news

Parents of Jan-Jan file libel case against child psychologist and two bloggers

by Nerisa Almo posted on April 13, 2011  STATS: 56841 Views | 640 Comments

 

Jan-Jan's parents, Jojo and Diana Suan, claimed that they have been transferring homes since controversy over the March-12 episode of Willing Willie, where their son appeared, started. Willing Willie is a game-variety show hosted by Willie Revillame (in photo).

Photo By: Melo Balingit

Nagsampa ng kasong libelo ang mga magulang ni Jan-Jan Suan, ang six-year-old contestant sa March 12 episode ng variety-game show na Willing Willie, laban sa child psychologist na si Dr. Ma. Lourdes "Honey" Carandang kaninang umaga, Abril 13, sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kasama rin sa kinasuhan ng mag-asawa ang mga bloggers na sina John Silva at Froilan Grate. Matatandaan na pareho nilang inilathala sa Internet, sa blog, at sa Facebook ang kanilang pagkadismaya sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan makailang ulit na nagsayaw ng "macho-dance routine" ang bata.

Sa ulat ni Jing Castañeda ng ABS-CBN News, sinabi nina Jojo at Diana Suan na ang patuloy na pagsabing biktima ng child abuse ang kanilang anak ay nagdulot sa kanila ng "dishonor, discredit or contempt."

Muli ring inulit ng mga magulang ni Jan-Jan na hindi nila pinilit ang kanilang anak na sumayaw. Gayundin, hindi rin sila naniniwala na may pang-aabusong nangyari, lalo pa ang hayaan maabuso ang kanilang anak kapalit ng pera.

Iginiit din ni Jojo na ang mga taong nang-aabuso sa kanilang anak ay yung mga patuloy na umaakusa at nagsasabi ng negatibong komento tungkol sa kanila.

Binanggit din ng ama ni Jan-Jan na dahil sa mga pangyayari, hindi na sila nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang linggo at palipat-lipat na rin sila upang magkaroon ng kaunting privacy.

Samantala, muling kinuwestiyon ni Atty. Leonard de Vera, ang legal counsel ng Willing Willie host na si Willie Revillame, ang akusasyon ni Dr. Carandang na naabuso ang bata dahil hindi pa man umano niya nakakausap nang personal si Jan-Jan o ang kanyang pamilya.

Para kay Atty. de Vera, ang sulat ni Dr. Carandang sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay naging dahilan din ng pagsasagawa ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at MTRCB.

Sinabi pa niya na maaring bahagi si Dr. Carandang ng kilusan upang sirain si Willie at ang programa niya.

At katulad ng kanyang mga naunang pahayag, muling inulit ni Atty. de Vera na konektado si Dr. Carandang sa ABS-CBN.

Aniya, si Dr. Carandang ay nagtratrabaho bilang consultant at resource person ng ABS-CBN personnel-related activities ng kumpanya.

Matatandaang may alitan ang ABS-CBN at si Willie Revillame, na humantong sa korte, dahil sa paglipat ng host sa TV5 habang may kontrata pa ito sa ABS-CBN.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

640 Comments

  • 320  yaralei

    04/14/2011 | 04:37 AM
    naku lilaco808 wag ibahin ang topic naubusan ka na yata ng pang aatake sa mga ibang pepters kaya yong grammar nila ang inaatake mo...the issue here is about the bulldog aka papi na hindi marunong umamin ng kasalanan...its not uncommon now a days kasi nga di ba uso ngayon sa text? dapat alam mo yan...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 319  xxxjmb

    04/14/2011 | 04:33 AM
    skylec hahahaha ok ka din ah..kun sabgay may ponto ka dyan.. ito kasi c lilac808 pinagbibintangan ako ng kung ano ano..ni wala nga akong may nabanggit na cristy fermin tapos sasabihan nya ako na tinawag ko daw userfriendly..eh sabi ko sa kanya ipakita mo ebidensya,sinagot ba namn ako na ako daw yon kasi ang ingles hakhak..hhahahah...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 318  camcam123

    04/14/2011 | 04:31 AM
    very obvious na strategy ito ni att de vera with willis money on hand.....hahaba pa ito....aabot pa ito sa court of appeals
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 317  Skylec

    04/14/2011 | 04:20 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 316  xxxjmb

