news

Robin Padilla vows to pursue Catholic wedding with Mariel Rodriguez; considers writing letter to the Vatican
by Bong Godinez posted on April 19, 2011  STATS: 22275 Views | 125 Comments

"Kaya nga tumatalab ang mga pagmamahalan, [tulad nina] Romeo and Juliet, dahil diyan. Dahil sa balakid kaya lalong tumatamis. Huwag kang malungkot, hindi tayo titigil makiusap," action star Robin Padilla told Mariel Rodriguez, pertaining to their plan to stage a church wedding despite contrasting religious beliefs.

 

 

Photo By: Noel Orsal

Plano ni Robin Padilla na magpadala ng liham sa Vatican para lubusang maliwanagan sa pananaw ng Katoliko Romano kaugnay sa pagpapakasal ng dalawang indibidwal na hindi pareho ang sinasanibang relihiyon.

Ito ay kaugnay pa rin sa naging pahayag ni retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz na mahihirapan sina Robin at Mariel Rodriguez na maisakatuparan ang kanilang balak na magpakasal sa ilalim ng Simbahang Katoliko sa Hunyo.

Sinabi ni Archbishop Cruz na magkasalungat kasi ang ilang paniniwala ng relihiyong Muslim sa itinuturo ng Katoliko Romano. (CLICK HERE to read related article.)

Si Robin ay isang practicing Muslim, samantalang si Mariel naman ay nananatiling Katoliko sa kabila ng kanilang pagsasama.

Sinabi ng dalawa na ikinasal sila nung August 19, 2010, sa pamamagitan ng isang seremonya na ginanap sa Taj Mahal, na matatagpuan sa India. (CLICK HERE to read related article.)

"Kasi kung ang pagbabasehan natin ay 'yung mga naririnig lang natin at 'yung mga papeles na nanggagaling sa ating mga mahal na obispo, mas maganda na 'yung manggaling direkta dun [Vatican]," katwiran ni Robin sa isang interview na ipinalabas nung Linggo, April 17, sa Paparazzi ng TV5.

CONFLICT IN BELIEFS. Ang Vatican ay matatagpuan sa siyudad ng Roma, sa bansang Italya, at itinuturing na punong tanggapan ng Simbahang Katoliko.

Tinatawag rin na "Holy City" ang Vatican, at dito rin namamalagi ang Santo Papa, na siya namang tumatayong pinuno ng nasabing simbahan.

Sinabi ni retired Archbishop Cruz na isa sa mga nakikita niyang problema ay ang paniniwala ng Islam na ang isang lalake ay maaaring mag-asawa ng higit sa isa.

Taliwas naman ito sa itinuturo ng Simbahang Katoliko na nagsasabing isa lang dapat ang asawa ng lalake at kasalanan kung ito'y susuwayin.

"If one of them believes that he or she can be married thrice or four times to different people, then that marriage will be considered null and void," katwiran ni Cruz, na pinuno ng National Appelate Matrimonial Tribunal of the Catholic Bishops' Conference of the Philippines (NAMT-CBCP).

Dagdag pa ni Cruz: "Hindi sa ayaw mong ikasal, e.

"Kundi, ang isang babaeng Katolika, na ang kanyang paniniwala ay isang babae at isang lalaki, kapag siya ay ikinasal sa isang lalaki na ang paniwala ay dalawa, tatlo o apat [na babae ang puwedeng pakasalan ng lalaki]—walang bisa ang kasal na iyon.

"Sapagkat iyon ay salungat na salungat sa banal na kasulatan at ng simbahan—na isang babae, isang lalaki.

 "Hindi puwede sa kanya iyong isang lalaki equals apat na babae. Ang mga Muslim, mayroon silang paniniwalang ganyan."

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

125 Comments

  • 105  ynahkim

    04/20/2011 | 12:22 PM
    dko tinapos basahin, kakairita. nonsense na tao!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 104  imate

    04/20/2011 | 12:04 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 103  puckerlips143

    04/20/2011 | 11:10 AM
    bigla akong nainis Kay robin Kung gusto mo talagang mapagbigyan si Mariel then magconvert ka sa katoliko nakakairita itong taong Ito gusto pang bbuyin ang simbahang katoliko igalang mo Naman ang relihiyon na yan maliwanag pa sa sikat ng araw ang paniniwala ng katoliko ay kakaiba sa mga muslim ay nku may mga salad nga ata ang lahi nito hmmp.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 102  BETCHA68

    04/20/2011 | 11:00 AM
    Kaloka itong dalawang ito. Bakit hindi na lang kayo magpakasal dyan sa Anglican Church na nasa Maynila. Puwedeng ikasal diyan kahit parehong tomboy at bakla. Lahat tinatanggap nila dahil diyan kinasal yong kaibigan ko na may boyfriend na tomboy. Ito naman si Robin, kung saang relihiyon pumapasaok basta komportable para sa kanya. Nag Muslim dahil gusto niyang magasawa ng kahit ilan hindi siya madedemanda.Ngayon naman sa Katoliko dahil gusto ni Mariel.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 101  llzlg0401

    04/20/2011 | 10:42 AM
    a big big joke! di ko tinapos basahin ang article, derecho na ako sa mga comments dito, mas naaliw pa akong basahin... patawa talaga itong dalawa na ito! idol ko pa naman si robin dati, nagyon, di na! nahawaan na sya ni mariel! anobeh?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 100  piggybackride

    04/20/2011 | 09:56 AM
    Pareho lang kayo ni Mariel walang laman ang utak at ang OA
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 99  winged_angel

