news

Parents of Jan-Jan file libel case against child psychologist and two bloggers

by Nerisa Almo posted on April 13, 2011  STATS: 56634 Views | 640 Comments

 

Jan-Jan's parents, Jojo and Diana Suan, claimed that they have been transferring homes since controversy over the March-12 episode of Willing Willie, where their son appeared, started. Willing Willie is a game-variety show hosted by Willie Revillame (in photo).

Photo By: Melo Balingit

Nagsampa ng kasong libelo ang mga magulang ni Jan-Jan Suan, ang six-year-old contestant sa March 12 episode ng variety-game show na Willing Willie, laban sa child psychologist na si Dr. Ma. Lourdes "Honey" Carandang kaninang umaga, Abril 13, sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kasama rin sa kinasuhan ng mag-asawa ang mga bloggers na sina John Silva at Froilan Grate. Matatandaan na pareho nilang inilathala sa Internet, sa blog, at sa Facebook ang kanilang pagkadismaya sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan makailang ulit na nagsayaw ng "macho-dance routine" ang bata.

Sa ulat ni Jing Castañeda ng ABS-CBN News, sinabi nina Jojo at Diana Suan na ang patuloy na pagsabing biktima ng child abuse ang kanilang anak ay nagdulot sa kanila ng "dishonor, discredit or contempt."

Muli ring inulit ng mga magulang ni Jan-Jan na hindi nila pinilit ang kanilang anak na sumayaw. Gayundin, hindi rin sila naniniwala na may pang-aabusong nangyari, lalo pa ang hayaan maabuso ang kanilang anak kapalit ng pera.

Iginiit din ni Jojo na ang mga taong nang-aabuso sa kanilang anak ay yung mga patuloy na umaakusa at nagsasabi ng negatibong komento tungkol sa kanila.

Binanggit din ng ama ni Jan-Jan na dahil sa mga pangyayari, hindi na sila nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang linggo at palipat-lipat na rin sila upang magkaroon ng kaunting privacy.

Samantala, muling kinuwestiyon ni Atty. Leonard de Vera, ang legal counsel ng Willing Willie host na si Willie Revillame, ang akusasyon ni Dr. Carandang na naabuso ang bata dahil hindi pa man umano niya nakakausap nang personal si Jan-Jan o ang kanyang pamilya.

Para kay Atty. de Vera, ang sulat ni Dr. Carandang sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay naging dahilan din ng pagsasagawa ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at MTRCB.

Sinabi pa niya na maaring bahagi si Dr. Carandang ng kilusan upang sirain si Willie at ang programa niya.

At katulad ng kanyang mga naunang pahayag, muling inulit ni Atty. de Vera na konektado si Dr. Carandang sa ABS-CBN.

Aniya, si Dr. Carandang ay nagtratrabaho bilang consultant at resource person ng ABS-CBN personnel-related activities ng kumpanya.

Matatandaang may alitan ang ABS-CBN at si Willie Revillame, na humantong sa korte, dahil sa paglipat ng host sa TV5 habang may kontrata pa ito sa ABS-CBN.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

640 Comments

  • 240  tfc1

    04/14/2011 | 01:48 AM
    Aba nagsampa na pala ng kaso yung mga magulang ni Jan Jan. Sino kaya ang kanilang abugado bat hindi nilagay yung pangalan ng abugado. This is another panggagamit ng mga nasa likod ni Willie. How can they afford a lawyer kung walang aako sa pangbayad. In this case somebody is behind in filing this case. Akala ko ba kaya nila pinasali yung bata sa show kasi wala silang pera. bat ngayon they can afford to hire a lawyer. Halatang halata..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 239  chowee143

    04/14/2011 | 01:47 AM
    hmm c neo sobra makalait ng tao hehehe cguro nka master degree ka at grabe ang edukasyon mo wow nmn hanep!! bilib ako sa pagiging edukada mo walastik
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 238  wilfredonggago

    04/14/2011 | 01:41 AM
    kung walang nakisawsaw, hindi pinalaki, tapos na ito. Jan-jan would have his 15 mins of fame in WW and then fine it's over. Now, na-sensationalized na, kung tutuusin eto na ang child abuse. Siguro mas durug na durog na ang bata dahil masyado ng ginawang big deal at naka-sentro sa kanya ang pagbagsak ng show etc etc baka guilty na rin, ngayon nangyayari ang CHILD ABUSE...hindi during WW
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 237  alkassim

    04/14/2011 | 01:32 AM
    well let us all wait and see kung ano ang kahihinatnan sa kasong ito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 236  lilac0808

    04/14/2011 | 01:23 AM
    as far as i know, tama naman ginagawa nila na step by step to prove nga na may child abuse, getting pyschologist is a must to prove na may emotional disturb nga sa bata.. malaking ibensiya yan. Kaya lang , hinde gumawa ng case study muna , automatic may findings na at may pahabol pa na previous sins ni Willie..hahha. kaya nga disagree ako kay rhapsody na porke nasa amerika, sabihan lang na hey ikaw child abuser ka kulong agad.. kasi sa lahat na siguro na batas ang america ang the best, they are more on proof , facts and evidence kesa hearsay, critics or hatred.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 235  imate

    04/14/2011 | 01:14 AM
    This is thee battle between Good and Evil...Th evil always lose! So Willie...the arrogant, unrepentant and incorrigible comatose life form must be stopped!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 234  prettydoc

