news

Parents of Jan-Jan file libel case against child psychologist and two bloggers

by Nerisa Almo posted on April 13, 2011  STATS: 56612 Views | 640 Comments

 

Jan-Jan's parents, Jojo and Diana Suan, claimed that they have been transferring homes since controversy over the March-12 episode of Willing Willie, where their son appeared, started. Willing Willie is a game-variety show hosted by Willie Revillame (in photo).

Photo By: Melo Balingit

Nagsampa ng kasong libelo ang mga magulang ni Jan-Jan Suan, ang six-year-old contestant sa March 12 episode ng variety-game show na Willing Willie, laban sa child psychologist na si Dr. Ma. Lourdes "Honey" Carandang kaninang umaga, Abril 13, sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kasama rin sa kinasuhan ng mag-asawa ang mga bloggers na sina John Silva at Froilan Grate. Matatandaan na pareho nilang inilathala sa Internet, sa blog, at sa Facebook ang kanilang pagkadismaya sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan makailang ulit na nagsayaw ng "macho-dance routine" ang bata.

Sa ulat ni Jing Castañeda ng ABS-CBN News, sinabi nina Jojo at Diana Suan na ang patuloy na pagsabing biktima ng child abuse ang kanilang anak ay nagdulot sa kanila ng "dishonor, discredit or contempt."

Muli ring inulit ng mga magulang ni Jan-Jan na hindi nila pinilit ang kanilang anak na sumayaw. Gayundin, hindi rin sila naniniwala na may pang-aabusong nangyari, lalo pa ang hayaan maabuso ang kanilang anak kapalit ng pera.

Iginiit din ni Jojo na ang mga taong nang-aabuso sa kanilang anak ay yung mga patuloy na umaakusa at nagsasabi ng negatibong komento tungkol sa kanila.

Binanggit din ng ama ni Jan-Jan na dahil sa mga pangyayari, hindi na sila nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang linggo at palipat-lipat na rin sila upang magkaroon ng kaunting privacy.

Samantala, muling kinuwestiyon ni Atty. Leonard de Vera, ang legal counsel ng Willing Willie host na si Willie Revillame, ang akusasyon ni Dr. Carandang na naabuso ang bata dahil hindi pa man umano niya nakakausap nang personal si Jan-Jan o ang kanyang pamilya.

Para kay Atty. de Vera, ang sulat ni Dr. Carandang sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay naging dahilan din ng pagsasagawa ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at MTRCB.

Sinabi pa niya na maaring bahagi si Dr. Carandang ng kilusan upang sirain si Willie at ang programa niya.

At katulad ng kanyang mga naunang pahayag, muling inulit ni Atty. de Vera na konektado si Dr. Carandang sa ABS-CBN.

Aniya, si Dr. Carandang ay nagtratrabaho bilang consultant at resource person ng ABS-CBN personnel-related activities ng kumpanya.

Matatandaang may alitan ang ABS-CBN at si Willie Revillame, na humantong sa korte, dahil sa paglipat ng host sa TV5 habang may kontrata pa ito sa ABS-CBN.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

640 Comments

  • 260  lilac0808

    04/14/2011 | 02:39 AM
    aw di mo ba alam na may sariling psychologist na nag alaga sa bata at the very start? pagkatapos ng incidents na yan? Nabasa ko yan ah, na may tumitingin kinuha ng tv5 . bakit ipagpipilitan ang isang pyschologist na alam nilang madedehado ng kalaban. Ikaw ba naman nakaamoy ka na ng magiging biased ipapakita mo pa ang bata? common, maging realistic ka sa tunay na sitwasyon ng isang may labanan, ikaw ang nanay ni janjan papayagan mo ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 259  usagurl

    04/14/2011 | 02:37 AM
    nasaan na yong comments ko bakit di nakapasok?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 258  Skylec

    04/14/2011 | 02:37 AM
    Ang Hindi kapanipaniwala dito ay ang pamilyang Suan ay fully supported by WR. Paano naman kaya sila magtravel around siyempre provided na lahat yan kasali ng transportation, housing, at etc. At paano naman makapagfile ng Libel case Laban sa mga taong kalaban ng tv5 siyempre lahat ay napagplanohan na by the management. As willy mention live on tv, nakakausap Nya ang pamilyang Suan over the phone. Maliwanag na may adviser na ang family Suan at yan ay tv5. The fight is between tv5 and abs. Hayyy buhay naman...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 257  usagurl

