news

Parents of Jan-Jan file libel case against child psychologist and two bloggers

by Nerisa Almo posted on April 13, 2011  STATS: 56617 Views | 640 Comments

 

Jan-Jan's parents, Jojo and Diana Suan, claimed that they have been transferring homes since controversy over the March-12 episode of Willing Willie, where their son appeared, started. Willing Willie is a game-variety show hosted by Willie Revillame (in photo).

Photo By: Melo Balingit

Nagsampa ng kasong libelo ang mga magulang ni Jan-Jan Suan, ang six-year-old contestant sa March 12 episode ng variety-game show na Willing Willie, laban sa child psychologist na si Dr. Ma. Lourdes "Honey" Carandang kaninang umaga, Abril 13, sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kasama rin sa kinasuhan ng mag-asawa ang mga bloggers na sina John Silva at Froilan Grate. Matatandaan na pareho nilang inilathala sa Internet, sa blog, at sa Facebook ang kanilang pagkadismaya sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan makailang ulit na nagsayaw ng "macho-dance routine" ang bata.

Sa ulat ni Jing Castañeda ng ABS-CBN News, sinabi nina Jojo at Diana Suan na ang patuloy na pagsabing biktima ng child abuse ang kanilang anak ay nagdulot sa kanila ng "dishonor, discredit or contempt."

Muli ring inulit ng mga magulang ni Jan-Jan na hindi nila pinilit ang kanilang anak na sumayaw. Gayundin, hindi rin sila naniniwala na may pang-aabusong nangyari, lalo pa ang hayaan maabuso ang kanilang anak kapalit ng pera.

Iginiit din ni Jojo na ang mga taong nang-aabuso sa kanilang anak ay yung mga patuloy na umaakusa at nagsasabi ng negatibong komento tungkol sa kanila.

Binanggit din ng ama ni Jan-Jan na dahil sa mga pangyayari, hindi na sila nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang linggo at palipat-lipat na rin sila upang magkaroon ng kaunting privacy.

Samantala, muling kinuwestiyon ni Atty. Leonard de Vera, ang legal counsel ng Willing Willie host na si Willie Revillame, ang akusasyon ni Dr. Carandang na naabuso ang bata dahil hindi pa man umano niya nakakausap nang personal si Jan-Jan o ang kanyang pamilya.

Para kay Atty. de Vera, ang sulat ni Dr. Carandang sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay naging dahilan din ng pagsasagawa ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at MTRCB.

Sinabi pa niya na maaring bahagi si Dr. Carandang ng kilusan upang sirain si Willie at ang programa niya.

At katulad ng kanyang mga naunang pahayag, muling inulit ni Atty. de Vera na konektado si Dr. Carandang sa ABS-CBN.

Aniya, si Dr. Carandang ay nagtratrabaho bilang consultant at resource person ng ABS-CBN personnel-related activities ng kumpanya.

Matatandaang may alitan ang ABS-CBN at si Willie Revillame, na humantong sa korte, dahil sa paglipat ng host sa TV5 habang may kontrata pa ito sa ABS-CBN.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

640 Comments

  • 620  libra1466

    04/15/2011 | 07:29 PM
    kahit di naman umapir si willie sa show nya eh pag aari naman nya yun. lahat ng kita ay mapupunta naman sa kanya. kaya wag na sya mag pa underdog.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 619  garuto

    04/15/2011 | 03:09 PM
    Maganda ito at dumating na sa korte. At least, malalaman na talaga kung may nangyaring abuse o wala "beyond reasonable doubt". Sobrang sensationalized na kasi ang case. And i sympathize with Janjan and family. Ginagamit sila to bring one person down... pathetic...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 618  indiahenretta

    04/15/2011 | 02:41 PM
    STOP blaming other people, si Mr. Revillame ang NAG SIMULA NITO sa sarili niyang show. Just be responsible and accept your decision when you did this production number, Mr. Revillame. Act like a 50 year old man vs a 6 year old boy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 617  indiahenretta

    04/15/2011 | 02:38 PM
    Nakaka awa talaga ang mga MAHIHIRAP. Again this is an example of the poor being taken advantage. Maski anong PALUSOT, well hindi ako bulag, pipi, bingi and mangmang. I saw the video, very CLEAR naman ang mata ko. And I have a NORMAL FEELING as a Mother feels for a child. Basta ako ayokong nakikitang umiiyak ang anak ko. Ewan ko lang KAYO???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 616  TUveryMUCH

    04/15/2011 | 02:19 PM
    Mr. Bong-O said to his news division, "Get our child psycologist, Dr. "Honey" Carandang, on this. We will teach Willie a lesson." It looks like it backfired. Honey has messed her pants. I wonder if Mr. Bong-O will pay her legal fees?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 615  Batumanu

