news

Parents of Jan-Jan file libel case against child psychologist and two bloggers

by Nerisa Almo posted on April 13, 2011  STATS: 56616 Views | 640 Comments

 

Jan-Jan's parents, Jojo and Diana Suan, claimed that they have been transferring homes since controversy over the March-12 episode of Willing Willie, where their son appeared, started. Willing Willie is a game-variety show hosted by Willie Revillame (in photo).

Photo By: Melo Balingit

Nagsampa ng kasong libelo ang mga magulang ni Jan-Jan Suan, ang six-year-old contestant sa March 12 episode ng variety-game show na Willing Willie, laban sa child psychologist na si Dr. Ma. Lourdes "Honey" Carandang kaninang umaga, Abril 13, sa Quezon City Prosecutor's Office.

Kasama rin sa kinasuhan ng mag-asawa ang mga bloggers na sina John Silva at Froilan Grate. Matatandaan na pareho nilang inilathala sa Internet, sa blog, at sa Facebook ang kanilang pagkadismaya sa March 12 episode ng Willing Willie, kung saan makailang ulit na nagsayaw ng "macho-dance routine" ang bata.

Sa ulat ni Jing Castañeda ng ABS-CBN News, sinabi nina Jojo at Diana Suan na ang patuloy na pagsabing biktima ng child abuse ang kanilang anak ay nagdulot sa kanila ng "dishonor, discredit or contempt."

Muli ring inulit ng mga magulang ni Jan-Jan na hindi nila pinilit ang kanilang anak na sumayaw. Gayundin, hindi rin sila naniniwala na may pang-aabusong nangyari, lalo pa ang hayaan maabuso ang kanilang anak kapalit ng pera.

Iginiit din ni Jojo na ang mga taong nang-aabuso sa kanilang anak ay yung mga patuloy na umaakusa at nagsasabi ng negatibong komento tungkol sa kanila.

Binanggit din ng ama ni Jan-Jan na dahil sa mga pangyayari, hindi na sila nakakatulog nang maayos nitong mga nakaraang linggo at palipat-lipat na rin sila upang magkaroon ng kaunting privacy.

Samantala, muling kinuwestiyon ni Atty. Leonard de Vera, ang legal counsel ng Willing Willie host na si Willie Revillame, ang akusasyon ni Dr. Carandang na naabuso ang bata dahil hindi pa man umano niya nakakausap nang personal si Jan-Jan o ang kanyang pamilya.

Para kay Atty. de Vera, ang sulat ni Dr. Carandang sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ay naging dahilan din ng pagsasagawa ng imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at MTRCB.

Sinabi pa niya na maaring bahagi si Dr. Carandang ng kilusan upang sirain si Willie at ang programa niya.

At katulad ng kanyang mga naunang pahayag, muling inulit ni Atty. de Vera na konektado si Dr. Carandang sa ABS-CBN.

Aniya, si Dr. Carandang ay nagtratrabaho bilang consultant at resource person ng ABS-CBN personnel-related activities ng kumpanya.

Matatandaang may alitan ang ABS-CBN at si Willie Revillame, na humantong sa korte, dahil sa paglipat ng host sa TV5 habang may kontrata pa ito sa ABS-CBN.

1  

more on this story

Show/Hide Comments

640 Comments

  • 480  malaya2007

    04/14/2011 | 11:32 AM
    natiis ng magulang na tawaging parang burlesk queen ang anak nila, macho dancer, pinasayaw sa platform habang nagkakasayahan ang audience ok lang, walang reklamo, tapos tapos the word child abuse bring dishonor and discredit? Naging balat sibuyas? Isnt it that others saying that your son acts like a macho dancer, burlesk king etc. dishonor or discredit you as a parent? Kung feeling nyonababastos kayo at nabastos yung anak nyo kasalanan nyo yan.And kung ayaw nyong tanggapin na kasama kayo sa me kasalanan kasalanan lahat ng anak nyo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 479  candidness

