news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17201 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 29  tv5willingwilliedotcom

    04/09/2011 | 02:52 AM
    Ang mga haters ni Willie ay very close minded at kaylan man hindi mauubusan ng reason dahil dyan sila magaling ang manira ng manira.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 28  asianbutterfly

    04/09/2011 | 02:52 AM
    hello mga kapep! medyo naliwanagan ako sa mga pinagsasabi ni willie. nung napanood ko yong video sa isang famous site naawa ako sa bata pro kung yong taong nag upload eh me awa din d nya na dapat pi-nost yon db? sa lahat ng mga artista at mga gov't officials na against sa kanya tinira na sya...pra sa akin it was an honest mistake. minsan di tyo aware kung tama ba yong ginagawa natin minsan. pro tyo, ako o itong mga taong ito, ano ba nagawa natin sa mga mahihirap? at yong mga programang na-mention nya para sa kanya ay di rin tama, napag isip din ako. oo nga no? bat yong mga bata dun s tingin nila walang malisya? timbagin natin ang ating damdamin at imulat din ang ating mga mata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 27  123prettybutterfly

    04/09/2011 | 02:52 AM
    I'm not a fan of willie neither his show but in my opinion people over reacted in this issue. I didn't see any malice or child abuse as what a lot of people are saying about Willie.Try to watch the whole segment before judging Willie. Willie sometimes can be bastos, he is not perfect at kahit ako minsan naiirita sa remarks nya but this time I guess a lot of people are way over reacted in this issue...Common people! kaya di umuunlad ang Pilipinas konting bagay issue na. There are a lot of things to focused on guys, ang daming problema ang pilipinas bakit ba lahat kayo kay willie naka sentro?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 26  purong_kapamilya

    04/09/2011 | 02:51 AM
    Manumbat..kaya ka lang naman nagkapera sa pang gagamit mo sa mga inosente,mahihrap at matatanda kung talagang gusto mong tumulong ibigay mo yang yaman sa mahihirap na nakuha mo lang din sa pangagamit mo sa mahihirap..ang pag tulog hindi yan pingangalandakan sa publiko.hambog kapa rin.kaya lang mag nagtatanggol sau kasi may pera kapa pag ubos na yan tingin mo may magtatanggol pa sayo.eowwwwwwwwww magbago kana.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  tv5willingwilliedotcom

    04/09/2011 | 02:50 AM
    Hayaan na lang natin ang mga haters ni Willie dahil ang nasa puso ng mga yan ay galit, pagka-inggit at insecurities! Pabayaan na lang natin silang mainggit ng mainggit at magalit ng magalit, bahala na ang nasa taas sa kanila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  cinelamour

    04/09/2011 | 02:50 AM
    may palabas pala na "willing willing"
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  Calgarians

    04/09/2011 | 02:49 AM
    Take rest and think thousand times what you have done to Jan-Jan and maybe you will realize that what you have done is wrong. Yes, you're correct, hindi mo alam kung anong talent ang ipakikita ng mga contestants sa show mo, pero ang PAGKAKAMALING GINAWA MO, ilang beses mong pina-ulit-ulit ang sayaw na iyon na hindi angkop para sa isang 6 years old na bata. Hindi ka pa nasiyahan, itinaas mo pa sya sa stage at muling pinasayaw na pinalilibutan ng mga dancers ng show mo. As for the other station's show that you have mentioned, yes they have done that in their segment, but never been played again and again and again, like what you have done to your show. Another thing, you keep on telling that you're helping the poor, NO YOU'RE NOT!!!!! You are just using them to make millions for yourself. Hope in two weeks time, you will realize kung ano ba talaga ang pagkakamali mo at sa pagbabalik mo, matanggap mo sa harap ng sambayanang Pilipino na nagkamali ka!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  svetlana

    04/09/2011 | 02:48 AM
    Oh shut up Willie!!! and please do everyone a favor, wag ka ng bumalik!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  imdgiver

