi siya ng lahat ng mga taong nasa paligid nya. Kinakawawa siya, may conspiracy against sa kanya..pero ni insan hindi nya inacknowledge ang barumbadong pagpapatanggal nya sa video ni Tita Cory, ang paghamaon sa ABS, ang ang pagbabandera na nagbigay siya sa mga namatay. grandiose delusions-ang paniniwaa niya dahil nagbibigay siya ng pera sa mga mahihirap ay excempted siya from any criticisms bagkus i tolerste lahat ng ginagawa nya dahil 'tumutulong' daw siya sa mga mahihirap..Nasa baluktot na isip ni WR ang problema
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 145  gorgonzola

    04/09/2011 | 06:46 AM
    Mahirap lang siguro kay Willie magpakumbaba dahil siguro wla syang nakikitang pagkakamali and very powerful ang people behind him so he thinks he can do anything, sue everyone for all that matters. While I dont fully understand where Willie is coming from, I just hope in 2 weeks he gets to reflect in life and realize that to become truly great, one has to stand with people, not above them.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 144  pmat28

    04/09/2011 | 06:45 AM
    you're a lost cause willie...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 143  gorgonzola

    04/09/2011 | 06:44 AM
    Ang problema kasi maraming taong mahihirap na kapit sa patalim and walang choice kungdi sumali sa palarong programa tulad ng willing willie. They dont realize na hindi naman si Willie ang nagbibigay ng pera. Isa lamang syang empleyado ng network na naatasan para magbigay saya sa publiko. While it is probably true that this issue is blown out of proportion, I still think na nakatulong sana kay Willie ang pagpapakumbaba.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 142  showbizdak

    04/09/2011 | 06:41 AM
    for me OA ang reaction ng lahat - mtrcb,cbcp,advertisers, lahat. ganung segment kasi karaniwan yan dati sa wowowee where people were willing to be exploited, bata man o matanda. lalo na sa isang 3rd world country, kahit anong gagawin magkapera lang at yan ang 22o. but i would have to say hindi sana ganito ka OA ang reactions kung hindi high profile ang pagyayabang ni willie. unfortunately dahil sa kanyang pagmamayabang yung mga kaaway nya were just waiting for even the slightest opportunity to create an issue against him.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 141  brentmania69

    04/09/2011 | 06:39 AM
    kaarte talaga ng mga ibang Pinoy...malayong mas MALASWA nga sa SHOWTIME eh, lalo na kung humirit c VICE GANDA sa kahit mga menor de edad na mga contestants,lalo yung mga natitipuhan nya..kulang na lang sabihin nya na patulan sya kapalit ng pera..saka yung gawain niyang makipag-nose to nose na halos maghalikan na...yung mga lalaking gnagawan nya ng ganun, halatadong napipilitan, halatadong nahaharass...hay naku talaga!! obviously, karamihan sa mga nanghuhusga dito, hind napanood yung actual na episode sa Willing Wille, otherwise, malalaman nila na mali ang panghuhusga nila..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 140  delightful15

    04/09/2011 | 06:39 AM
    why do you always have to make people appreciative of what you do for them?? remember willie, whenever you force people feel grateful of the help you extend, nababalewala ang lahat! you always brag about the help you extend! pero whenever you help you profit from it.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 139  snaffy999

    04/09/2011 | 06:36 AM
    please tell this to people and officers of tv5, tigilan na nila nag pang sang ayon sa pag ngalngal ni willie in public. they are so disgusting at nakakababa ng prestige nila. better yet, settle everything in court at tama na kadramahan no? they are using poor people's emotion, yung mga taong walang kalaban laban. i don't have any favorite shows or channel kaya lang nakakainis na and ganitong klaseng eksena. parang palengke na ang show na ganito. stop it. OK?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 138  angelrivera

    04/09/2011 | 06:34 AM
    Playing the victim, never admit ones' mistake, it is always the people around him who are wrong, manipulative- typical behavior of a psychopath.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 137  snaffy999

    04/09/2011 | 06:30 AM
    this served him well. sobrang yabang na talaga. just a piece of advise for him, don't ever bank on poor people, every show like him has this motive - to help helpless people. saka bakit ba palagi na lang sinasabi na mga matatanda, bata, hay naku willie maghanap ka ng ibang dialogue - bulok na ito eh. politician na politician dating mo. don't ever think of running into public office. pulos pakitang tao!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 136  yaralei

    04/09/2011 | 06:26 AM
    sana 2 centuries ka na lang mag off wele Evil lame...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 135  myca_bag

    04/09/2011 | 06:23 AM
    kung magsasalita ka wele parang ikaw lang ang marunong tumulong...ginagamit mo lang ang mga mahihirap. kunyari makamasa ka pero yang lifestyle mo pang rich...nabubuhay ka sa luxury. tigilan mo kami ng kadramahan mo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 134  myca_bag

    04/09/2011 | 06:17 AM
    oy wele!! huwag mong personalin yang mga artista na nagbigay lang ng opinion nila, mag stick ka sa issue!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 133  hatekapuso

    04/09/2011 | 06:15 AM
    Are u telling na ang Eat Bulaga ang nag exploit ka Aiza? Ang kapal mo talaga Evillame!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 132  HornBlower

    04/09/2011 | 06:06 AM
    Gagawa ng kalokohan tapos sino-sino ang sinisisi nitong si Willie Revillame at kung sino-sino pati ang idinadamay. At kung magsalita siya para siyang gumagawa ng TAMA. Kapal talaga ng mukha ng TAO na ito pati sina Jim, Lea, Aiza, Tuesday, Agot at Mylene ay pinaparatangan ng kung anu-ano dahil lamang sa pagbibigay ng kanilang kuro-kuro sa kasong kinasasangkutan niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 131  concernfilipinoin_us

    04/09/2011 | 06:03 AM
    Mr. Revillame, there is no doubt that you have loyal fans that are sticking with you through all of this, but in respect to those people, please, please do not exploit them and play with their emotions as if you are the "kawawa" and the right ones are the culprit. The only point they are saying was you have gone beyond your line as a host of a wholesome show...you had sounded like a pimp that's trying to sell that poor child to the public, that's way too wrong. But until they are still investigating the incident, it would best for all of us if you will just SHUT UP and take responsibility of your actions.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 130  Blood_Orchid

    04/09/2011 | 06:00 AM
    Oh he is such a victim! Yeah Right - tuwang tuwa pa nga siya nung pinapasayaw ng paulit-ulit ang bata. And for those who are justifying what Willie did, it only shows how low life you are that you wouldn't leave something for yourself like your dignity for money. Hindi dahil sa mahirap ka ibaba mo na lang sarili mo. Wala ka na ngang pera wala pang dignidad.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About