news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17391 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 89  wahahe

    04/09/2011 | 04:22 AM
    daldal ni willie parang girlie lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  damole

    04/09/2011 | 04:13 AM
    Inay Crisstttttyyyyyy!!!! asan ka na? pagtanggol mo na si willie!!! sige ka, baka bawiin nya ang caru na binigay nya or baka tuluyan ng wala kang mahita sa kanya.... tutal, jan ka naman talaga magaling eh pagtanggol mo ang mga taong may pakinabang sau at siraan ang mga taong wala kang mahita... go na inay crissttttyyy!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  mindfairy

    04/09/2011 | 04:12 AM
    he might done wrong doings before but this time give him the benefit of the doubt..i don't really think he intentionally made fun of JANJAN..just my opinion..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  otayranch

    04/09/2011 | 04:12 AM
    ganyan talaga ang buhay, willie boy, panapanahon lang. lahat ng hindi sumuporta kay pnoy nung election at hindi maka-p-abnoy ay iniisa-isa na. hehehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  HornBlower

    04/09/2011 | 04:11 AM
    Kung anu-ano na ang nasasabi ni Willie ngayon para lamang makalusot sa kasong kinasasangkutan niya. Nag so-sorry na naman na parang nagmamakaawa uli ang HAMBOG na ito, paulit-ulit na ginagawa pulit-ulit din ang pag so-sorry. Kung lahat ay puwedeng daanin sa paulit-ulit na paghingi ng sorry eh di sana wala ng nasa bilangguan ngayon at pinagdudusahan ang nagawang kamalian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  mindfairy

    04/09/2011 | 04:09 AM
    and the child abuse i guess is too much na panghuhusga..panu na lang pag nadepress na si Willie and he will decide to just stop everything including his life just to appease everyone and make everyone stop targeting him..magiging masaya ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  umchito

    04/09/2011 | 04:09 AM
    I'm not offended by the video that I saw in itself. I think it is in Willie's personality to make fun of people regardless of the age. What I really dislike is him being so conceited as if he controls the world. He mentioned about boycotting the products of advertisers, etc. Look, these companies do not only have presence in the Philippines but also worldwide. Does he really think that if Pinoys do not buy the products, the company will just go bankrupt? Come on Willie!! Where's the word "humility" in your being?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  pepster31

    04/09/2011 | 04:08 AM
    si shrek ay kasalukuyang nagtitipa ng kanyang article sa bandera...hinahanda na niya ang pagtatanggol na gagawin sa mga pinagsasabi ng amo nya!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  mindfairy

    04/09/2011 | 04:07 AM
    First off..hindi ako fan ni Willie or even personally like him..but what he said is true..kung before sa mga actions nia he deserved whatever he got but for this one sa aking opinion masyado nang naging OA at bandwagoners ang mga tao sa paninira.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  beybong

    04/09/2011 | 04:07 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  HornBlower

    04/09/2011 | 04:03 AM
    Hindi lamang ang magluwal ka ng BATA para masabi na merong kang ANAK. Marami pa rin ang mga hindi nakapagluwal ng BATA pero naging INA o magulang pa rin sila. Kaya wala ni kahit konting katiting na koneksiyon ang pagiging walang anak ni Agot sa kasong kinasasangkutan ni Willie Revilliame.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  wallflower

    04/09/2011 | 04:02 AM
    Sana tuluyan nang ma-off the air ang show ng hambog na ito. Kahit saang network siya mapunta same ol' drama pa rin. Ang tindi rin, laglagan na ng pangalan. Akala yata niya matatakot yung ibang celebrities na pinagsalitaan niya. Mag-retire ka na nang tuluyan maigi pa. Ang pagtulong sa kapwa di kailangan ipangalandakan kung magkano ang ibinigay mo dahil kayabanagan na yun. Wag ka magmalinis Willie at umarte na inaapi ka na naman.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  marimaris8

    04/09/2011 | 04:01 AM
    napakalaking G-G- at B-B- nitong si willie talaga. ang intindi ata niya sa child abuse ay sexual molestation lang. wala daw siyang ginawang masama sa bata, kesyo nakadamit daw ang bata, nakaayos ang bata. hoy! bumalik ka nga sa eskuwelahan o kaya basahin mo lahat tungkol sa coverage ng child abuse.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  aseasyasitgets

    04/09/2011 | 03:59 AM
    dami satsat..san na si cristy fermin?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  sunnysunshine

    04/09/2011 | 03:58 AM
    You are so untouchable MR. REVILLAME, ang taas ng tingin mo sa sarili mo akala mo ISA kang hari o principe na di dapat husgahan, di mo pag aari ang pinas at pagbawalan ang mga taong gustong magbigay ng opinion, you've face a lot of intrigues in showbizness di ka pa ba nasanay? Instead of yapping around better shut your pipe hole and fix things for the better...be humble enough.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  yaralei

    04/09/2011 | 03:58 AM
    wla sa vocabulary niya ang humble..hambog meron..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  eminem

    04/09/2011 | 03:58 AM
    ganiyan naman si willie, padaskol-daskol sa pagsasalita, tapos in the end tsaka niya mare-realize na nabigla lang daw siya, di ba ganiyan din siya kay joey de leon noon, tinalakan nang tinalakan on air, tapos hihingi-hingi ng sorry
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  yaralei

    04/09/2011 | 03:55 AM
    bakit ang hilig manakot si evil lame? ha ha ha ha para syang bata..kung si lopez nga na nagbigay ng chance sa kanya eh tinakot yong iba pa kaya..to naman mga tangahanga niya di nila ma gets yon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  palengkera

    04/09/2011 | 03:55 AM
    This latest meltdown is yet another reason why Mr. Revillame should have been barred from hosting a show, eversince the ULTRA Tragedy happened. As always, the so-called guardians of morality are a day late and a dollar short, or rather, years late and several millions short.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  eminem

    04/09/2011 | 03:54 AM
    grabe itong si willie, nakadapa na nga, mayabang pa rin.. matuto ka kasing maging HUMBLE, yan ang wala sa iyo ni katiting
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About