    04/09/2011 | 02:48 AM
    Eto ah, ayoko talaga kay Willie. As in, sya yung taong, unang tingin ko palang, ayoko na sa knya, saksakan kasi sya ng yabang, ang panget naman nya. Eh buti kung may maipagyayabang, diba? Pero hindi ako agree dun sa "child abuse" issue. Masyado nagreact mga tao at celebs, eh nung nakita ko yung video, parng wala lng. Batang sumasayaw lang. Siguro kasi, they found it as a chance to get rid of Willie from the television na kaya ganun. Sang ayon ako na tanggalin na si Willie sa tv dahil isa lng syang abomination, pero di ako sang ayon sa dahilan kung bakit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  abscbn1st

    04/09/2011 | 02:47 AM
    Willie,kung talagang para sa mahihirap ka, why not sell all your sports cars, yacht, big mansions and give it all to the poor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  benj_aquino59

    04/09/2011 | 02:47 AM
    THIS IS THE BEST THING WILL! Let other people help these poor people. Who cares about them, they will always be poor and the government is responsible for them not somebody like u! If they dont appreciate u, buti nga wala nang tumulong sa kanila! ENJOY KA NA LANG SA LIFE MO AND DON'T WORK SO U DONT HAVE TO PAY TAXES PARA LANG I CORRUPT SA MGA PINOY! BEST MOVE TO QUIT EVER!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  dragonfly55

    04/09/2011 | 02:45 AM
    hahahaha...ung mga laos nag papansin sa show ni willie para mapansin gnyan tlga pg wla ng career ginagamit ang show at c willie revillame...tsek, tsek, mas nkakaawa ang mga rtistang e2 kysa ky willie...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  Ruthplex

    04/09/2011 | 02:44 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  thegoodlife

    04/09/2011 | 02:42 AM
    Watched the whole segment. Wala talagang malisya. Sobrang edited ang nasa youtube. Sana nga pinanood muna ng mga tao yung buong show bago nag husga. Halos everday umiiyak ang contestants sa portion na yun kasi sobra silang emotional sa hirap ng buhay. Mayabang nga si Willie pero napanood ko yung show wala talagang pangaabuso dun. Dapat objective tayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  aiskeep

    04/09/2011 | 02:40 AM
    Hay naku willie money can't buy character! ur asking kung ano nagawa ni Lea Salonga sa sambayanang pilipino? nasa philippine history lang naman sya dahil sa pagiging world class artist nya.. may mga benifit concerts syang ginawa pero di nya niyabang... sabi mo si aiza bata pa lang artista na kasi expoilation un... siguro dapat ipahuli din si kuya germs kasi ang dami nyang bata na pinagtrabaho sa that's entertainment? tapos binintang mo lahat sa ABS-CBN sabi mo u don't need abs-cbn so why wasted 20 mins of ur time talking about them? tama na mag pahinga ka na isara na yang show mo... ADIOS WILLIE!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  SpeedOfLight

    04/09/2011 | 02:37 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  tv5willingwilliedotcom

    04/09/2011 | 02:36 AM
    itong si alkassim kasi hater yan ni Willie, ang main goan nyan ay pabagsakin si Willie, yan ang adhikain nya. Sorry ka na lang dahil babalik ang Willing Willie ulit dahil ang 2 weeks na hindi mag-ere ang show, ay preparation nila iyan sa muling pagbubukas!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  lilac0808

    04/09/2011 | 02:34 AM
    magpakasaya na kayo within two weeks kasi after two weeks... wala na... happy na naman ang mga Willie lovers.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  reenigne83

    04/09/2011 | 02:32 AM
    al kassim , baket nga ba galit ka ni willy? siguro type mo sya noh..kung ayaw mo sya di wag mo sya panoorin..ganyan ka simply yan tsong.ok lang yan kung totoong nag malasakit kayo sa mga bata kono. bakit di kayo pumunta sa recto at makita nyo ang mga bata na nag rugby.sumakay ka lang sa agos,there are 2.5milyon workingkids at the age of 6 dyan sa pinas bakit di mo sila tulongan ngawa ka lang ng ngawa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  lilac0808

    04/09/2011 | 02:32 AM
    hahaha.. temporary lang pala ang saya ng mga haters...dapat mag pray pa kayo. hahaha.... pagbalik full blast na naman si Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About