Gawad Urian picks the Ten Best Films of the Decade (2000-2009)

William R. Reyes
Wednesday, April 20, 2011 @ 02:00AM  |  66898 views

 

(First row, L-R) Elryan de Vera in Ebolusyon ng Isang Pamilyang Pilipino; Jiro Manio in Magnifico, and Nathan Lopez in Ang Pagdadalaga Ni Maximo Oliveros; (second row, L-R) Anita Linda in Lola, Katherine Luna in Ang Babae Sa Breakwater, Ina Raymundo in Tuhog, and Gina Pareño in Kubrador; (third row, L-R) Coco Martin in Serbis, Yul Servo in Batang Westside, and Coco Martin in Kinatay.

Photo By: File photos













The Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) has just released its list of the Ten Best Films of 2000 to 2009, or the first ten years of the current millenium.

Ang pagkakaroon ng tala ng pinakamahuhusay na pelikula sa nakaraang sampung taon ay ginagawa ng Manunuri simula pa noong unang taon ng 1980s, para sa taunang Gawad Urian.

Ang Gawad Urian ay nagsimula noong 1977 (para sa mga pelikulang itinanghal sa taong 1976).

Bagamat nagsimulang magbigay-parangal sa kalagitnaan ng 1970s, ang sakop ng Sampung Pinakamahuhusay na Pelikula ng 1970s ay nagsimula pa rin sa taong 1970 hanggang 1979.

Sa taong ito, napili na ang mga pelikulang pararangalan ng Manunuri, na kabilang sa Sampung Pinakamahuhusay na Pelikula ng 2000-2009. Ito ay matapos ng mahabang proseso ng pilian.

Ang pagkakalatag dito ng mga pelikula ay nasa alphabetical order:

Babae Sa Breakwater (2003). Mula sa panulat at direksiyon ni Mario O'Hara, ang pelikula'y kabilang sa iilang indie films na gumamit ng celluloid.

Starring a team of acclaimed new acting discoveries—led by Kristoffer King, Alchris Galura, and Katherine Luna, plus seasoned actor Gardo Versoza in a major villain's role—Babae Sa Breakwater is "a moving insight into the squalor and poverty of inner city life in the Philippines."  

Noong May 2004 itinanghal ang pelikulang ito ni Mario O'Hara sa Cannes International Filmfest (Directors Fortnight).

Later that year, sa Osian Cinefan Festival of Asian Cinema sa New Delhi, India, at sa Cinemanila International Film Festival, na pinagtamuhan ni Katherine Luna ng Best Actress awards; at ng NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) sa CIFF.  

Nanalo ring Pinakamahusay na Pelikula (co-winner) sa Gawad Urian 2004, at nagtamo ng mga parangal para sa Musika at Disenyong Pamproduksiyon.

Batang Westside (2001). Sa direksiyon ni Lav Diaz, base sa kanyang Palanca award-winning screenplay, ang pelikula ay tungkol sa isang krimeng kumitil sa buhay ng isang Pilipino sa New Jersey.

Tampok sa obrang may limang oras na running time sina Joel Torre bilang imbestigador at Yul Servo bilang Pilipinong napatay sa New Jersey, USA.  

Nagtamo ng major awards sa Gawad Urian 2002, kabilang ang Best Picture, Best Direction, Best Screenplay.

Iginawad din ng Urian ang mga awards kina Joel Torre (pangunahing aktor), Gloria Diaz (pangalawang aktres), at Raul Arellano (pangalawang aktor), liban pa sa ibang creative/technical awards.

1  2  3  4  Next »

Related Articles

71 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name