    04/14/2011 | 02:35 AM
    Actually madali lang naman imbestigahan yan eh kasi ang bata marunong na mag salita tatanungin lang naman nila yan kung bakit sya umiiyak at pinipilit ba sya na sumali sa contest natatakot ba sya, umiiyak ba sya dahil sa pinaulit ulit syang sumayaw ni Willie, titingnan ang bata kung may mga pasa ba sa katawan galit ba ang bata sa magulang, galit ba sa mga kamag anak na nag dala sa kanya sa Show ni Willie. Kung ang bata ay okay naman at masaya naman after sa contest na sinalihan nya at mahal naman nya ang mga magulang nya at hindi naman natatakot at masaya naman ang bata tapus na dapat yon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 256  lilac0808

    04/14/2011 | 02:33 AM
    iyon nga ang masama prettywoman, kasi sa apat na yan wala pa siyang nagawa may findings ka agad..hahaha. gets mo? tama ba ang ginawa ng pyschologist mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 255  prettywoman_92

    04/14/2011 | 02:30 AM
    lilaco8o8..To tell you, case study,in general,it is comprised of 4 sections, SITUATION,PROBLEM, SOLUTION AND EVALUATION..Now tell me paano mo gawin ang solution and evaluation kung may nakita kang situation and problem?..ang problema kase sa part ni willie bawat nag iimbistaga sa kanila puro bintang sa abs..bakit hindi sila kukuha ng isang psychologist na papanig sa kanila kung talaga concern sila sa bata? meron ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 254  Maria1

    04/14/2011 | 02:25 AM
    Okay, to file a case and hire a lawyer and other expenses involved in a lawsuit is very expensive, where and how will the parents pay for all these expenses, pumipila nga sila sa Willing Willie para makapera at pinabayaan nga nilang sumayaw ng talent dance ang anak nilang si Janjan for a price, so ngayon ang tanong ko, sino ang financer ng mga expenses na ito. Nakakalurka. Hindi nga mapakain ang pamilya mo ng maayos at ito na naman ang added expenses.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 253  offshore

    04/14/2011 | 02:24 AM
    pretywoman, anu ba ginawa ni carandang? pinanood nya sa youtube tapos may i conclude na siya ng the kid was abused. did she ever talk to the kids nor the parents? wala as in nada. kung child psychologist ka, dapat on hands ka sa subject mo. tama yung iba dito, may pagkapsychic ang ginawa niya. dapat dun siya nakadestino sa quiapo sa may simbahan at may dala-dalang bolang kristal.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 252  chowee143

    04/14/2011 | 02:22 AM
    john silva yuhooo where are you?? o sa mga haters asan na blogger nyo? biglang nawawala, kk check ko lng ng blog nya 3 days ng walang update hehehe ayw sumagot anu un natakot, ayan kc nag gagaling galingan bigla ka tuloy nagka problema kc kc kc nmn ehh , paramdam ka pls ipakita mo sa mga haters na alam mo lhat at ung prinsipyo mong bulok ipag laban mo, sa mga haters pki hanap c john silva hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 251  chowee143

    04/14/2011 | 02:17 AM
    at isa pa tong super edukada na c bessie, iha, anu bang level ang napag aralan mo at ganyan ka kataas mag salita? hehehe ask lng nmna, hinay hinay sa pagiging edukada mo bka matulad ka kay john silva na biglang tumiklop, ayun nag dunung dunungan din kaya denimanda tuloy kaso natakot bigla nawala hehehe hinay hinay mare bka masama ka sa kaso
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 250  chowee143

    04/14/2011 | 02:13 AM
    haleer prettywoman, bat nmn patitignan pa sa psychic c janjan opkors alam ng parents ni janjan lhat ng all abt kay janjan nde katulad mo na nag mamarunong pa kesa sa parents ay naku anu ba yan at incase ayw pa tignan e d wag mag labas ng findings ay sus, bat may findings agad? anu un sumasakay sa issue at gsto ring mag dunong dunungan katulad mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 249  lilac0808

