"Noong mas bata ako, oo. But as you get older, you get to see things. You get to see different perspective. Siyempre, napapaisip-isip ka na rin na, 'Oo nga naman. Why would you let something na not real to bother you? Bakit mo pag-aaksayahan ng oras? Ng panahon? Ng damdamin ang hindi totoo?'" says Geoff Eigenmann about jealousy.

Photo: Noel Orsal

Consistent ang mataas na rating na nakukuha ng early primetime series ng GMA-7 na Magic Palayok, ayon sa survey ng AGB Nielsen Philippines sa Mega Manila households. (CLICK HERE to read the latest ratings result.)

Kahit nga nagkaroon ito ng bagong katapat na show—ang Mula Sa Puso ng ABS-CBN—ay napatunayan ng Magic Palayok, na pinagbibidahan ng magkasintahang Geoff Eigenmann at Carla Abellana at ang child star na si Angeli Nicole Sanoy, na may nabuo na itong following.

Ayon nga kay Geoff, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 17th floor ng GMA Network Center kagabi, April 12, "Umpisa pa lang kasi, big shoes to fill in na kami with Bantatay pa lang. Masaya kami kasi nasundan namin ang nagawa ng Bantatay. Masaya kami dahil yung pressure at the beginning noong ginagawa namin, the pressure was on us kung maitutuloy nga namin.

"Masaya kami dahil naituloy nga namin yun. Yung ine-expect ng management, naibigay namin. Yung ine-expect ng audience to see something different on us as actors, nabigay din namin. So, very happy, iba yung fulfillment."

ASO'T PUSA. Pero marami raw naiinis sa character ni Geoff sa Magic Palayok. Ano ang masasabi niya rito?

"Marami ngang naiinis, pero kinikilig pa rin sila kay Jude [his character] at kay Pilar [Carla]. So, one way or the other, pinapanood n'yo pa rin ang show, tumatawa pa rin kayo," sabi niya.

Nag-e-enjoy raw siya nang sobra sa character na inilalarawan niya.

"Sobra, ine-enjoy ko talaga. Laro talaga, e. Kunwari magri-rehearse kami, pero pagdating ng take, may maiisip pa akong iba na wala ito kanina. Merong mga scene na ako na talaga ang nag-i-inject.

"Minsan habang binabasa namin ni Carla ang lines, may naiisip ako para sa akin. May naiisip ako para sa kanya or the other way around. We're not just thinking of ourselves but we are thinking of each other which is good."

Para silang aso't puso sa show. Kailan naman kaya sila magkakasundo na at mapapanood na sweet na sa isa't isa?

"Actually, nagkakasundo naman kami pero nasisira lang. Pero marami pang hindi mapagkakasunduan na mangyayari.

"Like si Jay-R, pumasok na. Kasama naman siya originally, kaya lang nag-iba-iba na, nag-revamp na ng cast. Nag-ayos-ayos. Ngayon, lumabas na siya, nag-taping na. So, conflict din yun between us," banggit ng young actor.

ON JEALOUSY. Sa ngayon, hindi pa alam ni Geoff kung ano ang magiging follow-up project niya pagkatapos ng Magic Palayok dahil matagal-tagal pa ang itatakbo nito sa ere. 

Nang tanungin naman kung gusto niyang si Carla pa rin o ibang young actress naman ang makapareha niya, mabilis ang sagot ni Geoff na kahit sino raw.

"Ako naman, any, any... I enjoy working with Carla. I look forward to working with her. And working with someone new naman is always a pleasure rin kasi, bago, e. New ideas, e, new tandem.