    04/14/2011 | 01:13 AM
    I disagree with usagirl. Here in the US all doctors and healthcare workers are mandated to call Child Protective Services or CPS if they have any suspicion of child abuse or neglect. It's not their duty to prove it to the court, its the CPS who has to investigate by going to the home, interviewing the parents and the child. Doctors are not liable if child abuse is not proven but they are more liable if they suspected and they didnt report child abuse or neglect.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 233  lilac0808

    04/14/2011 | 01:09 AM
    Dr. Carandang dikdik ka ngayon, ikaw pala pasimuno kung bakit nagkaisahan ang mga haters na dikdikin si Willie, dahil diyan sa pagiging psychic mo.. lagot ka.. good evidence ang letter mo, pinhamak ka ng pagiging famous child psychologist..hahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 232  xxxjmb

    04/14/2011 | 01:08 AM
    Winged angel and yaralie WELL SAID... dami lg kasing deaf mute sa katotohanan.i hope this time good moral values prevail hindi lg pera perahan..mtrcb, dswd,pana n kbp give willie his lesson
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 231  shashimingming

    04/14/2011 | 01:04 AM
    The real problem is, we are living in a country governed by hypocrite people, who behind the shadow are more imoral. Who is more imoral - a government official who stole millions of pesos from government coffers, or a tv host who tolerate a boy from performing a macho dance? Your guess is as good as mine.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 230  lilac0808

    04/14/2011 | 01:00 AM
    mga class daw iyong mga haters ni willie gaya ni verbatim sabi mga supporters mga squaters daw at pobre..hahaha. Pero sa sobrang class nila andito sa PEP hinde alam pinagsasabi kasi walang alam nakisilip lang sa edited na video tapos may findings na sila na child abuse gaya ng kanilang psychologist na ... psychic lang pala sa Quiapo..hak hak!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 229  neophyte

    04/14/2011 | 12:59 AM
    yaralei You're right, Si Willie is really UNEDUCATED, WALANG MODO, CONCEITED. If you cant stand him-you dont have to watch. But inspite of his FLAWS, televiewers still stick to him. You know why, its probably with those imperfection, people are able to relate to him. No one is perfect! And he speaks the same language as the common mass. Yung dialogue niya is something you can hear from the street corner.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 228  lilac0808

    04/14/2011 | 12:55 AM
    xxxmb, ikaw ba si user friendly? hehehe hinahanap ko iyon di ko na makita..hak hak!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 227  lilac0808

    04/14/2011 | 12:53 AM
    bad taste ba ang show? may kanya kanya tayong likes and dislikes, kung bad taste yan hinde yan papanoodin ng mas nakakarami na pinoy. Yan lang naman ang show na na headline sa Wall street journal na sabi jolts the 2 giants network. yan ba ang bad taste? Sa mag haters bad taste talaga kasi naapakan sila ni Willie...hak hak! im just a jealous guy..hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 226  mariankimfan1

    04/14/2011 | 12:42 AM
    The whole show is in BAD TASTE, what else do you expect from Willie, i don't think it's child abuse. But what he is going through right now must be a nightmare for this boy. Just do the investigation quietly and swiftly and do everything to protect the boy and whatever the outcome is should be settled in court. Don't condemn this family because of their association with Willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 225  thegoodlife

    04/14/2011 | 12:39 AM
    xxxmjb humanap ka ng kopya ng buong video bago ka magsalita. Kung hindi mo napanood yung buong segment isa ka din sa nakikisawsaw. Problema mo yun kung saan ka makakakuha. Ibig sabihin pala hindi mo napanood join ka pa ng join sa usapan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 224  neophyte

    04/14/2011 | 12:38 AM
    229 u show your talent and you'll get monetary reward.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 223  prettywoman_92

    04/14/2011 | 12:38 AM
    Sa child abuse kahit di pa ito natingnan ng isang psychologist masasabi mo na may nangyaring child abuse talaga..makikita mo ito sa galaw ng isang bata..Halimbawa, pag ang bata ay masyadong payat na hindi akma sa edad nya,masasabi mo may child abuse ito dahil makikita mo ang mga parents kung ano ang pinapakain sa bata..Ano na kaya kung ito ay examine ng isang psychologist,di ba mas malala pa sa nakikita natin?..Kaya sa case ni janjan,ayaw nila ipa examine dahil for sure maraming itong makikita sa isang inaabuso..Ang bata kase di sinungaling kaya iyon ang dahilan kung bakit ayaw nila ipa examine ang bata..hindi ko lang maintindihan kung bakit ayaw nila ipa examine si janjan kung wala silang kinatatakutan..ang kawawa dito ang bata at sa mga magulang ni janjan kung mahal ninyo ang anak nyo sana di kayo magpasulsol kay willie at sa abugado nito..walang mawawala sa inyo kung gawin lang ang nararapat para kay janjan kung talaga mahal nyo ang bata kesa kay willie.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 222  mariankimfan1

    04/14/2011 | 12:36 AM
    if you find him arrogant, conceited,etc, then don't watch his show. he's not your cup of tea, then don't be his fan. but to do all this to jan jan's family without the proper investigation, is absurd. stop harassing this family. this is more traumatizing to the boy more than anything.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 221  aquos11

    04/14/2011 | 12:33 AM
    ung macho dancing na talent ni Jan Jan makakalusot sana kung isang beses lang at maikli lang ung exposure at kung di pinagtawanan at kung walang malisya. kaso ilang beses pinaulit ulit na pinasayaw ni willie ung bata at sinabihan pa ng parang burlesk na derogatory word kaya naging malisyoso. ginawang katawa tawa ung bata. child exploitation! si willie kasi di nag-iisip. ang eat bulaga matagal ng show pero di mo nakitaan na ginawan ng ganun ang mga bata. clean fun lang.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About