Alvin Aragon and Izzy Trazona plan to marry in 2012. They want to have children but only after they're married:

"Actually gusto na rin ni Izzy e, napag-uusapan, gusto na niya pero siyempre [after the wedding]," says Alvin.

Photo: Noel Orsal & igma.tv

From Churchmates to Soulmates...

March 6, 2011 nang mag-propose ang StarStruck Season 1 Avenger na si Alvin Aragon sa dating SexBomb Girl na si Izzy Trazona. At nitong April 1 ay namanhikan na si Alvin sa pamilya in Izzy.

At kahapon, April 9, Sabado, live na nag-guest sina Alvin at Izzy sa StarTalk TX upang ilahad ang kuwento ng kanilang pag-iibigan at nalalapit na kasal.

Nagkakilala ang dalawa dahil pareho silang miyembro ng Victory Christian Fellowship, at ayon sa kuwento ni Izzy...

"Nagtanong na po siya sa akin ng February 16, nagtanong po siya kung puwede na daw kaming maging exclusive. E, hindi po ako makasagot, sabi ko pagpi-pray ko po muna!" ang tumatawang pahayag ni Izzy.

"E, di iyon po, pinag-pray ko po muna sinagot ko po siya nung February 18."

Tinanong naman ng StarTalk host na si Manay Lolit Solis si Alvin kung okay kay Izzy ang pagkakaroon ni Alvin ng anak. May anak kasi si Alvin from a previous relationship sa isang non-showbiz girl.

"Actually nagkita na sila, e. Nagkita na sila noon at saka nagkita sila nang nakaraan sa Galleria at nakapag-usap sila," sagot ni Alvin.

Tinanong naman ng isa pang StarTalk host na si Joey de Leon si Alvin kung paano niya ipinaalam kay Athena (Alvin's daughter) at sa ina ng bata na magpapakasal na siya kay Izzy.

"Actually hindi pa namin nakakausap si Athena personally," sabi ni Alvin. "Nung Wednesday pumunta kami doon kaya lang hindi na sila doon nakatira, nakalipat na sila ng bagong bahay."

Wala kay Alvin ang kanyang anak, nasa pangangalaga ito ng ina at tiyahin ng bata.

"Tapos yung tita niya nag-message sa FaceBook, alam na daw ni Athena, tapos iniimbitahan kami ni Izzy na pumunta kami doon sa bahay nila."

May sariling buhay na rin daw ang ina ni Athena.

"Meron, meron na siyang bagong buhay, may bagong pag-ibig na rin siya," nakangiting pahayag ni Alvin.

Kailan nila planong magpakasal ni Izzy?