    04/14/2011 | 11:31 AM
    lakas ng loob ng mga magulang magsampa ng demanda...kala ko ba mahirap kaya pumuntang wowowee para magkapera. tapos ngaun 3 pa denemanda. ikaw na! obvious namang may financer tong mga to para magsampa. tigilan na ang pagdawit sa abs-cbn...di naman malaking kawalan si willie no. kahit naman lumipat sya di naman nya natatalo ratings ng mag katapat nya sa 2 networks. at tigilan narin ang mga nagsasabing inggit kay willie etc. pwede ba, di kami inggit sa 2x annuled, estranged sa mga anak at galit ng mga sambayanan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 478  manjo

    04/14/2011 | 11:29 AM
    'Dishonor, discredit, contempt' Yan daw ang dinaranas at nararamdaman ng parents ni Jan Jan after the whole incident - what a reflection! They should have reflected and thought well way ahead ... before they subjected their son to join that stupid contest. How can these parents not even admit that they got blinded by the lure of the huge cash prize Jan Jan would bring home by joining the show? The father himself even admitted that he taught the lewd dance to the kid, which Willie blatantly labeled as a 'macho dance' on national TV. How sick is that? It's a clear cut case of a child abuse - not letting a child act and be like a child is already an abuse. Ang hirap kase sa Filipino culture natin eh yung mga anak ginagawang piggy bank ng ibang mga magulang. Yung responsibility of earning money is passed on the children, even at their very young age.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 477  pepapholic

    04/14/2011 | 11:26 AM
    ang tanong handa na ba ang magulang ng batang ito sa demanda na child abuse kung meron man maghahain ng demanda? mahaba-habang usapin ito na sanga sanga na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 476  zama_jap

    04/14/2011 | 11:16 AM
    hindi alam ng magulang ng batang ito kung ano pinasok nila..baka sila pa makulong sa pagtuturo sa bata ng kalaswaang sayaw..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 475  malaya2007

    04/14/2011 | 11:10 AM
    naku pede namang magdemanda kung nadehado. Nadehado ba? Nagrereklamo wala ng privacy sinong me kasalanan? Diba gustong sumikat nung bata? ayan sikat na tapos reklamo pa rin? cosequences yan ng ginawa ng anak nyo kahit di nyo sya pinilit gawin yun,kasi minor de edad kayo mananagot. Yung bata ang me gusto ng lahat fine.... so be it. walang me kasalanan ipasok yan sa boystown kasi kasalanan nya lahat.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 474  Ayayay124

    04/14/2011 | 11:09 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 473  Ayayay124

    04/14/2011 | 11:08 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 472  Ayayay124

    04/14/2011 | 11:08 AM
    To the child, his appearance in the show of willie is the most exciting and happiest event in his life. this is his most awaited event to showcase his talent. to make it more dramatic, he garnished his dance with his tears. people applauded, he was very happy indeed. that was his moment, his time, the thrill of his life. but it was short lived. the scene was used by the envious, biased, idiot jologs to accuse willie of child abuse. mtrcb, dswd, chr, politicians, sensed that this was their time to gain approval from the jologs and to gain fame so they joined in. now, the boy was dragged into this mess created by the jologs. he was dragged into this pit of embarrassment that would scar him for life. his happiest moment in television became instead the most horrifying, embarrassing, scandalous, obnoxious event in his life. never mind willie he could defend himself from the jologs with the use of his wise lawyer. how about the boy? he became the victim . he became the victim of the jologs. the jolog
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 471  Ayayay124

    04/14/2011 | 11:07 AM
    To the DSWD, chr, mtrcb and politicians, abs cbn, be broad minded, just and fair. don't make "saw-saw" and make "pakialam" the affairs of famous people when you are not really needed.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 470  Ayayay124

