news

Parents of Jan-Jan file libel case against child psychologist and two bloggers

by Nerisa Almo posted on April 13, 2011  STATS: 56601 Views | 640 Comments

 

Jan-Jan's parents, Jojo and Diana Suan, claimed that they have been transferring homes since controversy over the March-12 episode of Willing Willie, where their son appeared, started. Willing Willie is a game-variety show hosted by Willie Revillame (in photo).

Photo By: Melo Balingit

Nagsampa ng kasong libelo ang mga magulang ni Jan-Jan Suan, ang six-year-old contestant sa March 12 episode ng variety-game show na Willing Willie, laban sa child psychologist na si Dr. Ma. Lourdes "Honey" Carandang kaninang umaga, Abril 13, sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kasama rin sa kinasuhan ng mag-asawa ang mga bloggers na sina John Silva at Froilan Grate. Matatandaan na pareho nilang inilathala sa Internet, sa blog, at sa Facebook ang kanilang pagkadismaya sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan makailang ulit na nagsayaw ng "macho-dance routine" ang bata.

Sa ulat ni Jing Castañeda ng ABS-CBN News, sinabi nina Jojo at Diana Suan na ang patuloy na pagsabing biktima ng child abuse ang kanilang anak ay nagdulot sa kanila ng "dishonor, discredit or contempt."

Muli ring inulit ng mga magulang ni Jan-Jan na hindi nila pinilit ang kanilang anak na sumayaw. Gayundin, hindi rin sila naniniwala na may pang-aabusong nangyari, lalo pa ang hayaan maabuso ang kanilang anak kapalit ng pera.

Iginiit din ni Jojo na ang mga taong nang-aabuso sa kanilang anak ay yung mga patuloy na umaakusa at nagsasabi ng negatibong komento tungkol sa kanila.

Binanggit din ng ama ni Jan-Jan na dahil sa mga pangyayari, hindi na sila nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang linggo at palipat-lipat na rin sila upang magkaroon ng kaunting privacy.

Samantala, muling kinuwestiyon ni Atty. Leonard de Vera, ang legal counsel ng Willing Willie host na si Willie Revillame, ang akusasyon ni Dr. Carandang na naabuso ang bata dahil hindi pa man umano niya nakakausap nang personal si Jan-Jan o ang kanyang pamilya.

Para kay Atty. de Vera, ang sulat ni Dr. Carandang sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay naging dahilan din ng pagsasagawa ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at MTRCB.

Sinabi pa niya na maaring bahagi si Dr. Carandang ng kilusan upang sirain si Willie at ang programa niya.

At katulad ng kanyang mga naunang pahayag, muling inulit ni Atty. de Vera na konektado si Dr. Carandang sa ABS-CBN.

Aniya, si Dr. Carandang ay nagtratrabaho bilang consultant at resource person ng ABS-CBN personnel-related activities ng kumpanya.

Matatandaang may alitan ang ABS-CBN at si Willie Revillame, na humantong sa korte, dahil sa paglipat ng host sa TV5 habang may kontrata pa ito sa ABS-CBN.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

640 Comments

  • 60  reenigne83

    04/13/2011 | 07:57 PM
    ayan na ang na pala ni John Silva malaki problema nya yan maghahanap ng abogado kinakalaban pa naman si Atty.Espinosa at TV5 nag akusa pa na pedophiles sila may pa sulat sulat pa sa mga advitiser patay sya ngayon tignan mo tumahimik na kalabanin mo si Espinosa na Ateneo Bar Topnotcher.mga mgagaling kasi ang mga pinoy mga concern daw sa mga bata.yong mga anti Willie tulongan nyo si Silva makabayad ng abogado.na problema si Silva na siya din ang may gawa.Saan sya kukuha ng million ibabayad nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  global2010

    04/13/2011 | 07:54 PM
    dito na mauubos ang milyones ni WR, sa kakademanda ng kung sinu-sino...power tripper talaga...hayyy...kung nag-sorry lang sya at hindi na nagbanta pa edi tapos na to matagal na. oh well, mukha namang na-eenjoy nya ang kanyang popularity, lalo't lumabas na rin ito sa international media.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  nhegsie

    04/13/2011 | 07:53 PM
    nakakatawa ang nagsasabi na taga-ABS ang may pakana ng lahat na ito... kaya maraming bata o tao ang inaabuso dahil walang pakialam ang mga nasapaligid. May mga taong gumagawa ng masama pero deadma lang ang iba.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  opinionisnotacrime

    04/13/2011 | 07:52 PM
    They are paid to do that... They're crazy parents allowing those people to decide for them... On their own they wouldn't even think of filling any case against to the people concerned to their child... You are really a disgrace parents... What kind of parenthood they know, they're choosing money over their child rights... Given that what happened to that freaking show happens and became this big already, this parents should have shut their mouth off or should even do something to avoid this issue so it wouldn't affect much the kid, a kid been thru alot in couple of weeks, he deserve to go somewhere where he will be relaxed and mind free with this issues... but what this parents doing, riding in the issue, accepts money.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  nhegsie

    04/13/2011 | 07:49 PM
    of course, the abuser and the abused would deny the abusing. Hindi naman lahat ng oras ay may panga-abuso, may mga times na masasaya din sila. But the fact remains, it would be a cycle of abuse and happiness inside the household. Kaya maraming tao especially sa mag-asawa--lalake man o babae-- na binubugbog na ng mga asawa physically, verbally, emotionally and mentally ay hindi pa rin makuhang iwanan ang asawa nila dahil akala nila kapag nag-sorry ay masaya ulit sila. Being abused is just a cycle.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  pinaypay1

