news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17396 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 129  HornBlower

    04/09/2011 | 05:57 AM
    Mukha yatang mauubos na ang MALI hindi pa rin napapatawan ng parusa itong si Willie Revilliame ng MTRCB. Lagi na la mang bang TIKLOP ang tuhod ng kinauukulan dito kay Willie. Lagi na lamang may palusot ito pag nagkakamali. Hay Pinas bangon na naman tayo lagi na lang tayong natutulog sa pansitan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  luckyjoy

    04/09/2011 | 05:50 AM
    Willie SHUT UP!!! kung magsalita ka, as if u r the victim ang KAPAL mo rin. Wag ka ng mang damay pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  Mute19

    04/09/2011 | 05:48 AM
    Ang linya nitong taong ito, pare pareho. Nagpapaawa. Cge idemanda Mo sila lahat. At pag naubosan ka ng pera. Ikaw ang sasayaw para mabigyan ka ng 10k. Sana mataauhan din ang ibang artista at govt. Para makita nila ganu kahirap na ang bansa natin. Maraming tao na pati anak nila ibebenta para lang may Makain.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 126  rejoice81

    04/09/2011 | 05:46 AM
    ang isyu dito pinaulit ulit ni willie sa pagsayaw yong bata,tas umiya iyak..pang pine pressure sya,,eh sa goin bulilit nag saya ung mga bata,.,sabi ni kristy fermin dahil daw kay balingit kaya natakot si jan jan..hala kristy fermin pareho kasi kau ni willie kaya todo supporta ka kay willlie..willie yan ang napala mo kung anong ginawa mo kay randy at john,,yan karma! mabait talaga ang Diyos..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  totallykapamily_25

    04/09/2011 | 05:46 AM
    what else is new...willie habulin ka kasi ng karama eh. first of all hindi ka naman hinusga ng mga artista sa tweeter kundi naglabas lng sila ng opinion nila. masyado mo kasing pinepersonal kasi alam mong guilty ka. mayabang ka talaga...ipagmalaki mo pa ang pagtulong mo sa taong bayan. bakit..saan ba galing ang mga milyones mo??? kung hindi ka sumikat sa ABS-CBN wala kang milyones tol! at ang topic dito is about child abuse. so explain yourself and do not point fingers on who is not helping poor people..coz that's irrelevant to the topic. haist...nagpapaawa ka nanaman. pati showtime at goin bulilit dinamay. sa dalawang show nayun hindi naman pinilit ang mga bata na sumayaw at mas lalong walang umiyak sa kanilang pagsayaw.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  anonymous_0902

    04/09/2011 | 05:45 AM
    ang pagtulong sa kapwa at mga mahihirap eh hindi PINANGANGALANDAKAN at PINAMMALITA!! gamit na gamit ang mga mahihirap sa kanya.. hindi pa din talaga nya maintindihan ang ginwa nya no? at pinag initan pa talaga nila ang going bulilit at showtime?? eh malayo naman ang ginawa nya sa mga shows na ito ng abs-cbn.. napakawalang modo talaga nito.. panay ang sumbat nya na love nya ang mga mahihirap etc.. sige nga subukan nya mamigay kahit 5 milyon ng pera nya sa mga mahihirap ngayun? ewan ko lang kung gagawin nya.. umalis ang advertisers sa show nya kasi diba nung una sya nagsalita eh tinakot nya ang mga advertisers.. pinagbantaan nya na kapag nag pull out sila eh i boboycott daw ng mga supporters nya ang mga products ng advertisers nya?? o ngayun na nag back fire sa kanya eh ang dami na naman nyang satsat! haaaayyyy wille dami mong dahilan.. mag pahinga kana ng tuluyan! wag kana gumising!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  hatekapuso

    04/09/2011 | 05:45 AM
    Wow... This person should be humble instead of bragging what his doin... Naghanap pa ng kadamay.. Pati ang pagiging walang anak ni Agot Isidro isinasali nya.. Kapal ng mukha mo Willie. Bakit pati ang gender ni Aiza sinasabi pa nya. Ito ba ang sinasamba ng mga fans nya?? Use u'r head people.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  indiahenretta

    04/09/2011 | 05:41 AM
    Felling ni Mr. Revillame siya naman po ang VICTIM. Here we go again, over and over again, he did this to himself. Noon una ANGER MANAGEMENT, NOW CHILD ABUSE, what's NEXT? BAD BEHAVIOR DIE HARD! Ano ba talaga ang ugali ng tao na ito? Mr. Revillame was also giving THREATS to his advertisers,saying if you boycott his shows, then Mr. Revillame's loyal die hard fans will not buy their products. Sorry I am not buying whatever you say, Mr. Revillame. DO YOU HAVE ANY CREDIBILITY?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  yaralei

    04/09/2011 | 05:31 AM
    congratulations ABS at pinakawalan nyo ang ahas sa kuwadra ninyo! if not siguro ang ABS ang may malaking problema ngayon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  grinandgiggles

    04/09/2011 | 05:30 AM
    ganyan pa din si willie pag me kontrobersya at issues tungkol sa kanya bigla na lng magbabakasyon at hihingi ng sweldo hahaha di pa din nagbabago..imbes na maging humble at humingi ng paumanhin yan at sya pa nagmamagaling, kakahiya ka willie revillame..magbago ka na habang me oras pa, magtika ngaung holy week imbes na magpaparty dun sa magara mong yate at mga properties na nakuha mo sa sinasabi mong pagtulong sa kapwa...ang mga binibigay mo eh galing din nman sa sponsors na sinasabi mong i boycott ng mga supporters mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  yaralei

