news

Mayor Patrick Meneses will take legal action against ex-girlfriend Aiko Melendez for allegedly "masterminding" smear campaign against him

by Jojo Gabinete posted on April 25, 2011  STATS: 1457 Views | 74 Comments

 

Aiko Melendez allegedly hatched a plan to spread rumors that her ex-boyfriend, Bulacan Mayor Patrick Meneses, is gay.

Photo By: Courtesy of jullbar.com

Tiniyak ni Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses na hahantong sa korte ang mga paninira diumano laban sa kanya, at sangkot dito ang kanyang ex-girlfriend na si Aiko Melendez.

"Definitely, pagkatapos nito, paglabas ko dito, kakausapin ko na agad ang mga abogado ko.

"Tinitiyak ko na aabot ito sa korte dahil hindi lang ako ang sinisira diyan, may mga tao rin na sangkot dito.

"Sigurado ako, tinitiyak ko na sa korte kami magkikita uli," ang mariing pahayag ni Mayor Meneses sa host na si Cristy Fermin sa kanyang live guesting kahapon, April 24, sa Sunday showbiz-oriented talk show ng TV5—Paparazzi.

Nag-ugat ang balak na pagdedemanda ni Mayor Meneses sa mga e-mail na kumukuwestiyon sa kanyang kasarian na natanggap ng ilang entertainment writers.

Nang mag-guest si Mayor Meneses sa Paparazzi, ang status ng relasyon nila ni Aiko ang unang itinanong sa kanya ni Cristy.

Ang mga sumusunod ang pag-uusap nina Cristy at Mayor Meneses sa 8 minutes at 30 seconds live appearance niya sa Paparazzi:

Cristy Fermin (CF): "Mayor, February 14 [2011] ng gabi, naghiwalay kayo ni Aiko Melendez. Paano nangyari ang hiwalayan? Paano nangyari ang pag-alis mo?"

Patrick Meneses (PM): "A, Nay, puwede po ba, bakit kami naghiwalay kung ano po ang nangyari? Nag-usap po kami sandali and then, kinausap ko yung mga kapatid niya, yung nanay niya. I kissed the kids goodbye."

Ang tinutukoy ni Mayor Menses ay ang mga anak ni Aiko na sina Andrei, na anak ni Aiko kay Jomari Yllana, at Marthena, na anak naman ng actress-politician kay Martin Jickain.

CF: "Naalala mo pa rin sina Marthena?"

PM: "Hindi naman po mawawala 'yon kasi three and a half years ko silang kasama."

CF: "Mayor, kasi kakambiyo ako... Marami kaming nababasa na blind items. Kailangan kasi lagyan natin ng tuldok ito. Nakakarating ba sa 'yo na naba-blind item ka na bading ka?"

PM: "Nakakarating po sa akin 'yon. May mga tao na nagsasabi at may mga taong nagpaparating na may ganoong blind item."

CF: "Anong reaksiyon mo kapag ganoon? Kapag may blind item na lumalabas na kinukuwestiyon ang kasarian mo?"

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

74 Comments

  • 74  orangeinapod

    05/11/2011 | 02:35 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  orangeinapod

    05/11/2011 | 02:30 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  kapusongsolido143

    04/28/2011 | 06:59 PM
    Ang magandang gawin ni Fermin,ay ilabas nya lahat ng comment dito sa pep tungkol sa kanya on air para malaman ng buong pilipinas kung gaano na karami ang taong ayaw at galit sa kanya. at hinde ung private uasapan ng ibang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  kapusongsolido143

    04/28/2011 | 06:55 PM
    Ang misyon ni Fermin ay hinde WORLD PEACE kunde WORLD WAR sna ma rest in peace nalang cya para tumigil na ang galing nyang gumawa ng war.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  kapusongsolido143

    04/28/2011 | 06:51 PM
    Ang ginawa ni Fermin ay hinde na FREEDOM of SPEECH kc below the belt na cya tumira may karapatan nanaman cyang sinira. dapat MTRCB tignan nyo ito dapat kasohan nyo rin ang programang ito kc hinde na ito nkakatulong sa pilipino. kahit ano pa man ang pinagsasabi ni aiko sa private massege o direct massage nya karapatan nya un at hinde na dapat inilabas ng kahit sino man unless korte ang naglabas o gustong ilabas pero take note kahit ilabas pa ng korte ito hinde dapat in public.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  dreamer

    04/28/2011 | 02:40 PM
    he looks gay though. parang butch francisco lang ang peg!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  boytroso69

    04/27/2011 | 01:57 PM
    kasi naman,yung kalokohan sa internet pa dinaaan.sana nagtawagan na lang para walang ebidensya.naturingang pulitiko pa naman,sablay din pala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  sweetum

