news

Willing Willie goes off-the-air for two weeks; Willie Revillame lashes back at critics on Twitter

by Nerisa Almo posted on April 9, 2011  STATS: 17653 Views | 1129 Comments

 

"Wala po kaming kasalanan. Wala po akong kasalanan. Humihingi po ako ng paumanhin sa inyo, na kung mayroon po kaming na-offend. Pero hindi po kami hihingi ng tawad, kasi ho wala po akong ginawang masama sa batang iyon. Hindi ko minolestiya ang batang iyon," says Willie Revillame about the accusation that he abused a six-year-old contestant on Willing Willie's "Wil Time Big Time" segment last March 12.

 

Photo By: Noel Orsal

Simula mamayang gabi, April 9, hindi muna mapapanood nang live ang variety-game show ng TV5 na Willing Willie.

Ito ang paunang anunsiyo ng host na si Willie Revillame sa mismong programa niya kagabi, April 8.

Bago matapos ang programa, nagkaroon pa ng mas mahabang pahayag si Willie sa harap ng audience at sa mga manonood.

"Ngayon po, nakipag-usap ako sa presidente ng TV5, si Atty. Ray Espinosa. Nag-usap po kami na hanggang ngayon na lang po ako sa Willing Willie," deklara ng kontrobersiyal na TV host.

"Magpapahinga lang po muna ako. Hindi po ako nagpapaalam.

"Starting today, ang live namin. Bukas po naka-tape na kami. Lalabas po iyon, mapapanood n'yo po iyon."

Kasabay ng pagpapahingang ito ay pag-iisipan umano ni Willie kung nararapat pa ba siyang magbalik sa pagho-host ng TV program.

Aniya, "Starting Monday po [April 11] hanggang next week, hanggang Holy Week, pag-iisipan ko po muna nang mabuti kung ako po ay magbabalik pa sa industriyang ito.

"Bigyan n'yo na lang po muna ako ng pagkakataon sa sarili ko, pag-iisipan ko po ito. Masyado po akong pinagbintangan. Maraming nagbintang sa akin nang wala po akong ginagawang masama."

CHILD ABUSE ACCUSATION. Ang huling pahayag ni Willie ay kaugnay pa rin ng kontrobersiyal na episode ng Willing Willie noong Marso 12, kung saan makailang ulit na nakitang sumasayaw ng "macho-dance routine" ang anim na taong gulang na batang lalaking si Jan-Jan Suan. (CLICK HERE to read related story.)

Dahil sa episode na ito, ilang grupo at sangay ng pamahalaan na ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa insidente.

Kabilang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagsasabing naabuso ang bata sa programang Willing Willie. (CLICK HERE to read related article.)

Sa kabila nito, dinepensahan ng TV host ang sarili, pati na ang mismong show niya. Iginiit ni Willie na ang video na kumalat sa Internet isang linggo matapos ang nasabing insidente ay putul-putol at ipinagdikit-dikit na.

Kaya ang pakiusap niya, "Panoorin ninyong lahat ang segment ng 'Wiltime, Bigtime' kung papaano... Ni hindi ko nga alam na 'yon ang sasayawin ng bata. Pinaglaruan ko daw.

"Wala ho ni isa dito sa studio na nakaisip na may malisya doon sa batang iyon. Nakadamit 'yong bata, nakaayos 'yong bata, sumasayaw nang gano'n.

1  2  3  4  5  6  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1129 Comments

  • 989  davao_fans

    04/11/2011 | 12:58 PM
    c willie kahit anung sabihin ng mga kritiko nya mahal parin cya ng masa at yan ang totoo.at maraming masa sa pilipinas kaya pumatok ang show niya sa TV5, HYY kahit namigay n ng pera kulilat paren sa ratings and walang sponsor parin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 988  ellenbermu

    04/11/2011 | 11:59 AM
    Willies lawyer should advised him to shut up na,the more he talks and threatens other people the more napapasama siya.I used to be a fan of him when wowowee was still in tfc,but his new tv show is not being shown in cali,i watched the youtube of janjan,ishould say that it was really done in poor taste,sana maresolba na itong issue na ito.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 987  enorthridge

    04/11/2011 | 11:55 AM
    Mr. Revillame, you don't have to brag donating 1 million to bantay bata. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi lang sa pera kundi sa maraming paraan at hindi na dapat pinagyayabang ito. KARMA, ito ang nagyayari sa iyo ngayon. And, even though you have millions, you cannot buy peace of mind and true happiness. You are surrounded by people who are after your millions. I feel sorry for you!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 986  josie123

    04/11/2011 | 11:26 AM
    si willie ang second coming ni erap. kahit ano pa ang sabihin ang mga haters, mahal siya ng masa, at mataas pa rin ang rating. kung gusto mo talagang makatulong sa tao, lumaban ka sa politica.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 985  qwerty_07

    04/11/2011 | 11:15 AM
    kakatawa si lilaco8o8. 24-7 para kay willie.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 984  23happy

    04/11/2011 | 11:15 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 983  maria45

