news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17305 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 1009  nothing_personal

    04/11/2011 | 02:23 PM
    i saw the show, people need to get their facts straight before they start judging. It was messed up that the kid was dancing like a macho dancer, but shouldn't people blame the parents who decided to join him on this show with this type of dance? Makonsensya naman kayo sa tao. Si willi alam natin mayabang, hambog, bastos lahat na pero wag naman akusahan natin sya na kasalanann nya. Maawa naman kayo sa mga dancers at staff na tinutulungan nya na mga breadwinner pa man din at nakakatulong sa mga pamilya nila. Maawa naman kayo sa mga grandmas na enjoy na enjoy sa show ni Willie. Ang kailangan lang ng show ay coaching. Kung naka offend sila ng tao, ang pagkakamali ni willi di sya nagpakumbaba at nanghingi ng sorry sa mga na offend nya. Yun lang yun. ang pagkakamali ng tao, nanghusga agad. So hypocrite that they call it child abuse when u see these young girls in the other shows dancing like they're stripping. This issue was completely blown out of proportion and it's ridiculous. The show just ne
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1008  aussiebebsy

    04/11/2011 | 02:23 PM
    Comment number 1005, Maria1...I google mo The Australian newspaper at sa webpage search nila, i-type mo Willie Revillame. The article tackles about child prostitution and trafficking in South-east Asia.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1007  rom_05

    04/11/2011 | 02:17 PM
    hindi marunong mgatwitter si willie pero alam nya mga criticism sa kanya. Ang dami sigurong tsu-tsu, gatong at linta na nakapaligid sa kanya na mahilig magprovoke para magalit sya on air. kasi kung kaibigan nya ako I would just advise him to just let it slide and let the issue die on its own. Huwag na rin syang magbasa ng dyaryo at manood ng mga talkshows. Maraming artista na ganyan Angelina Jolie ganun sya so kahit mega tira sa kanya noon dahil kay Brad Pitt di sya affected. Gusto yata ng tao sa paligid nya eh sila lang ang malapit para sila ang may pakinabang. I dont know if he is just dramatizing his heart condition pero sya mismo nagpapalala ng sakit nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1006  aussiebebsy

    04/11/2011 | 02:10 PM
    Naiiling na lang ako at napapakunot-noo habang binabasa ang artikulong ito. Isa lang ang masasabi ko sa taong ito, punong-puno siya ng YABANG. Kung taos sa puso mo ang tumulong, di mo na kailangan pang ipangalandakan. I'm sure that the artists he mentioned ay nakatulong na at patuloy na tumutulong sa mga iba't ibang organisasyon, di man 1 million, pero tumutulong and they don't have to brag it. He who humbles himself will be exalted he who exalts himself will be humbled... yan ang isipin mo Willie
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1005  Maria1

    04/11/2011 | 02:02 PM
    Comment number 1003 purepinoy0815, how do you search it in google? You type World News? or Willie Revillame, I typed the world news in google search and I did not see it. Salamat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1004  skyye357

    04/11/2011 | 01:57 PM
    These people who post and tweets with malicious comments about this person are idiots. you must think that you are a genius. Get your facts first, you moron.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1003  purepinoy0815

    04/11/2011 | 01:49 PM
    davao fans basahin mo na lang muna yong write up tungkol kay willie at sa show nya sa newspaper na the australian. yon hindi biased ang opinion non kasi di sila taga rito. search mo lang sa google tapos sa column ng world news nakalagay. baka sakali ma open yong mind mo, hindi naman ito just about willie. it is about his actions on the shows at kung anong character niya kasi nga kung talagang wala kang ginawang masama at tumutulong ka lang sa kapwa bakit di ka suportahan ng tao? gaya ng eat bulaga. napaka successful, napakayaman ng na rin ng mga hosts niyan pero di nila kini claim ang kung ano ano.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1002  davao_fans

    04/11/2011 | 01:41 PM
    Hindi yun child abuse, search ninyo ang kitty girls going bulilit sa youtube yan ang abuse.Even binayaran ang stars ng going bulilit n gawin un still malaswa paren at hindi pwede ipa nood sa mga bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1001  davao_fans

    04/11/2011 | 01:38 PM
    hay naku kahit ano p ang sabihin ninyo mahal parin c willie ng MASA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1000  manjo

    04/11/2011 | 01:32 PM
    Eng eng lang ang hindi nakakaintindi kung bakit naging malaking issue ang nangyari ke Jan Jan. Abuse ang tawag sa ginawa ni Willie on national television nang paulit-paulit nyang pinag-perform ang bata ng sayaw na macho dancer, which he said so on air, at ginawa nyang katawa-tawa to the delight of his 'audience'. Ang culmination ng abuse is when he put the boy sa elevated stage, let him dance, surrounded by his clantily dressed dancers. That alone is bad taste at hindi acceptable in any manner.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 999  bikongong