    04/27/2011 | 12:42 PM
    gay to save AIKOs face sa hiwalayan! para di sya malagay sa kahihiyan kaya gawa sya ng version nya. hay aiko grabe ka talaga. grabe rin si CF!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  sweetum

    04/27/2011 | 12:40 PM
    sino yong bakla? nabayaran yata lahat ng PM sinave!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  BETCHA68

    04/27/2011 | 11:39 AM
    Naku Mayor, pumatol ka kasi sa bitag ni Cristy Fermin. Ayan tuloy ang sagot niya itanong mo daw sa bulaklak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  mei_050917

    04/27/2011 | 10:13 AM
    si aiko ang bilis magpalit ng lalaki, hindi yata makatiis ng walang lalaki sa buhay nya.. kaya puro panganay ang anak.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  lanieguillen

    04/27/2011 | 08:42 AM
    hay naku, kaya iniwabnan yan ng lalaki dahil bad siguro ang ugali. Kasi pag nice ka patay sa iyo ang men. Siya namanatay ang men pag ka relasyon na niya. what's in her na inaayawan ng men?gaet married kahit kanino then nagpa preggy then annulement na ang kasunod......wala pang bumabalik sa case niya lahat ayaw na siyang pag usapan.. friends okey pero balik love wala na talaga... madali siguro siyang pagsawaan..kung ako sa kanya huwag na siyang mag pabuntis at get married.. malas siya sa aspect na yan...ngayon naninira siya ng dating karelasyon.. bitter ba siya na hiniwalayan siya...wala na bang natirang lalaki sa mundo??? Aiko move on without revenge...kaka...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  famous23

    04/27/2011 | 07:25 AM
    bakit may copy ng pm ni aiko c cristy???
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  winged_angel

    04/26/2011 | 11:34 PM
    I personally think that Aiko really has the capacity to do this. She is not a nice person. Grabe kung magmura ng mga tao nung naka-upo pa sa pwesto. Minsan may binangga si Candy Pangilinan na bus. Kasalanan niya yun, aminado siya. TUmawag siya kay Aiko, si Aiko minura at sinigaw sigawan ang bus driver. Haaayyy ang cheap ng issue na to. Ang mga naghihiwalay sapat mag move on. Masama ang bitter. kaloka.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  JohnnyThor

    04/26/2011 | 06:52 PM
    Kristy Fermin? Kasing gaspang ng pera ang mukha niyaan, she would do all the mud slinging for a price. a for hire character assassin. I would not be surprise, if one day she winds up in a ditch somewhere.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  blessfull

    04/26/2011 | 05:31 PM
    parang imposible.. private message nga eh.. kung nabuksan ang account ng hindi alam ng may-ari, hacking tawag dun at posible din na si Cristy fermin na din may gawa ng mga messages na yun di ba dahil nahack na nila?? walang dala itong si Cristy fermin.. wala naman ng kredibilidad.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 58  chimes_hichman

    04/26/2011 | 04:52 PM
    Hindi ba anak anakan din ni cristy si aiko? un ibang baho ng mga artista kaya pagtakpan ng isang reporter kung gusto nila lalo kung anak anakan nila at malaki ang natatanggap na pera tulad ni cristy kay willie at jude estrada..so does it only mean na nilaglag na ni cristy si aiko? i wonder kung bka gusto pumapel ni cristy kay mayor meneses para mas malaki makuha na datung kesa kay aiko? muka pera si muka palaka?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 57  dalegend

    04/26/2011 | 02:32 PM
    nabubuhay si cristy fermin sa mga kaso kaya gusto nya may karamay....if i were patrick m...i dont mind it anymore...kht may pinagsamahan sila ni aiko at di maganda ang nangyari, hayaan ko na lang and di na magdemanda...what for? justice?weeee..... lalabas din nmn ang true n kng totoo nga,mag iingat na ang boys kay aiko...pero mas mag ingat kay cf dahil pasaway ang shrek na yun...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 56  hanstex

    04/26/2011 | 11:53 AM
    if totoo...kawawang aiko....pero kung totoo nga....dapat managot ang may kasalanan... PERO ISA LANG ANG NASA ISIP KO....BASE SA LAHAT NG NABASA KONG NG COMMENTS DITO....MAJORITY INIS KAY CRISTY FERMIN. hindi na mabura ni cf ang inis ng mga tao maging ok man ang article nya....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 55  writ

    04/26/2011 | 11:49 AM
    hindi ba nya naisip na siya ang mas lalong maaepektuhan dahil sa ginawang yun ni Cristy fermin.. public official siya tapos he would resort to stuff like this.. yung cristy na yan, she doesnt deserve to be called a reporter rather kasi hindi naman yan nagrereport eh,. naninira lang yan ng tao.. ang nag-iisang mabait sa kanya ay ang manyak na si willie..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About