Bilang isang fan, kakaibang Bea Alonzo umano ang nakita ni Vic Sotto nang magkatrabaho na sila para sa upcoming movie ng M-Zet Productions at Star Cinema, ang Pak! Pak! My Dr. Kwak!.
Sa grand press conference ng pelikula noong nakaraang Huwebes, Abril 7, sa Dolphy Theater, ABS-CBN compound, Quezon City, inamin ng komedyante na isa siyang masugid na tagahanga ng award-winning young actress.
At dahil nga sa pelikula, marami siyang nalaman tungkol sa Kapamilya actress.
Kuwento ni Vic, "Dati pinapanood ko lang sa pelikula ito, e. Fan ako ni Bea at saka ni John Lloyd [Cruz], e. Kaya kapag nadadaanan ko sa telebisyon, nanonood ako. Siyempre, 'yon lang ang kilala kong Bea Alonzo, 'yong ka-loveteam ni John Lloyd. Hindi ko naman kakilala personally.
"When I first met her, parang isang cast meeting, nagkakilala kami. I felt comfortable right away kasi kung ano 'yong inaakala kong Bea Alonzo na mabait.... Minsan nagkakamali ka, e. Akala mo mabait pero hindi naman pala, parang hindi mo mabiro. E, nakita ko na she's very down to earth, nice to be with, funny, and she's very intelligent."
Samantala, bagamat mas nakita na ang galing ni Bea sa mga drama, pinatunayan naman ng Prince of Comedy na kaya ring sumabak ng young actress sa mga nakakatawang eksena.
"If you'll notice, parang ibang Bea ang mapapanood niyo rito," sabi ni Vic. "Parang dito ko lang nakita si Bea na tumutulo ang laway, e. Pero doon mo makikita na magaling. Kumbaga sa luha, on cue 'yong tulo ng laway. Hindi ano 'yon, e, hindi effects 'yon, natural 'yon.
"Magaling na artista si Bea. She knows how to react to situations, lalo na sa ginagawa namin ni Direk Tony [Reyes], na more of a situational comedy. So, 'yong reaction is very important para mas effective 'yong eksena. At hindi naging problema kay Bea, magaling siyang artista."
At upang ipakita pa ang paghanga ni Vic sa kagalingan ni Bea, sinabi rin niya, "Madalas kong sabihin ito, kapag ang artista ay magaling, hindi problema kahit saan mo siya dalhin, kung anumang sitwasyon mo siya paaartehin.
"Katulad ni Bea, alam namin na magaling siyang artista, so hindi kami nagdalawang-isip na isama siya sa all-out comedy."
WORKING WITH STAR CINEMA AGAIN. Samantala, hindi naman kaila na mas madalas na nakikita si Vic sa GMA-7, kaya naman may ilang nagulat at natuwa na gagawa siya ng pelikula sa ilalim ng movie production unit ng ABS-CBN, ang Star Cinema.
Kung tutuusin, hindi naman ito ang unang pagkakataon na magtratrabaho siya sa pelikula katuwang ang Star Cinema. Noong 1994, ginawa ni Vic ang pelikulang Hindi Pa Tapos Ang Labada, Darling, kasama ang dati niyang asawa na si Dina Bonnevie.
Dahil dito, hindi na nanibago si Vic nang simulan ang Pak! Pak! My Dr. Kwak!.
"Hindi naman ako bago sa Star Cinema, so I don't feel awkward or anything to that effect. I'm just very glad and I'll be back for more," sabi ni Vic.
Dagdag pa niya, "Originally, it was their proposal. Sila ang nag-alok sa akin if I want to do a movie na gano'n. Parang hindi ko kayang hindian dahil maganda 'yong project at wala namang problema sa ABS-CBN at Star Cinema.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
24 tvlover18
23 pinay123
22 verbatim2011
21 lizzy1230
20 verbatim2011
19 ezee_star
18 purpleyam
17 JohnnyThor
16 lovemusa
15 meghappiness
14 EBfanme
13 abscbn_14344
12 mookistar
11 PADUNGOL
10 ehemm
9 Kapatid_69
8 tatoyadik
7 gossipmonger
6 lynn_q8
5 eheh_pasaway
more comments