"He's so passionate about what he does, e. He loves to be here. He's doing everything, day in and day out, just working so hard to be a better actor, better dancer. Even in his passing, he somehow inspires me to wake up every day and just push myself to the limit, to make yourself a better person," says Sam Concepcion about his Gigger Boys co-member AJ Perez, who passed away last Sunday, April 17 due to a vehicular accident in Moncada, Tarlac.

 

CLICK HERE to vie more photos from AJ's wake.

 

Photo: Allan Sancon

Sabi ni Sam, "He's so passionate about what he does, e. He loves to be here. He's doing every thing, day in and day out, just working so hard to be a better actor, better dancer.

"Even in his passing, he somehow inspires me to wake up every day and just push myself to the limit, to make yourself a better person."

GONE TOO SOON. Halos lahat ng mga nakakakilala sa binatang Kapamilya actor ay nabigla sa trahedyang sinapit niya. Para sa kanilang lahat, masyadong maaga pa ang pangyayaring ito.

Bagamat kailangang tanggapin, hindi naman nila itinatanggi na mabigat pa rin sa pakiramdam ang pagkawala ng isang kaibigan.

Tulad halimbawa ni Vhong. Sinabi ng mahusay na komedyante at host, "Hindi ako makapaniwala na patay na. Parang nagbakasyon lang. Kasi, dito sa akin, parang hindi pa patay, parang iniisip ko lang, nasa bakasyon lang."

Si Vice naman ay nanghihinayang dahil para sa kanya, "Sobrang promising na artista si AJ. Aminin naman natin o hindi, iilan na lang ang ganyang katitinong bata, di ba?

"Lalo na sa showbiz—nag-aaral sa matinong eskwelahan at nagtatapos nang matino, 'yong napagsasabay ang show business at edukasyon nang walang nako-compromise.

"Maganda 'yong career niya, maganda ang studies niya. Kahanga-hanga talaga. Isa siyang inspirasyon sa maraming kabataan."

Halos ganito rin ang ipinahayag ni Sam.

Aniya, "It was so abrupt, it was so fast. He had his whole life ahead of him, his career was doing well and he's gonna start in college. In a way, parang it was the right time."

At para kahit papaano mabawasan ng kaunti ang kanyang kalungkutan, iniisip na lamang ng binatang singer-actor, "He has served his purpose here. We are all here for a reason. You know, God put us here and takes us back for a reason."

Samantala, isang maiksing mensahe naman ang ibinigay ni Anne para sa yumaong si AJ.

Sabi ng Showtime host, "We will be caring for your family and all the loved ones you left behind. We all know that you're in a better place right now with our Father, our Creator.

"Keep an eye on all of us here. We will miss you, AJ. Thank you for sharing your life with us."

Ang special tribute kagabi ay dinaluhan ng mga kamag-anak, malalapit na kaibigan, kamag-aral, at mga kasamahan ni AJ sa showbiz.