    04/11/2011 | 01:27 PM
    ANG GOING BULILIT IS A KIDDY GAG SHOW, MERON SIYANG SCRIPT NA SINUSUNOD, SAKA MGA ARTISTA ANG MGA BATA, KUNG MAG MACHO DANCER MAN SILA, ITS PART OF A SCRIPT, AND THEY ARE PAID TO DO THE ENTIRE SHOW, AND NOT JUST THE MACHO DANCING SCENE. SI JAN-JAN, WAS PAID 10,000 AS CASH INCENTIVE FOR BEING ENTERTAINING, DOING THE MACHO DANCING SCENE, TAPOS, PAAULIT ULIT PA PINASAYAW, MAY TEARS PA, MAY BURLESK COMMENTS PA, TAPOS, PINASAYAW PA SA ELEVATED FLATFORM, SURROUNDED BY GIRLS PA, KULANG NA LANG SABITAN NG P100 OR P500 BILLS, LIKE A REAL MACHO DANCER. NOT NORMAL FOR A 6YR OLD.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 998  maldita01

    04/11/2011 | 01:21 PM
    very unprofessional talaga ni Willie..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 997  maldita01

    04/11/2011 | 01:20 PM
    hindi naman pera ni willie ang binigay niya,..pera ng network. and why he was doing that? malaki sweldo niya.kaya gus2 niya mag host ng game show. c willie ang nang gamit nga masa,,dahil sa masa, lumalaki kita niya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 996  davao_fans

    04/11/2011 | 01:20 PM
    hindi ako fan ni willie pero sa issue nito sa kanya ako panig. kasi genamit lng c jan2x para mapabagsak c willie ng mga galit sa kanya..sana mag supportahan n lng lahat ng artista para masaya lahat..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 995  davao_fans

    04/11/2011 | 01:15 PM
    blessfull ang tanong ko sayo ano ang nagawa mo sa kapwa mo? natulungan mo ba cla? b4 ka mag kritik ng isang tao harapin mo ang sarili mo sa salamin at itanong mo kung ano ang nagawa mo sa kapwa tao mo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 994  blessfull

    04/11/2011 | 01:15 PM
    davaofans.....---k. fine..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 993  davao_fans

    04/11/2011 | 01:13 PM
    blessfull kahit ikaw pa ang mag boycott sa mga sponsor ni willie hindi mo parin mapantayan ang mga supporters niya n mga MASA at sumusuporta sa lahat ng sponsors ni willie ang dami kaya,, aminin n natin cya ang next erap n mahal ng masa. ginamit ni willie ang pangalan niya para makakuha ng sponsor at itulong sa mga tao n mahihirap kaya b yan ng mga artistang kritiko ni willie ngayon bda hindi!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 992  blessfull

    04/11/2011 | 01:11 PM
    kala ko ang dami talagang willie fanatics dito, kaso 3 lang pala na puro sila at sila lang.. i wonder kung how much payment?? at i wonder din kung nagkaroon sila ng karangalan care of Willie..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 991  davao_fans

    04/11/2011 | 01:06 PM
    hindi ako fan ni willie pero sa issue nito sa kanya ako panig napanood ko ang episode n yun at wala akung nakitang mali doon marami lng talagang gustong ibagsak si willie kaya genamit ang jan2x issue..Ang tanong ko sa lahat ng tumitira kay willie lalong lalo n c J Paredes, Agot, Aiza, Tuesday, Ruby R may natulongan ba sila na tao?? cguro ang mga tao pa ang piniperahan nila kasi may concert cla..May attitude problem c willie pero marami cyang natulongan na kapwa tao kaya mahal cya ng MASA.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 990  blessfull

    04/11/2011 | 01:03 PM
    Ang mahirap sa lahat ay gagawa ng mali at tapos ay isisisi sa iba.. ang pinakakawawa ay 'yung kaunting tao na naniniwala sa ganitong klaseng tao.. kung tumaas man rating ni Willi nitong huli, siguro ay maraming gaya ko na binantayan ang mga sponsors nya na hindi pa nagpupull-out dahil iboboycott ko.. 'yung mga galit na nawala na ang Willing-willie, eh di iboycott nyo mga sponsors na nag-pull-out.. kasi kung babalik mga sponsors eh kami namang hindi naniniwala sa attitude ni Willie ang magboboycott.. tingnan natin kung san mas maaapektuhan ang sponsors.. kaya yung mga fanaticlunatic dito eh tumigil na at magboycott na lang kayo..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About