"That would be nice. Pero ang hirap po kasi to get married early, mag-iiba ang priority mo. Just like any other person na magpapakasal, siyempre mag-iiba ang priority. Siyempre, pamilya na," says Carla Abellana on getting married and having children at a young age.

Photo: Noel Orsal

Masaya si Carla Abellana na nakapag-build na ng following ang tinatampukan niyang primetime series sa GMA-7, ang Magic Palayok. Masaya rin daw silang lahat sa set kaya positive ang kinakalabasan ng show nila.

"Masaya kami siyempre. Even more thankful na hindi bumitaw yung mga viewers. Kahit papaano, ever since the beginning, na-capture na namin talaga ang audience and loyal sila sa amin," kuwento ni Carla sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa pocket presscon para sa kanila ni Geoff Eigenmann last night, April 12, sa GMA Network Center.

Nagsimulang umere ang Magic Palayok noong February 28 ngayong taon.

In-expect ba nila sa umpisa pa lang na magugustuhan ng viewers ang show nila?       

"Hindi naman sa ine-expect, pero hindi ako kinabahan," sabi ni Carla. Alam kong maganda ang story, magugustuhan ng mga bata. At saka, hindi lang siya pambata, it's really for the whole family. 

"So, very confident ako from the beginning pa lang that with the good camaraderie in the cast at siyempre isang mahusay na director, confident ako na magugustuhan ng mga tao."

Ang Magic Palayok ay dinidirek ni Joel Lamangan.

RELATIONSHIP WITH GEOFF. Tungkol naman sa relasyon nila ni Geoff, tinanong ng press si Carla kung sa palagay niya ay deserving ang kanyang boyfriend para sa kanya.

"Kung deserving po siya? Of course, Geoff is deserving to have me. At saka mabait naman po si Geoff," sagot ng young actress.

Wala pa raw sa plano nila ni Geoff ang magpakasal.

"Wala pa po. Hindi rin naman po sa right age 'yan kung hindi yung right moment na mararamdaman mo na lang."

Hindi ba nila gusto yung idea of getting married and have children at a young age?

"That would be nice," nakangiting sagot ni Carla. "Pero ang hirap po kasi to get married early, mag-iiba ang priority mo. Just like any other person na magpapakasal, siyempre mag-iiba ang priority. Siyempre, pamilya na."

SEPARATED PARENTS. Si Carla ay anak ng aktor na si Rey "PJ" Abellana sa dating actress-model na si Rhea Reyes, habang si Geoff naman ay anak ng mga artistang sina Gina Alajar at Michael de Mesa. Parehong hiwalay na ang kani-kanilang mga magulang.