"He's so passionate about what he does, e. He loves to be here. He's doing everything, day in and day out, just working so hard to be a better actor, better dancer. Even in his passing, he somehow inspires me to wake up every day and just push myself to the limit, to make yourself a better person," says Sam Concepcion about his Gigger Boys co-member AJ Perez, who passed away last Sunday, April 17 due to a vehicular accident in Moncada, Tarlac.

 

CLICK HERE to vie more photos from AJ's wake.

 

Photo: Allan Sancon

"Sobrang bait."

Ito ang naging paglalarawan ng halos lahat ng mga nakatrabaho ni AJ Perez sa showbiz na dumalo sa tribute na isinagawa para sa kanya kagabi, Abril 18, sa La Salle Greenhills chapel sa San Juan.

Ayon sa award-winning director na si Joey Reyes, walang maipipintas sa yumaong binatang aktor, na nakatrabaho niya sa mga pelikulang Kasal, Kasali, Kasalo (2006), Sakal, Sakali, Saklolo (2007), at Magkaibigan (2008).

Ang katangiang ito na lamang daw ang iniisip ni Direk Joey upang kahit papaano ay maipaliwanag ang biglaang pagkawala ni AJ.

Nasawi sa isang vehicular accident ang dating bida sa Sabel habang pauwi na sila ng kanyang ama at dalawang road managers mula sa isang show sa Dagupan, Pangasinan. (CLICK HERE to read related article.) 

Ani Direk Joey, "Ever since I met him, sobrang bait. Kaya iniisip ko, kaya kinuha na siya dahil sobrang bait na bata. Lalo na sa industriyang ito na ang gulo-gulo, ang daming opportunity to be corrupted.

"Kinuha na siya dahil sobrang bait niya. Alam naman ng lahat na up to his last moment, walang naipintas sa kanya, walang naitsismis sa kanya.

"At saka ang tanging dream niya is to be able to work and at the same time to study. For somebody that young, that's really rare."

"PUNUNG-PUNO NG KATINUAN." Bukod kay Direk Joey, nagpunta rin sa burol ang buong staff ng talent search show na Showtime, kasama ang mga pangunahing hosts nito na sina Anne Curtis at Vhong Navarro, at ang resident judge na si Vice Ganda.

Noong nakaraang buwan, naging isa sa mga celebrity hurado si AJ sa programa. At sa pagkakataong iyon, nakita ng tatlong host ang mabuting ugali ng binata.

Ayon kay Vice, "Wala akong makitang mali, punung-puno ng katinuan. Ang made-describe ko lang sa batang ito ay siya 'yong batang punung-puno ng katinuan.

"Wala kang makitang flaws kahit ano—matino, mabait, mahusay. Sabi ko nga, 'Sa sobrang ganda ng personalidad mo, nababagot na ako.'"

Sa hiwalay na interview, sinabi rin ni Vhong, "Isa siya sa sinasabi ko nga na mahaba ang buhay sa showbiz kasi napakabait.

"Kasi, kahit magaling ka, hindi ka naman mabait, wala rin. Hindi ka magtatagal dito."