news

Parents of Jan-Jan file libel case against child psychologist and two bloggers

by Nerisa Almo posted on April 13, 2011  STATS: 56623 Views | 640 Comments

 

Jan-Jan's parents, Jojo and Diana Suan, claimed that they have been transferring homes since controversy over the March-12 episode of Willing Willie, where their son appeared, started. Willing Willie is a game-variety show hosted by Willie Revillame (in photo).

Photo By: Melo Balingit

Nagsampa ng kasong libelo ang mga magulang ni Jan-Jan Suan, ang six-year-old contestant sa March 12 episode ng variety-game show na Willing Willie, laban sa child psychologist na si Dr. Ma. Lourdes "Honey" Carandang kaninang umaga, Abril 13, sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kasama rin sa kinasuhan ng mag-asawa ang mga bloggers na sina John Silva at Froilan Grate. Matatandaan na pareho nilang inilathala sa Internet, sa blog, at sa Facebook ang kanilang pagkadismaya sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan makailang ulit na nagsayaw ng "macho-dance routine" ang bata.

Sa ulat ni Jing Castañeda ng ABS-CBN News, sinabi nina Jojo at Diana Suan na ang patuloy na pagsabing biktima ng child abuse ang kanilang anak ay nagdulot sa kanila ng "dishonor, discredit or contempt."

Muli ring inulit ng mga magulang ni Jan-Jan na hindi nila pinilit ang kanilang anak na sumayaw. Gayundin, hindi rin sila naniniwala na may pang-aabusong nangyari, lalo pa ang hayaan maabuso ang kanilang anak kapalit ng pera.

Iginiit din ni Jojo na ang mga taong nang-aabuso sa kanilang anak ay yung mga patuloy na umaakusa at nagsasabi ng negatibong komento tungkol sa kanila.

Binanggit din ng ama ni Jan-Jan na dahil sa mga pangyayari, hindi na sila nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang linggo at palipat-lipat na rin sila upang magkaroon ng kaunting privacy.

Samantala, muling kinuwestiyon ni Atty. Leonard de Vera, ang legal counsel ng Willing Willie host na si Willie Revillame, ang akusasyon ni Dr. Carandang na naabuso ang bata dahil hindi pa man umano niya nakakausap nang personal si Jan-Jan o ang kanyang pamilya.

Para kay Atty. de Vera, ang sulat ni Dr. Carandang sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay naging dahilan din ng pagsasagawa ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at MTRCB.

Sinabi pa niya na maaring bahagi si Dr. Carandang ng kilusan upang sirain si Willie at ang programa niya.

At katulad ng kanyang mga naunang pahayag, muling inulit ni Atty. de Vera na konektado si Dr. Carandang sa ABS-CBN.

Aniya, si Dr. Carandang ay nagtratrabaho bilang consultant at resource person ng ABS-CBN personnel-related activities ng kumpanya.

Matatandaang may alitan ang ABS-CBN at si Willie Revillame, na humantong sa korte, dahil sa paglipat ng host sa TV5 habang may kontrata pa ito sa ABS-CBN.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

640 Comments

  • 120  yaralei

    04/13/2011 | 09:40 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  dubidu1992

    04/13/2011 | 09:40 PM
    obviously pakana ni willie ito di ba mahirap lang ang magulang ni janjan to sue someone not only one three people needs a lot of money
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 118  tv5willingwilliedotcom

    04/13/2011 | 09:37 PM
    Iyong mga Anti-Willie at Willing Willie dito kapag makapag-comment na sila ay halatang di na gaya ng dati na grabe manglait! hahaha....Noon si Willie ang tinitira nyo, ngayon ang mga magulang naman ni Janjan...hahaha...takot din pala kayo eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 117  lilac0808

    04/13/2011 | 09:37 PM
    banatanmoigan, correct ka diyan, at malinaw sinabi ni Ms. Poe na labanan ito ng dalawang batong naguumpugan at sila ang naiipit. Ang tanong sino ang isang malaking bato na atat na atat mawala ang show ni Willie? Obvious na ang clue di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 116  tv5willingwilliedotcom

    04/13/2011 | 09:36 PM
    Iyong mga Anti-Willie at Willing Willie dito kapag makapag-comment na sila ay halatang di na gaya ng dati na grabe manglait! hahaha....ngayon si Willie ang tinitira nyo, ngayon ang mga magulang naman ni Janjan...hahaha...takot din pala kayo eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 115  winonao1

    04/13/2011 | 09:35 PM
    good move parents of jan2x!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 114  winonao1