    04/14/2011 | 11:06 AM
    CHR muzta na po ung Issue ng Maguindanao Massacre? DSWD at CHR may nadadaanan po ako dati from work going home sa may ilalim ng hagdan ng MRT cubao station dalwang bata na cguro po mag kapatid na namamalimus habang pasan pasan nya yung kaptid nya na may hydrocephalus saka po matanda sa may hagdan naman po ng guadalupe MRT station namamalimus din po pang bili ng gamot, hindi ko na po sila mabibi----an ng pagkain e. PACHEK NAMAN PO SILA PLEASE. TRY NYO po maglakad lakad at hindi gumamit ng magagarang kotse...baka po magising kayo kung ano meron talagang problema....cheers
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 469  qdlandipa

    04/14/2011 | 11:03 AM
    Hellow Willie haters. Pers op all, lakas loob ni Sen Kiko to ask Willie to sue him, e alam naman niyang may immunity siya. So what do you call that? Yun namang tungkol kay Dra. mother ni Ricky Carandang, at mga kakampi niya... yan kase, sawsaw ng sawsaw. Yan ang napapala ng mga judgmental at holier-than-thou na nakasisilaw sa puti ang kabanalan...siya nawa.... Wag ng magreklamo sa media. Ke pera ng mga Suan ang gagamitin sa demanda o hindi, demanda pa rin yan. Sa barangay na kayo na magpaliwanag.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 468  Ayayay124

    04/14/2011 | 11:03 AM
    Due Process is a basic Human Right. Yan yata ang nawala sa issue na to. As I see it, it looks like a demolition...and one more thing, this is issue is not even helping the child. not at all! At the end of the day, kawawa ang bata.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 467  bucks_pennsylvania

    04/14/2011 | 11:01 AM
    talaga naman itong paid expert na child psychologist ng abs-cbn .bat hindi sumalat sa DSWD about streetchildren, kasi yun ang mas nangangailanganm. iba talaga pag personal interest ang causes ng concern, pati 6 years old idamay pa sa away nila ni willie at ginamit pa para hilain ang programa.hindi dahil sa gustong makatulong sa bata itong abs cbn, kundi hanggang sa dulo ng walang hangganang away ito. paano naman itong abs billion dollar industry nato, syempre laong greedy.gusto monopoly at ayaw ng competition.kawawa ang pinas at kawawa ang mga pilipino..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 466  kadabarkads

    04/14/2011 | 10:56 AM
    manjo - hay ewan, si senator Kiko P. may dare na sa kanya so let's wait and see kung mag demanda nga. hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 465  yaralei

    04/14/2011 | 10:53 AM
    willie has no balls kasi he used the poor people for his own welfare..he didnt realize na its because of them kaya sya nagka milyon...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 464  murrah

    04/14/2011 | 10:53 AM
    Wala pera? pero magdedemanda?...tas ang presscon sa isang hotel pa ata sa makati ginawa?alam ba ng magulang na yan kung magkano ang gagastusin nila na sana pang aral na lang ng anak nila at pang tustos sa pang araw araw. Sabagay kung may financer nga naman at may taong nasa likod ng mga iyan, bakit nga ba hindi na lang sila sumunod baka bigyan pa sila ng pera.., na imbes sana na aminin na lang nila na may pagkakamali din naman sila bilang magulang sa issue na ito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 463  manjo

    04/14/2011 | 10:49 AM
    Hah ... patawa naman! Baka ang mga parents ni Jan Jan ang pinag-file ng libel case against against the psychologist at bloggers? Akala ko ba si Willie ang magde-demanda? Hmmmm ... baka alam ni Willie na walang syang laban? Or he simply wants to stir up things on his favour so he probably offer the parents money to file a case first - kase kung wala mang patunguhan yung kaso, eh di hindi sya ang mapapahiya. Show some balls, Willie! Bring it on the very people you insulted and called laos. Eh di magka-ubusan na kayo ng pera, you have lots of them, right?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 462  kadabarkads

    04/14/2011 | 10:46 AM
    williedotcom - maghunos dili ka inday. tanungin mo ang sarili mo kase di ko type sumagot sa mga taong nagwawala, hehehe...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 461  yaralei

    04/14/2011 | 10:46 AM
    lilaco808 patay kang matanda ka..he he he galit na si moderator sa yo...di mo ba pansin puro deleted na post mo? ha ha haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About