news

Kim Chiu to have three leading men in Binondo Girl

by Nerisa Almo posted on April 12, 2011  STATS: 14162 Views | 26 Comments

 

"Lahat naman po ng project may pressure. Hindi naman kampante dapat. Siyempre, mas nakakadagdag din 'yon ng motivation, 'yong pressure. Pero kampante naman ako sa project na ito and sigurado naman ako sa sarili ko na kakayanin ko," says Kim Chiu about being paired with three new leading men in her upcoming television series Binondo Girl.

Photo By: Sany Chua

Sa kanyang pagbabalik-primetime, hindi lamang isa kundi tatlong young actors ang makakapareha ni Kim Chiu sa upcoming ABS-CBN teleserye na Binondo Girl.

Itinuturing ni Kim na isang panibagong hamon ito sa kanyang showbiz career, lalo pa't sa halos lahat ng kanyang mga naging TV project ay kasama niya ang kanyang dating onscreen partner na si Gerald Anderson.

"Challenge para sa akin. Lahat ng series ko, kasama ko si Gerald. Ngayon, kakaibang teleserye," pag-amin ni Kim sa panayam sa kanya matapos ang story conference ng Binondo Girl noong Huwebes, Abril 7, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Hindi rin itinanggi ng young actress na karagdagang pressure ang magkaroon ng panibagong kapareha sa bagong teleseryeng kanyang pagbibidahan.

Gayunman, sabi ni Kim, "Lahat naman po ng project may pressure. Hindi naman kampante dapat. Siyempre, mas nakakadagdag din 'yon ng motivation, 'yong pressure. Pero kampante naman ako sa project na ito and sigurado naman ako sa sarili ko na kakayanin ko."

Umaasa rin siya na patuloy pa rin ang suporta ng mga naging tagahanga ng team-up nila ni Gerald, ang grupong mas kilala sa pangalang Kimeralds.

Ani Kim, "Siyempre, inaasahan ko pa rin sila and alam ko namang hindi nila ako pababayaan."


REUNIONS. Sa Binondo Girl, makakasama ni Kim sina Jolo Revilla, Xian Lim, at Matteo Guidicelli. Sa kanilang tatlo, si Jolo ang first time na makakatrabaho ni Kim.

Sa kabila nito, naniniwala si Kim na, "Magiging pamilya kami sa taping, magtutulungan."

Nakasama na ni Kim noon si Xian sa ilang episode ng Minsan Lang Kita Iibigin, samatalang si Matteo naman ay nakapareha na niya sa isang episode ng Sunday drama series niya noon na Your Song Presents Kim.

Muli ring makakatrabaho ni Kim ang mga batikang aktres na sina Cherry Pie Picache, na nakasama niya sa Tayong Dalawa; at si Ai-Ai delas Alas na nakasama niya sa Your Song Presents Maling Akala.

Sa kabuuan, inaasahan ni Kim na magiging maayos ang pagtanggap ng mga manonood sa Binondo Girl.

"Exciting at challenging na bumalik sa primetime kasi talagang nami-miss ko na 'yon and 'yong nakikita mo 'yong sarili mo gabi-gabi. Nakaka-miss, nakaka-excite," masayang pahayag ni Kim.

Sa kasalukuyan ay nasa U.S. si Kim kasama ang iba pang talents ng Star Magic para sa concert tour nila roon. Pero muntik nang hindi makasama sa grupo ang young actress dahil nanakaw ang passport niya sa mismong airport. Mabuti na lang at na-recover ito ngunit wala na ang passport holder niya na napagkamalang wallet.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

26 Comments

  • 26  lizzy1230

    04/13/2011 | 01:35 AM
    eto batang to payaman ng payaman kalilipat lang nya sa bagong house nya...eh ang iba jan tagal na sa showbiz wala pa dn bahay lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 25  Charllote11

    04/12/2011 | 10:38 PM
    To 23. Mukha namang matalino ka. Ano sa palagay mo bakit kaya sa dinami dami hundreds kamo na more talented at mas magagandang stars in abs-cbn, bakit si kim ang nabibigyan ng maraming projects, mapa tv, movie, advertisements, magazine covers, shows abroad etc.etc.etc. Bakit si Kim? Siguro naman alam mo ang sagot dyan. No brainer..Showbiz is business!!Magpapalugi ba naman ang isang negosyante.. na ipipilit ang isang produkto na hindi mabili ngf mga consumers...Kung flop at nalugi ang mga producer bakit nasundan at nasundan pa, Imagine, magpapalugi ba naman ang abs-cbn for 5 years para lang sa mga fans. Hay naku hindi pa kasi ma-admit na bitter.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 24  tili_2death