    04/15/2011 | 01:11 PM
    Nakaka-enjoy naman basahin mga comments dito instead na magtulungan na lang ay mga nag-aaway pa. Ang pinakamaganda cguro ay manahimik na lang iyong iba para Hindi pa magpagsabi ng masasakit sa kapwa at Hindi na magkaroon ng kaaway. Sa palagay nyo ba natutulungan ninyo si Jan Jan sa pinagsasabi ninyo. Peace
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 614  SunGod30

    04/15/2011 | 01:05 PM
    Headline sa inquirer .... TV5 WILLING TO BACK WILLIE REVILLAME... that means they are betting on a winner ... case close ... haaay back to drawing board Kapems.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 613  eklatbelat

    04/15/2011 | 12:26 PM
    at the end of the day- its the parents and JanJan who will live through this ordeal and this issue could be haunting them until lumaki si JanJan. Yung mga nagsasalita ng kung ano ano- does not really care bt are only interested sa spike ng controversy na pinapakalat nila. Its true- kung talagang interesado ang DSWD at ang mga psychologists na ito na tumulong- they dont need to ride sa twits and Facebook. Tumingin ka lang sa kalye - may makikita ka na na inaabusong mga kabataan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 612  pluma

    04/15/2011 | 12:20 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 611  poging_t2

    04/15/2011 | 11:39 AM
    AGAIN, INOSENTE SI WILLIE SA ISYUNG ITO. PANONOORIN PA RIN NAMIN ANG WILLING WILLIE.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 610  poging_t2

    04/15/2011 | 11:35 AM
    hindi kaya ang mga totoong diumanoy child abusers eh yung paulit ulit na gumagamit kay janjan sa isyung ito? NAPAKARAMING BATA SA KALYE NA NAMAMALIMOS. YUN YUNG ATUPAGIN NG MGA O.A sa isyu na to. TAMA NA. INOSENTE SI WIL SA ISYU. WAG NYONG GAMITIN SI JANJAN LABAN KAY WIL. hindi kaya kayo talaga ang nangaabuso sa bata?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 609  poging_t2

    04/15/2011 | 11:29 AM
    naging O.A kasi yung iba. again, MAYABANG, MAANGAS SI WILLIE, pero sa isyung ito,,, INOSENTE SI WIL. wala siyang intensyon na abusuhin yung bata. lalo pa na LIVE YUNG SHOW. grabe. halatang halata naman ang motibo dito eh. bakit di pagaksayahan ng mga taga DSWD, ETC. YUNG MGA BATA SA KALYE? YUNG MGA BATANG NAMIMIGAY NG SOBRE SA MGA NAKASTOP NA JEEPNEYS? yung mga namamalimos? tigilan nyo si wil.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 608  offshore

    04/15/2011 | 09:18 AM
    manigas kayo sa inggit at galit. babalik na si willie sooner than you expected. hahhahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 607  kokuryu

    04/15/2011 | 08:59 AM
    naaliw ako kay pogio... kaaliw kaaliw... magtagalog ka na lang nga... nahahalata tuloy na you-know ka...hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 606  lilac0808

    04/15/2011 | 08:52 AM
    hahaha.. Congratulations... sabi ni congrats!!! narinig ko lang yan kay congrats ha. hehehe.... We miss you Willie boy, pati nanay ko, pati tatay ko..pati dog namin... hahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 605  philippineeagle

    04/15/2011 | 08:48 AM
    "Beh... buti nga! beh... buti nga! beh... beh... buti nga...", kanta yun ha! Noong fiesta sa barangay namin, may mga sumayaw din na mga maliliit na bata na nagbigay ng kanilang talento at dalawang beses pa nga silang pinasayaw dahil naaliw ang mga manonood. Parang yung talent ni Jan-jan. Pero wala namang issue. Pati nga ang mga taga DSWD ay panay ang halakhak... Ano kaya yun... pero itong si Carandang na ito, may kinikilingan... alam mo na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 604  global2010

    04/15/2011 | 07:53 AM
    ahh...si lilac nga pala yung si congrats...hehehe..anyway, sana matapos na to...at wag na bumalik si WR sa tv kasi malamang within in less than a year eh meron na namang mangyayaring "kababalaghan" sa show nya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 603  yaralei

    04/15/2011 | 07:08 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 602  yaralei

    04/15/2011 | 07:01 AM
    pogio11 for your info ABS has a foundation called BANTAY BATA...it looks that you are not aware..this is a very successful foundation and they helped a lot of kids who need assistance
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 601  Pogi011

    04/15/2011 | 06:32 AM
    may nagagawa kami kahit malayo kami, sponsoring desperate kids are one of them. kaya makakaroon tyo ng asinso.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About