    04/13/2011 | 07:46 PM
    Ipasuri si Janjan sa child psychologist to find out any molestations or exploitations happenning on or before the event on tv. In my opinion, Janjan has been brainwashed to do that particular action on tv. There must some kind of neglect on the side of the parents. Sorry to say.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 54  thegoodlife

    04/13/2011 | 07:46 PM
    If you are a regular viewer of WW. Everyday dun sa portion na yun umiiyak ang mga contestants. Matanda bata lalaki babae etc. Kasi emotional sila sa hirap ng buhay at gusto manalo. Kasama na din dun yung nagpapaawa kay Willie. Lahat din dun binibigyan ng 10,000 kahit anung talent ang ipakita mo. Kung hindi ka regular na nanood ng WW huwag ka ng manghusga ng kapwa mo. Kung nakikisawsaw ka lang magimbestiga ka muna.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 53  thegoodlife

    04/13/2011 | 07:41 PM
    If you watched the family at Willing Willie eh napaka masayahin ng pamilya. Walang malisya sa kanila yun. Even yung tatay nag sample ng ganun sayaw sa show. Mahirap sila pero masaya sila. May mga pamilya talaga na ganyan sa kanila hindi bastos yun talent yun. Ang nagpalala nito eh yung mga taong madumi ang isip, nanghusga agad na pinanood ang edited version sa YOutube at hindi muna inalam at pinanaood ang buong video. May laban si Willie dito dahil wala naman siyang ginawang pamimilit sa bata o pamilya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 52  mark67

    04/13/2011 | 07:39 PM
    I wonder who EXCLUSIBO IS? I bet it's Christy Fermin! She usually use that word sa gossip show nya. Come on now!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 51  iloveangel

    04/13/2011 | 07:36 PM
    hihihi..pikon tulad ng idol niya...hihihi
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 50  pinaypay1

    04/13/2011 | 07:35 PM
    CRESHIA CRESHIA - hindi ba pinilit si Janjan, e bakit umiiyak yung bata? He looked so confused. So ikaw pala okey lang sayo noh na pasayawin yung anak mo ng striptease in front of so many people for Php10,000? Wow!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 49  iloveangel

    04/13/2011 | 07:35 PM
    hindi siguro malaking issue kung hindi pinaulit ulit .. pinagkatuwaan nila ang walang kamuwang-muwang na bata!..poor little child!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 48  wise_mico

    04/13/2011 | 07:34 PM
    Papayag kayang maging counsel nila si Atty. Presida Rueda Acosta? Dalhin na lang sa Face to Face ang issue na to. LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 47  princessconsort

    04/13/2011 | 07:34 PM
    I hate to agree with the parents but the person who uploaded the edited video must pay a price. And those who maligned the parents before any thorough family background investigation was done must likewise pay. This does not however exempt Willie and the show for overdoing it that night - showing no discretion and being insensitive once the boy started crying on live tv.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 46  toronto_ca

    04/13/2011 | 07:33 PM
    dapat kasi noon pang natututo ang bata na sumayaw ng ganyan sinuway na ng magulang e ang kaso pinasayaw pa sa tv kasi daw un ang talent......talent ang pagsasayaw pero d talent ang pagsasayaw ng malaswa lalo na kung 6 yrs old lang ang sumasayaw...dna ako magtataka kung bakit natutunan ng bata yan dahil sa tatay na x-men
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 45  misstoe

    04/13/2011 | 07:32 PM
    Nge, magkano naman kaya ang binayad ni Willie sa mga parents ni Jan jan..siguro malaki. Willie, give up kana, you lost..pull out na mga sponsors mo, ilang chances ba ang ibibigay sa iyo para maging humble ka ha...pati presidente dinadawit mo pa diyan, yabang mo sino kaba..hoi, in case you didn't notice, natalo yung kandidato mo...tse...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 44  exclusibo

    04/13/2011 | 07:31 PM
    Inggit lang talaga ang ABS sa TV5 dahil nandyan si Willie at walang magawang matinong programa ang ABS pamalit. Kaya naman ang mga Kapamilya sukdulan ang galit kay Willie. Layasan ba naman ang ABS. Ayan ang nangyari ay HYY.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 43  exclusibo

    04/13/2011 | 07:29 PM
    PLDT ang nasa likod ng TV5. Dapat lang lumaban din dahil sino ba iyang MTRCB na iyan at kung ano anong Commission diyan. Dalhin mo ang iyan sa korte at kung hindi tumingin iyan sa langit at humingi na saklolo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 42  creshia

    04/13/2011 | 07:29 PM
    PINAYPINAY1 nasusuka ka sa paulit ulit na macho dancing na hinde naman pinilit at ginawa pang talent? hinde ka ba nasuka sa pagaakusa mo na pera pera lang ang dahilan kaya nagdemanda ang pamilya nung bata? girl, who are you to judge this family? pinakain mo ba sila? may napulot ka na bang bata na nagrurugby sa daan to make you look credible with your accusations?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 41  purong_kapamilya

    04/13/2011 | 07:28 PM
    Ay kapal naman ng mukha ng magulang ng bata..weeeeeeeeee sino nagbigay ng anda??
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About