Filipino boxer and Sarangani congressman Manny Pacquiao, ties with American baseball player Alex Rodriguez, as ESPN The Magazine's Best Paid Athlete of Year 2010. The boxer and baseball player each earned an estimated $32,000,000 last year.

(Inset) Manny Pacquiao on the cover of ESPN The Magazine with Alex Rodriguez and Roger Federer.

Photo: Noel Orsal

Ang Filipino boxer na si Manny Pacquiao ang Best Paid Athlete of Year 2010.

Ayon sa ESPN The Magazine, kumita ang congressman ng Sarangani Province ng estimated $32 million—o P1.376 billion—noong isang taon.

Ito ay dahil sa dalawang laban niya noong nakaraang taon na pareho niyang pinagwagian. Una kay Joshua Clottey noong Marso at pangalawa ay kay Antonio Margarito noong Nobyembre.

Ang tanging kapantay ni Pacquiao ay ang American baseball player na si Alex Rodriguez ng New York Yankees. Si Rodriguez ang nababalitang pakakasalan ng Hollywood actress na si Cameron Diaz.

Ayon sa ESPN The Magazine, parehong kumita ng $32 million sina Pacquiao at Rodriguez noong 2010 o "the most recently completed season or calendar year."

Hindi kasama sa pigurang ito ang endorsement at appearance fees, sponsorship deals, at iba pang sources ng extra income.

Sumunod kina Pacquiao at Rodriguez ang Formula One champion na si Kimi Raikkonen ng Finland, na may race winnings na $26,333,333 noong isang taon (bukod pa rito ang $12.7M niya mula sa kanyang severed F1 contract).

Pangatlo ang NBA superstar na si Kobe Bryant na may $24,800,000.

Ang Portuguese soccer player na si Cristiano Ronaldo, na naglalaro ngayon para sa Real Madrid, ay kumita naman ng $19.5 million.

Ang Japanese baseball player na si Ichiro Suzuki ay may $18,000,000.

Ang Chinese basketball player na si Yao Ming, na naglalaro para sa Houston Rockets, ay may $17,700,000.

Ang Venezuelan-born horseracer na si Ramon Dominguez ay kumita ng $17,411,880.

Ang tinaguriang "grand slam king of tennis" na si Rafael Nadal ng Spain ay may $10,171,998.

Ang British golfer na si Luke Donald ay kumita ng $5,867,601.