"Ngayon, I believe na ang mga audience natin ay napakatalino. Hindi lang just because anak ka lang ni ganito, you have the right na meron kang own show. Parang they want you also na makita nilang maghirap ka, to work hard, di ba? Gusto rin nila makita  yung talent mo, hindi lang ganitong anak ni ganito. Di ba? I can imagine how difficult it is," says Isabelle Daza.

Photo: Mark Angelo Ching

"He's a bit older than me," banggit niya.

Ano naman ang reaksiyon ng boyfriend niya sa pagpasok niya sa showbiz?

"Okey naman, very supportive," sagot ni Isabelle.

"The people around me are the most supportive. Sila yung nagsasabi ng, 'Go, kaya mo 'yan!' Actually, yung mga friends ko, especially si Raymond [Gutierrez], sabi niya makapal na ang mukha ko, kaya ko 'yan. Tawang-tawa kami lagi."

Dagdag niya, "I wanna be a good host. Like si Raymond, super-galing niya. Interesting siya pag napapanood sa TV. Nagre-research talaga at nagtatrabaho kaya alam niya ang trabaho niya. Nagpapaturo nga ako sa kanya. Yun, and maybe a bit of acting."

Hindi lang naman hosting ang naka-lineup na projects sa kanya sa GMA-7. Nagkaroon na sila ng ac­ting workshop ni Solenn Heussaff. Hindi pa raw puwedeng sabihin kung ano ang seryeng gagawin niya, pero matunog ang balitang danceserye ito.

LIKE MOTHER, LIKE DAUGHTER? Naniniwala si Isabelle na gagaling din siyang artista gaya ng kanyang ina na si Gloria Diaz.

"Actually, yung first movie ng mom ko, ang hirap niyang magtagalog. Marami  ang may akala na I don't speak Tagalog, but I do, I'm fluent naman.

"Kaya tinatanong ako kung gagawin ko ang movie niya na Pinakamagandang Hayop [sa Balat ng Lupa]. Hindi naman ino-offer, pero tinatanong sa akin.

"Siyempre, mahirap din na i-follow ang step ng mom ko. Dapat iba na ang launching ko. 

"Hindi naman sa ayaw, pero mahirap sundan nang exact yung footsteps ng mom ko, di ba? I wanna do my own din," pahayag ni Isabelle.

Nasa GMA-7 ang rights na gawing serye ang Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa.

 

EXPECTATIONS. Hindi ba siya natatakot na mataas ang expectation sa kanya dahil anak siya ng dating Miss Universe?

"Actually, may downside din na maging anak ng... Aside yung sinasabi nila na may showbiz royalty, ganun, people are expecting kasi, 'Ay, hindi kasi magaling, hindi kasi  maganda.' Pero hindi yun ang dapat isipin.   

"Ngayon, I believe na ang mga audience natin ay napakatalino. Hindi lang just because anak ka lang ni ganito, you have the right na meron kang own show.

"Parang they want you also na makita nilang maghirap ka, to work hard, di ba? Gusto rin nila makita  yung talent mo, hindi lang ganitong anak ni ganito. Di ba? I can imagine how difficult it is."