    04/11/2011 | 11:14 AM
    Mayroon lang ho akong hind naiintindihan sa situation na ito.. Bakit po ang Kulit Bulilit walang reklamo ng Child abuse itong mga artistang ito, at kay Jan Jan meron..yun lang po.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 982  Noname

    04/11/2011 | 10:28 AM
    Numbero unong feelingero eh puro kayabangan lang naman ang alam... sus! magtigil ka nga willie
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 981  evasantostsuk

    04/11/2011 | 10:13 AM
    ang sabihin mo willie masyado ka nag MAYABANG. Feeling mo porke nkkapgbigay ka ng pera sa mga mahihirap mabait ka na. Palagay mo ba kung d sa perang binobigay mo maraming pupunta sa show mo? Ang hirap kasi sayo masyado ng lumaki ang ulo mo. Padrama effect ka lagi pag meron kang issue. Tanggapon mo na lang kasi na nagkakamali ka rin. Ang problema lagi ka na lang BIKTIMA.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 980  lilac0808

    04/11/2011 | 10:09 AM
    Iyong kay kris A. limpak limpak na papremyo ... namimigay din, bakit walang nanonood? hahaha iyon ba ang ibig sabihen ng walang charisma sa madla?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 979  lilac0808

    04/11/2011 | 10:07 AM
    oo nga ano, bakit iyong happy yucky namimigay din pero kulelat pa din walang nanonood tinambakan na nga ng artista wala pa din nanonood? Samantala kay Willie, walang artista mga nameless at mga pinulot lang sa tabi tabi ang guest bakit patok ang nanonood? patok sa commercial pataok sa rating. Bakit kaya?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 978  cutie22beige

    04/11/2011 | 10:00 AM
    pathetic!yabang kasi...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 977  Patootee

    04/11/2011 | 09:53 AM
    Kung di kaya ni Willie mag handle ng criticism,I think he should retire showbiz.Kasi pag artista ka,ikaw ay isang public figure.And being a public figure,you give the people the license to observe and criticize you.Willie should have accept criticism in a sporting way-and not threatening other people,especially endorsers and fellow artist,by telling the masa not to support them.He is such a bully and to think he's just a gameshow host.Pero if Willie want's to blame someone,he should blame Jan-jan's parents for misguiding the boy.Dancing is normal but a 6 year old kid doing a macho dance is not normal.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 976  ask_me_to_stay

    04/11/2011 | 09:26 AM
    Nandamay ka pa at nag name drop ng show... masyado ka kasing mataas willie, matuto kang magpakumbaba at ng makuha mo ang peace of mind na gusto mo.. pero kung makakapag pasaya sayo ay yung sundin ka ng lahat ng tao sa paligid mo, hindi ka diyos para diktahan ang mga tao sa paligid mo. Iyan ang karma mo sa mga ginagawa mo sa taong tumutulong sa iyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 975  ucsera

    04/11/2011 | 09:22 AM
    Ay sus tama na ang paninisi sa iba ang mali ay mali hindi dapat naninisi ng iba para lang madepensahan ang sarili. Tama lang na tumigil na siya sa pinaggagawa niya. At salamat sa mga sponsors na nakapag-isip isip at nagising sa katotohanan. Hindi puro pera ang katumbas ng pagtulong. Sige nga wag siya mamigay ng pera sa show niya sa mga audience at tignan natin kung may manood pa ng show niya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 974  ali_bang_bang

    04/11/2011 | 09:21 AM
    wala ho tayong magawa kung maraming tao na may sakit na CELEBRITY WORSHIP SYNDROME kahit mali ang IDOL sige pa rin IDOL na IDOL pa rin wala tayong magawa yan ang tinatawag na DEMOKRASYA
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 973  bus_stop

    04/11/2011 | 09:16 AM
    oo kaya ni willie ito kasi pang ilang beses na ba ito?paulit-ulit walang pagbabago!kasi yun talaga sya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 972  itnok

    04/11/2011 | 08:41 AM
    kaya mo yan willie, hindi ito ang pinakagrabe sa mga pinagdaanan mo- isa pa mamamatay din tayong lahat at sa kahuli hulihan Diyos ang huhusga sa atin, kaya hayaan mo lang yang mga mapanghusgang holier than thou na mga yan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 971  bus_stop

    04/11/2011 | 08:40 AM
    959 maraya hello! oo tama ka sa mga sinabi mo,kaya sa totoo lang hindi puwedeng humawak si willie ng live show,at siguro yung director ng show walang lakas ng loob na sawayin si willie dahil sya ang nasusunod.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 970  lilac0808

    04/11/2011 | 08:36 AM
    di ko siya masisi , ikaw ba naman pagkaisahan ng mga haters. Pero, ang maganda lang love siya ng masa... tingnan mo ratings noong sabado, talo ang katapat. Ibig sabihen , the same haters noon at ngayon . Walang umiiwan kay Willie at mas nadadagdagan pa. People always love the underdog at isa na ako doon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About