Carmina Villaroel says she and Zoren Legaspi are still together because they give each other space; has no news on Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari

Rommel Gonzales
Saturday, April 09, 2011 @ 02:06PM  |  93 views

 

Will Carmina Villaroel be surprised if ex-husband Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari decides to get married?

"Hindi na yata ako magugulat pa kasi parang feeling ko todo na ito, man! ... E kasi kung iyon naman ang feeling niya hindi na rin ako magugulat. Kasi kung iyon naman ang wish niya, hindi na ako magugulat," she says.

 

 

Photo By: Courtesy of GMA-7













Gusto ni Carmina Villaroel ang idea na magkaroon ng Celebrity Edition ang Amazing Cooking Kids na mga anak nila nina Aiko Melendez at Ruffa Gutierrez ang mga contestants.

Sila noon ang tatlo sa prized possessions ng Regal Films at binansagang Underage Girls 2, na sumunod sa mga yapak ng original Underage Girls na sina Maricel Soriano, Dina Bonnevie and Snooky Serna.

"Gusto ko yan! May Channel 5 [Ruffa] may Channel 7 [Carmina]. gusto ko yan. Diyos ko, baka wala kaming suwelduhin," ang tawa nang tawang pahayag ni Carmina na host ng Amazing Cooking Kids na mapapanood na sa Sabado, April 16, 11:15 a.m. sa GMA-7.

Samantala, PEP (Philippine Entertainment Portal) found out na tuloy ang communication ni Carmina kina Aiko at Ruffa.

"Oo naman, palagi, lalo na dahil sa Blackberry, di ba, especially kami ni Aiko halos every day. Kasi gumawa ako ng grupo naming apat; ako, si Gelli [de Belen], si Candy [Pangilinan], si Aiko. So every day nag-uusap kami. Si Ruffa din madalas din, dahil nga sa Blackberry tsaka sa Twitter.

"Tsaka pag may nabasa ako, i-BBM ko siya. Tsaka si Ruffa naman, ever since kahit nung nasa Turkey pa siya hilig nun yung nagsusulat nagte-text, yung talagang napaka-ano niyan, nagre-reach out talaga siya sa mga kaibigan niya.

"So what more yung nandidito siya? In fact siya yung 'O tara,  mag-ano naman tayo, let's go out!'"

Nalungkot si Carmina sa hiwalayan nina Aiko at Bulacan Mayor Patrick Meneses.

"Siyempre nakakalungkot kasi matagal din sila pero hindi pa kami nakakalabas para pag-usapan iyon ng bonggang-bongga so hanggang dun lang. Sinabihan lang kami, hindi pa masyadong ma-detalye kasi napapagod daw siya [pagpindot] sa fone kasi ang haba."

Hindi pa dumating sa point na humingi sa kanya ng advice si Aiko.

"Wala naman, kasi nung sinabi niya sa akin hiwalay na sila e, so siyempre kaming mga kaibigan niya mga words of encouragement na lang na 'O kaya mo yan', siyempre di ba?"

STILL TOGETHER. Sila ni Zoren Legaspi, nananatiling matibay ang relasyon. Ano ang sekreto?

"Wala e, siguro... ano nga ba? Siguro swak lang kami. We give each other space.  Natuwa lang ako sa sinabi ni Zoren na he knows that he's taken but I don't make him feel that he's taken.

"Walang sakalan. Ako pa nga ang nagsasabi sa kanya na 'Labas ka naman!'

"Siguro kasi nga dahil rin naman sa kanya kaya may trust ako sa kanya.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

14 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name