    04/09/2011 | 05:29 AM
    no 97 chill out..ikaw na kaya ang sumama sa mundo ni rEVIL lame para maayos nyo kung ano ang kulang sa inyo...kulang kulang sa pag intindi..yan ang nakakatakot na tao..mali ang prinsipyo..pag sinabing itim..ay itim na..ang nasa itaas ay di natutulog at alam nya ang tunay na nasa puso ni Evil lame..yan ay ang revenge against ABS na nagbigay sa kanya ng chance when he was homeless at nakikikain sa mga kaibigan nya..can u remember guys what he did to john estrada na supposed to be private na pag uusap sa phone? wala syang M O D O ginawang live ba naman...gawain ba ng may pinag aralan yan? naku!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  prettywoman_92

    04/09/2011 | 05:28 AM
    Von voyage willie!..enjoy and have fun!sulat ka ha,update mo ang buhay mayabang..sama mo si cf para may maisulat sya sa buhay mo..hintayin na lang namin sa 24 oras at tv patrol kung saang hospital ka dapat bisitahin namin..mag holy wk na,wag mo kalimutan magsimba para at least mabawasan ang kayabangan mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  bytheway

    04/09/2011 | 05:28 AM
    Willie should have just shut his mouth. The more na nagsasalita sya, the more haters he gets dahil sa di nya kinokontrol ang mga sinasabi nya. I was actually thinking nung mapanood ko na yung mga magulang naman dapat din talaga ang sisihin na maging katawatawa ang anak nila pero yung station hindi naman din sinabihan na di maganda yung ginagawa nung bata eh sobrang dalas pa paulit ulit na pinatugtog at akala mo naman di susi yung bata na sasayaw agad. Maybe it's true hindi umiyak si Janjan dahil sa pinasayaw sya ng pilit pero kahit anong excuse pa gawin ng tv5 at ni Willie, ang sagwa sagwang tingnan na may batang ganun kung magsayaw. Tinolerate nila dahil tuwang tuwa naman pati mga audience di ba? I congratulate Willie dahil magalin g talagang humawak ng audience but the problem is that it's gone to his big head. I used to be one big fan of his but since his ABS kayabangan, kahit anong galing pa nya, nakakawalang gana suportahan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  jompalin_moko

    04/09/2011 | 05:21 AM
    mautak talaga ito si willie mag OFF air show nya ng 2 WEEKS kc nga para mahab haba ang HOLY WEEK VACATION nya. hahahah! hays life nga namn.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  iamkulas

    04/09/2011 | 05:21 AM
    Napakataas talaga ng taong ito. Masyadong mataas ang tingin sa sarili. Sanay na sanay sa pagpapaawa sa harap ng camera. Oo, natutulungan mo sila pero higit silang nakakatulong sa yo, silang mahihirap ang nagpayaman sa yo. Ang tunay na tumutulong ay hindi nagyayabang, ang tunay na tumutulong ay hindi ipinamamalita ang ginagawang pagtulong. Ang kapal ng mukha na takutin ang mga advertisers na siyang nagproprovide ng mga perang na pinamimigay. Masyadong below the belt ang ginawa nyang pag-atake sa mga kapwa artista na nagbigay ng opinyon. Sana isa na lang ang Willie Revillame sa Pilipinas, isang manggagamit. Nagtatago sa palda ng mga audience nya na ang tanging hangad ay easy money. Sa lahat ng milyonaryo, kaawa-awa ka dahil sa ugali mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  jompalin_moko

    04/09/2011 | 05:17 AM
    GUSTO ko mag react si JOEY DE LEON sa sinabi ni WILLIE kay AIZA. hahahahaah! MASYADO ka kc mayabang. ok sana ang pagtulong mo sa mahihirap pero sa bandang huli ang kayabanagn mo pa din ang pinapakita mo. BE HUMBLE!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  HornBlower

    04/09/2011 | 05:16 AM
    Maraming salamat daw sabi ni Willie at siya ay babalik na may bagong pag-asa. Bwahahahaha lumang linya na iyan, palagi na lang iyang linyang iyan ang gamit ni KUMAG. Ngayon niya pa sasabihing bibigyan ng proteksiyon ang mga kabataan tulad ni Jan Jan matapos niyang alisan ng karapatang pambata ito. Ano na naman iyan ayusin mo muna ang kaso mo at pagkatapos doon ka mag promise na hindi na uli ka magmomolestiya o mangagamit ng BATA para sa kapakanan mo at ng iyong show.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  concernedPinoy

    04/09/2011 | 05:16 AM
    He,he,he. Mag-live ka na lang sa yacht mo. Sama mo si Cristy Fermin at Lolit Solis.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  yly77

    04/09/2011 | 05:15 AM
    I think Mr. Willie Revillame should learn lesson from his previous mistakes...he really needs to humble himself and admit or own the responsibility of his acts regarding this said issue...of course people or co artist can say things about the issue coz He is also one of them, he is a public figure so he should know that he will be openly criticized. its so sad lang na kailangang idown o tirahin nya ang ibang artista ng personal at kailangang ipamukha ang mga naitulong at natulungan nya dati...hhhhmmmmm
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  kororairai

    04/09/2011 | 05:15 AM
    ganyan kapowerful ang abs cbn, grabe magmanipula smantalang mas malala pa ang nangyari nun sa abs pa si willie...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About