    04/12/2011 | 09:06 PM
    ayyy another Mano Po...ABSCBN style...sinong nanay niya sa teleserye si Sharon? Bilang Melinda Uy? Linisin nila ang Ongpin dumi dumi alikabok pa jan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 23  opinionisnotacrime

    04/12/2011 | 08:23 PM
    To Susanna 22.. Finally I've red a reaction with sense coming from one of kim fans. Thank you for respecting my opinion anyway, I respect yours too. I am sorry about what I have said but its true. I'm no bitter, I am just telling what I know but as what I said of all her fans I think you're one of the educated one.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 22  Sussana

    04/12/2011 | 07:54 PM
    Hindi ka naman bitter nyan no. 21 sa mga projects na binibigay kay Kim. Kung sa tingin mo di magaling si Kim opinyon mo yan at nirerespeto namin. Insane followers? Masakit ba tanggapin na marami ang nagmamahal kay Kim na sumusuporta sa kanya kaya dagsa ang endorsements at tvc niya? Sorry ka nalang dahil kaming mga insane followers eh todo sumuporta kay Kim gagastos kami hanggang kaya namin para kay Kim para lang mapasaya namin siya dahil napapasaya niya kami at naiinspire niya kami. God bless nalang sa mga bitter na tulad mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 21  opinionisnotacrime

    04/12/2011 | 07:41 PM
    There are hundred talents inside ABS camp who are all way way better than her when it comes to acting. She's always been getting projects because ABS believes that she has own room of followers, insane followers who patronized her whether she's good or not. But sad to say her fans couldn't have enough spirit to support her movies, it's all flop. And why she can't admit that she undergo some surgery for her nose and her front.. It's obvious..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  opinionisnotacrime

    04/12/2011 | 07:30 PM
    There are hundred talents inside ABS camp who are way way better than her when it comes to acting. She's always been giving projects because whether she's good or not her insane followers patronize her... but suddenly her fans can't get enough spirit to support her movies, all of her movies are FLOp..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  Lorraine1

    04/12/2011 | 07:09 PM
    YES!!!!! another blessing...kaya magpuputak na naman ang mga bitters at inggiters kay Kim Chiu!!!! Sorry na lang kayo kahit anong paninira nyo.. ayan umaapaw ang blessings.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  Einstein_1

    04/12/2011 | 06:49 PM
    bano umarte,, no wonder.. hindi ngrerate ang mga movies at shows niya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  utotngpinoy

    04/12/2011 | 06:30 PM
    no. 10, engot ka? hehe, kung di kumita ang Your Song, eh di sana walang kasunod na project ang artista. engot. haaayyy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  giantoptics

    04/12/2011 | 05:45 PM
    so looking forward to this soap of kim chiu..very refreshing dahil for the first time iba partner nya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  Luisa1717

    04/12/2011 | 04:49 PM
    Balita ko magtataping din sila sa China wow lalo akong naexcite. Go Kim Chiu!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  Pinkylou

    04/12/2011 | 04:47 PM
    BINONDO GIRL FTW!!! Sana isama nalang si Renz Fernandez as one of the leading men bagay sila ni Kim malakas ang chemistry nila.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  Fedith

    04/12/2011 | 04:41 PM
    Sobrang excited na kami sa pagdating ng BINONDO GIRL. We love you Kimmy! We're here to support you! Miss na miss ka na namin sa primetime.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  DUBAIEYE

    04/12/2011 | 04:38 PM
    X clusivol- kelan p nging korean ang chinese? So papaano mgiging remake ng Koreana?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  exclusibo

    04/12/2011 | 02:13 PM
    remake ng Koreana.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  gemjustine

    04/12/2011 | 12:53 PM
    flop to thats for sure!!!.. ang pangit umarte kaya ni kim!! hahay.. anu nanaman tu abs... nakakasawa na.. di pa nadala sa your song nia.. eh talong talo ng mga tweens!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gutsykimmy

    04/12/2011 | 11:42 AM
    Really looking forward to Kim Chiu on primetime with Binondo Girl! Sa title pa lang PANALO NA! Go Kimmy! Alam na alam from the title na siya talaga ang lead ng teleserye! Galing galing din ng mga co-actors--Ai Ai, Cherry Pie, Glydel Mercado with the three LM - Matteo, Xian and Jolo! Good luck, God bless!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • davaowenia_ia

    04/12/2011 | 11:37 AM
    I am a kapamilya but all i can say is that SHE CAN'T ACT period..madami pang mas magaling at mas deserving sa kanya na talent ng ABS na naghihintay lang ng break..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • hit_d_way_u_lye

    04/12/2011 | 11:16 AM
    love ya kim... we're always looking forward for ur new shows via TFC.. and of course for ur upcoming movies and promotion abroad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About