    04/20/2011 | 09:53 AM
    Magpa-civil na lang sila. Wala nama bisa yung Muslim wedding nila sa India coz it's not recognized by the Indian govt. Hence, it's also null and void as far as our govt is concerned. Huwag ng ipilit and Catholic wedding. Di rin naman pwedeng mag-communion si Robin. Ano ba akala ng dalawang to sa Catholicism, negotiable? Di ito joke. They should respect the rules of the Catholic Faith.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 98  ChristieMarie

    04/20/2011 | 09:24 AM
    Ha ha ha! Are you kidding me? This guy is a BIG joke! Where is this man's brain? Somewhere downunder I guess! Robin, do you know what were you talking about? Puh-lease take a hike!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 97  tweeniecinco

    04/20/2011 | 09:00 AM
    ang dami ng comment but this article is definitely one of the funniest articles na nabasa ko sa pep.nakakaloka.robin may tagapayo ka ba?sa totoo lang binabastos mo religion mo at ikaw mariel, may alam ka ba talaga sa pananampalataya mo?all for the sake of your so-called dream, babalewalain nyo teachings ng bawat pananampalataya nyo?at saka robin and mariel gusto nyong gumawa ng ingay ayusin nyo, napaka nega nyo gumawa ng issue.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 96  dulcinea

    04/20/2011 | 08:50 AM
    sabi ni robin, si mariel, bilang katoliko daw, pangarap niyang makasal sa simbahan, sa harap ng magulang at kaibigan ... so, yun lang pala pangarap niya, ang makasal sa simbahan? pero yung essence ng pagiging sagrado katoliko? wala. yun lang. makikipag-usap sila sa mga obispo, alam mo kung ano ang isasagot robin? hindi pwede. magkaiba kayo ng paniniwala. wisdom? wisdom tooth yata meron ka e.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 95  dulcinea

    04/20/2011 | 08:44 AM
    sige, robin, sumulat ka sa vatican .. tignan natin ang magiging sagot nila ... patawa ka.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 94  marchioness

    04/20/2011 | 08:04 AM
    Is he for real? What part of the phrase "Catholicism preaches and practices monogamy" does he not understand? Nobody is playing antagonist to their love story... It is all a matter of respecting the Catholic views on marriage and family. Gosh, it is one thing to marry a simpleton but another thing to have it broadcasted in public. Well, it is what it is.. so Mariel.. deal with it!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 93  manangdi

    04/20/2011 | 06:40 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 92  mccec65

    04/20/2011 | 06:28 AM
    mariel, in the eyes of the catholic church, you are just cohabiting......getching mo?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 91  Mute19

    04/20/2011 | 06:28 AM
    I actually didnt read the story but went ahead to Look at the comments. This is so Funny, as if naman na babasahin ni pope ang letter pag Nalaman nya na sa robin padilla nanggaling. Trash talk
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 90  mccec65

    04/20/2011 | 06:27 AM
    palagay nya ay mababago ang lahat dahil nagsulat sya.....hahahahaa, dungol, dungol. yang mga pa po, po mo....please...over rated... get real
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 89  totoysipa

    04/20/2011 | 05:36 AM
    88 kadabarkads Parang Mariel nga, LOL! I am not even Catholic but seriously, kayong mga Catholics gusto nyo bang magbalik-Katoliko si Robin? Gusto nyo madagdagan pa ba ang anti-Catholic Catholics? With his lifestyle, mas okay yata sa kanya ang Islam kasi pwede ang more than one wife.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 88  kadabarkads

    04/20/2011 | 05:26 AM
    Starngakasi,balita ko may post script din daw na ganito - Nakikiusap po ang aking minamahal na kabiyak na sana ay mapagbigyan ang kahilingan naming ito. Heto po ang mensahing gusto niyang ipaabot sa inyo qoute unqoute po eto. Hi po to all of you dyan sa Vatican. Give me a chance nman po to walk down the aisle kase that's my childhood dream eh. Alam kong may rules ang simbahan kaya lang anong magagawa ko, kinindatan kase ako ni Robin kaya go go go agad ako dun sa wedding weddingan namin sa India. Pasensya na po, sobrang love ko kse si Robin ko kaya di ko naisip na di na po pala ako pwedeng ikasal sa simbahan. Sorry po dun. Cge na po, pls give us a chance anyway Robin told me that I will be the only woman in his life nman eh. Hoping for your kind consideration. Mariel. mwah din po.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 87  ink_01

    04/20/2011 | 05:15 AM
    kawawa ka mariel. common wife ka lang yata. puro religious rites, na hindi naman inaamin ng bongga. ask ko lang kinasal na ba sila ng civil? kasi dun lang sila valid if ever. pero please robin, wag mag ilusyon, ndi babaguhin ng catholic church ang paniniwala, kayo ang mag adjust. kaya nga pwedeng magconvert e. hollywood stars nga ndi umeeksena ng ganyan e. wag kna sumulat sa vatican. nakakahiya. dun p nmn ako mag holyweek. please dont bring confusion and disgrace to filipino people.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 86  totoysipa

    04/20/2011 | 04:13 AM
    Starngakasi, hahaha! For sure, may ganyang drama si Ginoong Padilla para lang masabi na may content kuno ang letter niya. PEP, please publish a copy of Robin's letter to the Vatican so we have something funny to read later on. Pampaalis ng stress when I read posts here, laugh trip! I'm sure it will be more hilarious once Mr. Padilla gets his reply from Vatican, if ever.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About