    04/14/2011 | 04:15 AM
    Lilac808 d ako nahihinya magtagalog at kinararangal ko yan.pero coming frm u to correct me as f ikaw magaling? asikasuhin mo muna spelling mo at mabuti nga mag tagalog ka na lg.and dont tell me wat kind of language i am goin to use! May freedom of speech tau dito kung gusto mo magkarabao dyan go ahead.or u might want me to lecture u. dadak ka ng dadak dyan hak hak ka rin..carabao ka ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 315  prettywoman_92

    04/14/2011 | 04:14 AM
    lilaco8o8..kaya nga naging objective ang mga taong gusto interviewhin si jan2x para hindi maging biased..OBJECTIVE IS A PIECE OF INFORMATION...paano mo makukuha ang information kung ayaw nila magptingin sa psychologist...and yes you are right,good refences ang kailangan..NOW TELL ME KUNG MAGALING KA ISA ISAHIN MO MGA REFENCES SA CASE NI JAN2X.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 314  xxxjmb

    04/14/2011 | 04:13 AM
    Lilac808 d ako nahihinya magtagalog at kinararangal ko yan.pero coming frm u to correct me as f ikaw magaling? asikasuhin mo muna spelling mo at mabuti nga mag tagalog ka na lg.and dont tell me wat kind of language i am goin to use! May freedom of speech tau dito kung gusto mo magkarabao dyan go ahead.or u might want me to lecture u.boooh baaah dadak ka ng dadak dyan hak hak ka rin..carabao ka ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 313  xxxjmb

    04/14/2011 | 04:08 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 312  lilac0808

    04/14/2011 | 04:07 AM
    next time, xxxjmb tagalog na lang tayo, ako hinde ako nahihiya mag tagalog..hak hak... importante nagkakaintindihan tayo dito.. hak hak!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 311  lilac0808

    04/14/2011 | 04:02 AM
    okay lang wrong grammar , pero masyado mong short cut.. kaya nawawala ang thoughts..hak hak.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 310  neophyte

    04/14/2011 | 04:02 AM
    Is Willie gonna pay for JANJAN'S lawyer. I dont care, HE CAN DO WHATEVER HE WANTS WITH HIS MONEY. Although, I don't MIND BORROWING CASH FROM HIM. The trouble is, it seems like WILLIE does not lend money LOL, HE GIVES THEM AWAY!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 309  lilac0808

    04/14/2011 | 04:00 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 308  xxxjmb

    04/14/2011 | 04:00 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 307  xxxjmb

    04/14/2011 | 03:58 AM
    Lilac808 u seemed so overlyconfident of yourself! ikaw ano ka kaya mag ingles? Bka ingles ng cockhead...kung hndi ka nakakaintindi bumalik ka sa kinder or prep..booo baaah
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 306  lilac0808

    04/14/2011 | 03:57 AM
    xxmjb, correction hinde ako nagpupuna kasi wrong grammar ka , ang akin lang naiiba iyong meaning pag iniinglish mo.. kaya naiiba din ang answer ko kasi di ko ma gets ang gusto mong sabihen doon sa gusto mong iparating. Gayan ng gustong mong tawagin si cristy fermin na friends user, ginawa mong user friendly..hak hak.!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 305  neophyte

    04/14/2011 | 03:57 AM
    Janjan family have all the right to file a lawsuit. Can they afford it? I dont care, basta HUWAG SILANG UUTANG SA AKIN!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 304  indiahenretta

    04/14/2011 | 03:54 AM
    riafern WHOEVER YOU ARE! Masaydo kang PIKON and WAR FREAK katulad ng IDOL MO! Pati pag englisg ng mga tao dito, nang GIGIL ka sa GALIT. RELAX ang blood pressure mo, baka matulad ka sa IDOL mong si Mr. Revillame.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 303  lilac0808

    04/14/2011 | 03:53 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 302  xxxjmb

    04/14/2011 | 03:51 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 301  xxxjmb

    04/14/2011 | 03:49 AM
    Lilac808 eh ikaw kya magtagalog at e korek mo ang enterpretation mo ha..it is interpretation...ok? kaya wag mo akong e korek! check mo grammar mo..or bka dka marunong magcompose ng sentence n a straight ingles..cge show u can
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About