    04/13/2011 | 09:34 PM
    LOL!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 113  lilac0808

    04/13/2011 | 09:33 PM
    tinatanong pa ba yan kung saan kukuha ng pera, ako based ko sa sitwasyon, common sense na lang yan. Janjan parents is on Willie's side, nakakita ang mga abogado ng grounds na pwedeng ipanalo nila ang mga accusers ng child abuse. Child abuse is a crime, hinde basta bastang paratang lang yan.. hahaha. Mga lawyers siguro ang nagsabi na pwede ang mga parents ni janjan mag demanda,.. at bahala na sila sa gastos. hahaha clear na ba sa mga nagtatanong..hak hak! sige sino pa diyan ang putak ng putak... ng child abuse na walang basehan. hak hak!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 112  yaralei

    04/13/2011 | 09:33 PM
    ngek! nagpa cancel ng TFC???? bwaaaaaaaaaaaaaa!!! nevah!! go TFC!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 111  yaralei

    04/13/2011 | 09:32 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 110  banatanmoigan

    04/13/2011 | 09:27 PM
    For those who did not know , the Dr. Maria Lourdes Carandang who initiated the entire brouhaha aboutthe show before the MTRCB is an ABS-CBN consultant . The parents of Jan Jan has reportedly filed a case for libel against her for publicly announcing that Jan Jan is an abused child without even having talked to him or his parents. It is a coincidence that Dr Ma.Lourdes "HOney" Carandang " is also the mother of CommGroup's Ricky Carandang, also a former ABS-CBN news reader..... now do the math mga kapamilya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 109  chowee143

    04/13/2011 | 09:24 PM
    hehehe nde na nag uupdate c john silva sa blog nya umurong na dila, paramdam k nmn hehehe yan npala mo syado ka kc nagmamarunong duwag ka nmn pla ay sus at isa pa dr honeyna nagpapanggap at nkiki sawsaw, nkahanap kau ng sakit ng ulo kc kc kc nmn ehh tahimik lng sna ang buhay kaso hilig mkisawsaw yan npala nyo hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 108  kibitzer

    04/13/2011 | 09:17 PM
    banatanmoigan, just read the article very very well...or better yet, why don't you tell that to the Senate Committe on youth, women and family relations...again read the article very well
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 107  Aresha

    04/13/2011 | 09:14 PM
    Mga taong walang magawa sa buhay. hala sige pa kayo ng lait kay willie baka karmahin kayo? di naman kayo inaano ni willie, wawa naman mga losers na ito.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 106  kapams_saks

    04/13/2011 | 09:09 PM
    magastos mag-demanda...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 105  banatanmoigan

    04/13/2011 | 09:09 PM
    kibitzer, himayin natin yang article na pinost mo, una hindi empleyado ni willie si jan-jan, pumunta sila dun as a contestant, second, the kid was not coerced or persuaded by Willie, hindi nga alam ni Willie na sayaw ang talent nung bata, ang alam niya e kakanta, third hindi model yung bata ng obscene publication nor the show of willie is not distributor of obscene or pornographic materials. so base jan sa article na yan, saan ang child abuse jan?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 104  Ben_10

    04/13/2011 | 09:09 PM
    stick to the issue teh! naliligaw ang topic mo...DIBA? LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 103  wise_mico

    04/13/2011 | 09:08 PM
    LOL! sige na nga kabayan, magpaputol na nga ng TFC ang mga taga SIQUJOR!!!! HAHAHAH...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 102  lynn_q8

    04/13/2011 | 09:07 PM
    it takes 2 to tango! dapat maingat sila sa kaso natoh, at hindi gawing intertainment or circus dahil kung concern sila sa bata dapat gawin na lang nila ang nararapat in closed doors na walang media muna saka na pag may makasuhan bago e publish, kc sa ngayon ang biktima hindi si willie, parents or gov't-dswd,chr,mtrcb kundi si JanJan.....kung talagang concern sila sa bata then act now quietly and publish later. mas sumikat pa nga ang mga atty., parents, willie etc dahil sa sitwasyong ito....hayzzz!!! filipino nga naman concern kunoh pero bulok naman ang systema! tsk! tsk! tsk!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 101  Ben_10

    04/13/2011 | 09:05 PM
    nakakatawa yun isa dito an alam ko kasi ang WW nsa TV5. pano napunta sa pagpapaputol ng tfc subscription?? tapos ikakampanya ang gma pinoy tv?? labo mo teh!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About