Sympathy, tears, prayers pour on first night of AJ Perez's wake

Nerisa Almo
Monday, April 18, 2011 @ 02:37AM  |  314 views

Relatives, close friends, classmates, and fellow actors gave their condolences to the family of AJ Perez on the first day of his wake at La Salle Greenhills in San Juan City.

CLICK HERE to view photos.

Photo By: Noel Orsal













Makikita kung gaano naging mabuting tao ang yumaong aktor na si AJ Perez sa dami ng mga taong bumisita sa unang araw pa lang ng burol niya sa kapilya ng La Salle Greenhills, San Juan City, kagabi, Abril 17.

Ang 18-taong-gulang na si AJ—Antonello Joseph Sarte Perez sa tunay na buhay—ay pumanaw noong madaling araw ng Linggo, Abril 17, dulot ng isang vehicular accident.

Ayon sa initial report, nagtamo ng multiple head injuries ang batang aktor. Pero base sa autopsy report, tumama sa heart at lungs ni AJ ang kanyang ribs dahil sa lakas ng impact ng pagkakabangga ng kanilang sasakyan.

Ang aksidente ay nangyari habang pauwi na si AJ, kasama ang kanyang amang si Mr. Gerardo Perez, mula sa isang show sa Dagupan, Pangasinan. (CLICK HERE to read related article.)

Bagamat mararamdamang nasa state of shock pa rin ang ama ni AJ, ito ang personal na umaasikaso sa mga taong dumarating.

Makikita ang matinding lungkot sa namumugtong mga mata ni Ginoong Perez dulot ng pagkawala ng kanyang panganay na anak.

Katuwang naman ni Mr. Perez sa pagsalubong sa mga taong nakikiramay ang kanyang inang si Victoria at nakababatang kapatid na si Gelo.

Kasama sa mga unang nagpakita ng pakikiramay ang mga kasamahan ni AJ sa all-male group na Gigger Boys na sina Angelo Patrimonio, kasama ang kanyang amang basketbolista na si Alvin Patrimonio; Dino Imperial, at Chris Gutierrez.

Nakiramay din agad sa pamilya ni AJ ang mga kasamahan nito sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN. Bakas na bakas ang lungkot sa kanilang mga mukha at kilos.

Kabilang dito sina Rodjun Cruz at ang kasintahan niyang si Dianne Medina, Eda Nolan, Albey Casino, Charee Pineda, Martin del Rosario, John James Uy, at Empress Schuck.

Dumating din ang dating katambal ni AJ sa Sabel na si Jessy Mendiola at ang direktor nilang si Don Cuaresma.

Nandoon din ang dati niyang kasama sa Agua Bendita na si Matteo Guidicelli at ang ABS-CBN president na si Charo Santos-Concio.

Sa hanay ng mga talent manager at prodyuser, nakitang nakikiramay sina Manny Valera, Leo Dominguez, Regal Entertainment matriarch Lily Monteverde, at ang anak nitong si Roselle Monteverde-Teo.

Hindi man makapunta sa mismong burol, inihayag ng chairman emeritus ng Star Magic, na si Johnny Manahan (Mr. M), ang kaniyang pakikisimpatya sa pamamagitan ng statement na ipinadala sa ilang miyembro ng press, kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Kasalukuyang nasa Amerika si Mr. M para sa taunang concert tour ng Star Magic.

1  2  Next »

Related Articles

49 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name