    04/14/2011 | 02:11 AM
    pretty -woman , simply lang yan, huwag ka munang magkaroon ng conclussion habang wala pang natapos na facts findings.. kasi ang study case di ka aarive ng conclussion at findings kung walang facts and evidence. Sana , nag antay muna sila ng ibang susuri iyong reliable na hinde biased. HInde naman sa ayaw ipasuri ang bata, ayaw lang nila sa alam nila hinde magiging maganda ang resulta. at yan nga tama sila, buti na lang umayaw sila, kasi kung nagkataon hinde nabuking na tauhan pala ng ABS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 248  lilac0808

    04/14/2011 | 02:03 AM
    machuraka di na kailangan itanong kung saan kukunin obvious na yan. Saan ba kakampi ang parents? sino ang nag suggest niyan na magsampa? Syempre sa kakampi ,,, itatanong pa ba yan. Im sure , sabi ng abogad sige magkakapera ka niyan.. hak hak! suportado sila morally and financially ng kakampi nila di ba? what do you think? based ko lang yan sa situation, kasi kung ako ang parents di din ako makakagalaw kung walang mag baback up sa akin. hirap kaya ngayon magkaroon ng kaso, hirap hirap ng buhay tapos sasalihan pa ng kaso... hahaha. kung walang hard backbone na aalalay sa akin, ay naku hayaan na lang yan, kaso meron kaya ayan na demandahan na yan pagalingan na lang ng abogado at ebidensiya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 247  thegoodlife

    04/14/2011 | 02:01 AM
    Yung demanda nilang blogger tinawag yung tatay na phedopilia daw. Yung isang blogger naman sumulat sa Malacanang, sa senate, etc na abuser daw ang mga magulang. Anung batayan nila yung YOUTUBE na edited. Tapos yung mga blogs nila pinaniwalaan naman ng mga tao. Ayos ni hindi nyo pa nga nakausap ang pamilya. Etong doktora halatang halata hinukay pa ang ibang tabloid noong unang panahon at ginawang batayan sa kaso kelan lang nangyari.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 246  bytheway

    04/14/2011 | 01:58 AM
    machuraka...that's exactly what i was thinking. All of a sudden, parents have means to pay for a lawyer. Parang, may adviser na sila ngayon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 245  HornBlower

    04/14/2011 | 01:57 AM
    Ang tunay na MALI dito ay ang MTRCB. Matagal ng niloloko at inaabuso ni Willie Revilliame ang mga MAHIHIRAP pinalalampas lang nila ito. Tapos ngayon nila babanatan ng husto si Willie kung kailan pa lumaki na ng husto ang ulo nito, mahihirapan na kayo ngayon sa kanya dahil panay kasi ang pagkunsinti ninyo. Pagsamasamahin pa ninyo ang inyong lakas mahihirapan na kayong pasunurin sa BATAS ng TAMA si Willie, paiikut-ikutin din kayo niyan na gaya ng pagpapasayaw nito kay Jan Jan at sa mga magulang nito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 244  bessie31

    04/14/2011 | 01:57 AM
    it is pretty obvious that the real ones who are filing for libel are not jan-jan's parents but WR's camp. please be reminded that jan-jan's parents are just ordinary people, pedestrians to be exact. how can they even think of suing the psychiatrist and the bloggers. well, WR's camp is already desperate. sympathizers of WR are all pathetic and losers. go back to school so that you will be educated, isama nyo na rin si WR para matutong magsalita ng tama at di bulol. mag-aral muna kayo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 243  chowee143

    04/14/2011 | 01:56 AM
    dont wori macho nde mauubos pera niwillie, hehehe dami pa nka stock at yan nalumabs kulay mo kala ko concern ka kay janjan ngyn nmn ininsulto mo pa ay sus anu ba tlaga ha? hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 242  machuraka

    04/14/2011 | 01:52 AM
    wow! saan kukuha ng pera ang parents ni jan-jan para pambayad sa abogado, sa bulsa ni willie? Go willie, wag kang titigil hanggat hindi nauubos ang pera mo at pag naubos na, dyan mo makikita kung sino talaga ang tunay mong kaibigan. Baka si cristy f. ay kupkupin ka, malay mo. lol!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 241  chowee143

    04/14/2011 | 01:51 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About